Chapter Nine

1.5K 41 3
                                    

"Akalain mo yun, talagang ang konti nalang at masususgatan na ako. Yung anak kasi ng kaibigan ni mommy eh. Sino ba namang matinong bata ang maglalaro ng kutsilyo at nagtatatakbo pa talaga. Kung di ko siya nakitang palapit, malamang nasugatan na talaga ako! Nakakainis talaga yung Kairo na yun eh!" pagkukwento ni August sa lalakeng kaharap niya na halatang dwala naman sa kanya ang atensyon.

Nakita  niyang humilig sa likuran ng upuan ito at halata ang pagkabagot sa mga tingin nito. Panay din ang tingin nito sa relong suot.

Mga ilang minuto na din silang naka-upo sa table na nireserve niya. Natapos na din silang kumain pero mi isang salita ay walang lumabas sa bibig nito.

Kwento lang siya ng kwento at medyo masakit na sa panga. Medyo nahihiya din siya sa tuwing naglilinya ang labi nito sa tuwing may sinasabi siya hudyat na pinapatay na ito ng kabagutan. Kaya madaling  iniiba ng dalaga ang kwento at naghahanap ng mas interasadong pag-usapan pero kahit nakakatawa ang sabihin miya ay wala siyang nakitang pagbabago sa emosyong nasa mukha nito.

Parang baliw lang din siyang tumatawa mag-usa at nagsasalita na parang walang kaharap.

Bakit di pa ba siya nasanay? Kailan ba nung niyaya niya ito ng mga dates ay nagsasalita ito ng madalas? Dapat hindi na niya talaga ito nararamdaman ang kirot na bumabalantay sa damdamin niya dahil lang pinapakita nito na ayaw talaga siyang kasama.

Sanay ka na dapat August. Sanay ka na dapat.

Pilit nginitian ni August ang lalake. At akmang ipagpapatuloy niya ulit ang naudlot niyang kwento nang naunahan siya nito.

"You did not realize na ilang beses mo na iyang naikwento di ba? You almost stabbed by a kid named Kairo. You cried a lot that night. And you laughed a lot the next day nang mabalitaan mong pinagalitan siya ng mga magulang niya nung umuwi sila sa bahay. Then the next week, he had caught chicken pox. You teased him. He almost punch you. Since he just attempted to, you did it. Na office kayo making it the reason why he transferred to another school."

August was beyond shock sa mga lumabas sa bibig ni Calev. It was all detailed. Tama ito, how bad for her that she forgot na ilang beses na niya itong naikwento sa binata.

Wala na din kasi siyang ibang maisip sabihin. Iniisip niya kasi na bago magbibigay pake sa kanya si Calev dahil nga muntik na siyang masugatan nun.

Was it an insanable way of thinking? Napakababaw ba?

She thought so. Halos sapakin niya ang sarili sa harap ng binata but she restrained from doing it. Magmumukha na naman siyang tanga.

"You know August, hindi mo naman kailangang magpa-impress eh. Lahat ng mga sinabi mo, wala naman akong pakialam dun." Mahinahon ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang minamartilyo sa sakit ang puso niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Calev. "You should save those stories to people who would really care. Kung nasugatan ka nun, so what? You were still both young. You should no act like you really hate him that much dahil lang dun sa ginawa niya  You are old enough now to think kung ano dapat ang ipagsawalang bahala nalang o ano ang dapat. Don't be irrational, August. Don't overreact things."

Parang hinigit ang hininga ni August nang matapos magsalita si Calev. The tone was still calm but the message.. she felt like she was being ripped apart.

She could just shook her head mentally. Parang tinakasan siya ng kanyang dila. Gusto niyang sumagot pero di niya kaya.

She felt like her knees wobble. Good thing she was sitting dahil kung hindi baka nasa sahig na siya ngayon sa panghihina ng tuhod niya. Her heart was also pumping so fast like she have just run miles and miles. And her eyes. Damn! Bakit parang maiiyak siya?

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon