Chapter Six

1.6K 34 1
                                    

She missed him. She missed him so damn hard.

It's been two days nang di niya na nakikita si Calev even heard his voice. She was busy. Ang daming hinahabol na papers at client ang company kaya nag oovertime halos lahat ng empleyado.

Hindi na siya nakauwi kagabi dahil pagod na siyang mag drive. Sa office na niya siya mismo nakatulog. Umuwi lamang siya kaninang umaga para mag ayos.

At ngayon natapos na yung kalbaryo na yun, nakasalampak na lamang siya sa upuan niya, contemplating if she would meet him or what.

Looking at her clock setting on her table, it said 9:46 in the evening. Kung siya ang tatanungin, bakit hindi? Kahit anong oras pa yan, handa siyang puntahan ito. Anywhere, anytime, she would always be there for him. Ang inaalala lang niya ay si Calev. Was he asleep? Where was he? What was he doing? That she could not answer.

Nagdadalawang isip siya kung tatawagan niya ito o hindi dahil baka tulog na ito at magising lang niya. He needed a good night sleep since he was one hell of a hardworking man. Buti nga ay kumakain na ito ng pananghalian.

Minsan kasi, nagrereport yung secretary niya, sinasabi nito na di na naman daw ito kumain. She would worry everytime nakakatanggap siya ng report na ganun kaya tinatawagan niya lagi si Calev para kumbinsihin itong kumain.
Kung di ito nakikinig, pinupuntahan niya ito mismo sa opisina niya.

Tatayo na sana siya para magtungo muna sa cr nang tumunog ang cellphone niya. The caller said it was Diane, Calev's secretary.

She picked it up immidiately.

"Yes? Kumain na ba siya?"

She forgot to call Diane para icheck kung kumain ba si Calev kaninang tanghalian dahil sa gutom niya but then it was a good thing na may initiative ang secretary ni Calev para tawagan siya ng una.

"Yun nga po ang tinawag ko. Dito po ata siya natulog sa opisina at di na po siya kumakain. Ayaw nga pong magpapasok eh. Napagalitan po kanina yung head ng HR kasi humaharang harang ito sa daan ni Sir. Nakakatakot po siya ngayon" pagsusumbong  ng babae. Bakas sa boses nito ang talagang takot.

Well, para sa kanya, hindi na bago ang makitang parang kakain na ng tao si Calev.

She was used to it. Pero kahit ganun, hindi niya pa din maiwasan na di mag alala. Why would Calev be so mad? Baka may problema ito sa company and she needed to be with him para pakalmahin man kung ano ang nag aaway sa loob niya.

"Is he still there?" she asked.

"Wala na po. Kanina pa pong mga seven pm umalis."

"Saan daw pumunta?" She was expecting that Dianne knew but then she just embrace the idea na baka tama siya ng hinala. Hindi nito alam.

Biglang tumaas ang pangamba niya. Where would Calev be?

Duh, you are overreacting August. Baka nasa condo na niya iyon.

"Aw okay. Thank you Dianne" she bid and before hanging up she reminded her to give a copy of Calev's appointments for tomorrow.

She got up from her seat at di na nag abala pa na mag-ayos.

She needed to see Calev.

Kung ano man ang pinagdadaanan nito ngayon, she wanted him to feel na andyan lang siya lagi sa tabi nito. If he would get angry, wala na siyang pakialam.

She would serve him. If she needed to be his servant para lang di siya nito paalisin sa tabi niya, gagawin niya. Ipagluluto niya ito kung iuutos niya, siya ang maglalaba lahat ng damit niya and she would do the house cleaning which was she never did and most specifically for a person before. But for Calev, she would do her best.

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon