Kulay puti. Yun lang ang nakikita ngayon ni August sapagkat nakatunganga lang naman siya habang nakahiga sa kanyang malambot na kama. Kanina pa nag-ingay ang alarm clock niya at halos ibalibag niya ito nang di niya ito maabot at mapatay. Sadyang tinatamad siya. Wala siyang alam na gawin. Walang trabaho dahil Sabado.
Sabado. Natawa nalang siya nang maalala kung ano yung madalas niyang gawin tuwing Sabado. Dapat sa mga oras na ito ay nagpaplano na siya kung paano paandarin ang date nila ni Calev. Pero wala eh, wala siyang Calev ngayon.
Bumuga siya ng isang malalim na hininga bago pinilit ang sarili na tumayo. Kailangan i-distract muna niya nag sarili para hindi laging iniisip si Calev. Sa tingin niya kasi ay tinatahak na niya ang daan sa pagiging baliw. Kagabi ay ang tagal niyang natulog dahil sa kaka-isip sa lalakeng iyon. Gusto sana niyang mag-iiyak kaso pag naaalala niya ang pag-uusap nila ng kanyang mommy ay natatawa nalang siya. Paano ba naman ay mukhang tama ito sa sinabing parang girlfriend lang ay iniiyakan niya na.
Hindi pa din siya nakakamove-on sa naging moment nila ng ina. She was still stunned to see her mother on that way. She smiled to herself. Her mother was really something.
Pagkatapos niyang mag-ayos sa sarili ay dumiretso siya sa kusina dahil nakaramdam na siya ng gutom. To her dismay, she saw nothing to be called as food kaya naisipan niya nalang na sa labas na lang siya kakain.
She went back to her room and changed into a simple white loose shirt that had a small black print which says, She olny knows what she feels inside. Natawa pa siya sa statement na nakalagay dahil tama ito eh. Pinaresan niya ito ng isang black short short. Inilugay niya ang kanyang mahaba at alon alon na buhok. She put a light make up before finding her white Chuck Taylor shoes and wore it. She looked herself at the mirror again. The outfit was kinda simple but then she wanted it that way. She's comfortable wearing such. She loves simple things. Wala man sa hitsura niya dahil madalas na turing ng tao sa mga mayayaman ay masosyal, pero yun siya. She was one of the exemptions on those filthy rich people who wanted to be fab as always for they feel like they are walking on a red carpet every time.
She went outside her unit and smiled to the people who she met along the way. Ewan niya but she felt fine today. Ang gaan ng pakiramdam niya. Maybe it was because of what her mother said. She smiled secretely as she remembered their conversation yesterday.
"So, ano po ang mai-sa-suggest niyong gawin ko ngayon?" Kahit kailan ay di niya na isip na darating ang araw na hihingi siya ng payo sa ina patungkol kay Calev. Her mom was in a light mood kaya iga-grab nalang niya ang oppurtunity. Tama naman kasi ito,ang babaw ng rason sa pag-iyak niya. Mababaw ba talaga?
"Ganito..." Lumapit ito sa kanya at itinapat ang bibig sa kanyang tenga. "Mag pa-miss ka," bulong nito.
Hindi niya alam kung sasaya siya o malulungkot sa naging suhestiyon ng kanyang mommy dahil sa magandang ideya naman iyon ngunit mukhang imposible naman kasi na mamimiss siya ni Calev kahit na ilang taon pa siyang mawala para lang magpa-miss. Di nga siguro nito mapapansin kung saka sakali umalis siya o baka mapansin pero wala naman ito g pakealam.
BINABASA MO ANG
The Accused (A Series #1)
General FictionIt might be because she loved him too much. August Gaillean Willinton