Chapter Eleven

1.5K 28 1
                                    

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try you call later.

Naririndi na ang tenga ni August sa paulit ulit na usal ng boses sa kabilang linya. Ilang beses na ba niyang tinatawagan si Diane?

Mula kaninang maaga nang makarating siya sa condo niya mula sa byaheng mula Davao ay di na nito sinasagot ang tawag. Imposible namang di pa ito gising eh noon kahit anong oras pa ay sinasagot agad nito ang tawag niya. And one thing, it's Monday. May pasok.

Mag-aalas onse na ng umaga pero nakasalampak pa din siya sa kanyang higaan. Sobrang pinagod niya kasi talaga ang sarili sa isang linggong event na yun para naman mabaling ang atensyon niya. Para panandaliang makalimutan ang isyung patungkol kay Calev.

Pero gaya ng dati, bigo siya. Don't get her wrong, she always wanted to help other people pero talaga ay namimiss niya na si Calev that she could not just stop on thinking to go home earlier, na tapusin nalang ang long event na yun.

One week? That's really too much to take pero nakaya niya. Kinaya niya. Ayaw din naman kasing biguin ang ama nito. Iyon na nga lang ang magagawa niya para masuklian ang mga pinagagawa ng Dad niya at di pa niya ito tatapusin. Buti nga ay pinapayagan pa siya nito na umabsent minsan para lang sa mga todo efforts niyang pakikipag kita kay Calev, kahit under training palang siya ng kompanya.

Sinubukan niya ulit tawagan ang number ni Diane pero di na ito nag ring. Inulit pa niya ito at nabigla siya dahil mukhang binabaan siya ng tawag nito.

May nangyari ba?

Baka madami lang trabaho kaya hindi nito masagot ang tawag. Minsan kasi nangyayari ang ganito. Hindi masagot sagot ni Diane ang tawag niya dahil sa trabaho.

Pero kasi noon, nagpapadala naman ng message si Diane to notify her na may meeting sila o kaya ay mag madaming trabaho siyang gagawin.

Pilit iwinawaksi ni August ang di magagandang ideyang puamapasok sa utak niya. Di pwedeng pangunahan niya ang sitwasyon.

Dapat siguro ay maghintay siya hanggang sa mag mag lunch break ito. Baka nga talaga ay may ginagawa ito at di na napansin ang cellphone.

Looking back, she already considered Diane as a friend. Kahit pa noong ilang ulit nito tinanggihan ang alaok niya na extra service at yun ang pagbibigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa mga whereabouts ni Calev. Di lingid sa kaalaman ni August ang estado ng buhay ni Diane. Hindi sa minamaliit niya ito, gusto lang talaga niyang tumulong at parang nagkataon lang na andyan si Diane upang pwedeng tumulong sa kanya. Give and take realtionship.





It was after her work, she could remember, nang pumunta siyang kompanya ni Calev. Maaga niya talagang tinapos ang mga ginagawa para maabutan pa si Calev. Nung makarating siya doon ay agad na bumungad sa kanya si Diane na kahit ay may pagkaalangan ang ngiti ay alam niyang isang mabuting tao.

"Hindi po talaga kayo pwede ma'am eh." Ito ang laging sinasabi sa kanya ni Diane kapag talagang gusto niyang makita si Calev. Alam niyang sinusunod lang nito ang utos ng totoong boss nito.

"Madali lang naman ako eh" paliwanag pa niya. Hindi na lingid sa kaalaman ni Diane na mah gusto siya kay Calev and she did not find any problem with that. Mukhang mapagkakatiwalaan naman ito.

"Pero po kasi ang sabi ni sir-"

"Sir? Eh ma'am din naman ako ah! Pwede mo naman akong maging boss" putol niya sa sasabihin pa nito.

Bumalandra ang pagkalito sa maamong mukha nito. "Ho?"

"Magiging boss mo ako if magiging empleyado kita, ganun" pagpapaliwanag niya.

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon