"Pasensya na Ma'am August pero hindi na daw po kayo pwedeng papasukin eh."
Ilang ulit na siyang nagpangbalik sa kompanya ni Calev. Hindi naman niya ito naabutan at di na niya talaga madatnan sa umaga dahil mas maaga na daw kong ito ay pumasok. Hindi naman siya pwede sa mga oras na iyon dahil umaarangkada ang morning sickness niya.
"So does that mean..." Tinignan niya si Aileen, isa sa mga nag assist sa kanya na taga reception ng may pag-aalangan. "Banned ako dito?"
Nakita niya kung paano tinikom ng babae ng mariin ang bibig nito. Hindi ito makatingin sa kanya ng diretso. At kahit pa man di nagsalita si Aileen ay alam na niya ang ibig ipahiwatig nito.
Calev's intentinon was clear. He hoped not to see her and do nothing with her.
Her tears started clouding her lids pero pinigilan niya ito. Ayaw niyang makita siya ng iba na umiiyak. Alam niyang hindi pa siya tapos sa pagiging mahina. Pero hindi siya sususko dahil hindi naman para sa kanyang sarili ang pinaglalaban niya. Ibang usapan na kasi ang magiging anak nila.
Nasasaktan pa din siya at habang tumatagal mas gumagrabe. Minsanan nalang siya kung pumasok sa trabaho. Minsan ay nalalate pa siya. Ilang beses na siyang napatawag ng dad niya. Ang alam lang ng mga ito ay may sakit siyang iniinda. But she assured her parents that it was not something that severe. Kung di pa ba matatawag na severe ang pinagdadaan niya.
Limang araw na simula ng huli silang nagpangkita ni Calev. At limang araw na din siyang walang tigil sa pag-iyak. Hindi na siya halos makatulog pero pinipilit niya para sa magiging anak niya. She was starting to crave foods na hindi madalas makita sa market kaya nahihirapan din siyang tugunan ito. Kung sana nasa tabi lang niya si Calev ay di siya ganun maghihirap.
"Sorry po, Miss Willinton."
Hindi na siya nag-abala pang magsalita dahil pakiramdam niya ay pipiyok siya. Tumango nalang siya dito at mapaklang ngumiti.
Nang tumalikod na siya nakita niya pa ang pagatitig ng malungkot ni Manong Rad sa kanya. Alam niyang alam na nito kung bakit pabalik balik siya sa kompanya at aalis din naman agad. Di na naman kasi siya papapasukin. Kung pwede nga lang sanang takbuhin niya ang distansya ng reception desk at elevator ay gagawin pero hindi dahil may iniingatan siya.
Mainit na sa labas nang tuluyan siyang makalabas. She looked for the time on her watch and found out na mag-aala-una na pala ng hapon. Hindi pa siya kumakain and as if on cue, her stomach growled.
Napangiti naman siya agad. She caressed her tummy. "Gutom kana baby? Wait lang muna ha, hahanap muna si Mommy ng makakainan natin."
Saktong sakto naman na may padaan na taxi kaya agad niya itong pinara.
"Manong, sa The Food Habit po," ika niya sa driver. Pinaandar naman agad ng driver ang sasakyan pagkatapos siyang tanguan.
She leaned on the seat and took a deep breath. Pagod siya. Pagod na pagod. Kung makausap lang sana niya si Calev... She could just shook her head with the thought. Calev was way more hard now, ang galing na nitong umiwas. Parang alam na alam at kakulado nito ang mga galaw niya. Di tuloy siya makapagplano sa mga sususnod na gawin. Ang gusto lang naman kasi niya ay masabi dito ang tunay na kalagayan niya at dun na siya mag-iisip ng sususnod na aksyon. Alam niyang malaki ang posibilidad na baka lalaki ang anak niya na walang ama but then she won't surrender without a fight para ng sa huli ay wala siyang pagsisihan dahil atleast she tried. She tried fighting.
Naglagi muna siya sa restaurant na kinainan niya pagkatapos niyang kumain. Nakakapagod pa kasi na lumakad. Busog na busog siya. She was craving now for seafoods kaya nga nung nasa tapat na siya ng The Food Habit ay agad siyang bumalik sa dinaanan at pumara na naman ng panibagong taxi. She changed her mind. Ayaw niya pala ng mga meat and veggies. Mas natatakam siya sa mga pagkaing dagat.
BINABASA MO ANG
The Accused (A Series #1)
General FictionIt might be because she loved him too much. August Gaillean Willinton