Prologue

5.5K 61 11
                                    

"Calev!" impit na sigaw ni August na nagsisismula ng pagpawisan dahil sa kakasunod kay Calev. Sa sobrang bilis ba naman ng binatang maglakad na halatang iniiwasan talaga siya ay talagang nahihirapan siyang masundan ito.  "Excuse me," sabi niya sabay mahinang tinulak ang babaeng humarang sa daan niya.

"Ano ba nama yan," sabi nung babae na halatang nabibigatan din sa mga librong dala pero di niya iyon pinansin. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makasabay kumain si Calev with or without his friends dahil may ibibigay siya dito.

"Calev, sandali lang!" sigaw ulit niya ngunit katulad lang din kanina ay umakto ito na parang walang nadinig kaya tinodo na niya ang lakas ng kanyang boses. "CALEEEVVV—"

"MS. WILLINTON!"

Halos mabuwal pa siya sa kinatatayuan niya nang madinig niya ang sigaw din ng kinakatakutang librarian ng eskwelahan sa may likuran niya. Dahan dahan niyang pinihit ang ulo pa kanan just to be welcomed by a sign 'LIBRARY' at sa may dingding ay may nakadikit na 'Observe Silence.' Parang gusto niyang lingunin ang kanilang librarian at humingi ng tawad but when she turned her gaze to Calev's direction again ay nakalayo na 'to. She needed to follow him and that was what she did. She ran in her fastest pace. Nadinig pa niyang sumigaw ulit ang librarian pero di na niya ito pinansin.

Magakakafines na naman siya panigurado dahil sa pag-iingay. Madami na siyang nababayarang fines sa library dahil sa pag-iingay. Tuwing nasa nasabing silid kasi sila ni Calev for some researches ay di niya maiwasan talaga na kausapin ito. And Calev as the normal Calev Montelles, ay di siya pinapansin nito kaya kung ano-ano nalang ang naiisipan niyang gawin para lang makuha ang atemsiyon nito.

Isang dipa nalang at mahahawakan na niya sa braso si Calev. Konti nalang sana pero nakaliko agad ito at nakapasok na sa cafeteria ng school. Hindi naman siya pwedeng magsisigaw dito para mapansin ni Calev dahil paniguradong marami ang makiki-echos at baka may mag-isip pa ng kalokohan katulad ng pagkuha sa kanya ng video at i-upload sa kung saang website. She did not mind being famous kaso pag nalaman ng mommy niya ang kabaliwang ginagawa sa school ay paniguradong gagawa yun ng aksyon para malayo siya kay Calev na never niyang hahangaring mangyari.

She loved the man. At kahit anong sabihin ng iba, walang magbabago. She would do everything para lang mapansin siya nito. Kahit pa walang kasiguraduhan ang kalalabasan ng ginagawa niya. As long as wala siyang mabigat na rason para bumigay, hindi niya talaga titigilan si Calev.

Agad na bumungad sa kanya ang mga heart shaped designs. Red ang color ng lahat ng chair at may nakikita pa siyang mukhang freebies ata yun na mga heart din ang design in line na din sa sine-celebrate ng buong mundo ang Valentine's Day. At kung may mga pakulo ang cafeteria ngayon sa mga estudyante, siya, of course, para sa binatang kanina pa niya sinusundan ay meron din.

Sinundan niya pa din si Calev na halatang may hinahanap. His friends, for sure. At di nga siya nagkamali dahil naglakad na ito bigla papunta sa table na pangmaramihan. Kita na din niya ang grupo ni Calev na kumakaway pa kay Calev at dahil mukhang nakita siya ng mga ito kaya pati siya ay kinawayan ng mga ito. Ngumiti siya bilang tugon.

"Hi, Happy Valentine people!" masiglang bati niya sa mga kaibigan ni Calev ng makalapit sila sa lamesa ng mga ito. Sanay na ang mga ito sa gawain niyang pagsunod sunuran kay Calev. Hindi naman siya nahihiya sa nga ito dahil hindi naman ito yung mga klase ng tao na madaling manghusga. Minsan pa nga ay tinutulungan siya ng mga ito tuwing may gagawin siyang surpise kay Calev.

"Hi August!" balik na bati ni Klark, isa sa mga kaibigan ni Calev.

"Happy Valentine, Gust" sabi naman ni Ellev na siyang nag-iisang babae sa grupo.

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon