Chapter Ten

1.7K 31 1
                                    

Isa sa mga paboritong activities sa kompanya ni August ay ang outreach programs. Wala siyang pinapalampas na taon. At ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang pigilan ang sarili na di makatulog habang naglalakad sa malawak ng airport ng Davao.

Mga ilang oras palang ata siyang naka-idlip kaninang umaga nang mag-ingay ang alarm clock niya. Gusto niya pang matulog dahil talagang napagod siya sa.

Napagod siya sa pag-iyak nang maka-uwi ng condo kagabi.

Hindi pa din kayang kainin ng utak niya ang mga naging rebelasyon ni Calev na may minamahal na ito ng iba. Pakiramdam niya ang unfair. Sobrang unfair.

Halos lahat ng oras ay nakatutok lang siya kay Calev at niminsan di niya nakita miski ang anino man lang ng sinasabing babae na mahal ng binata.

Ang unfair kasi mukhang wala namang ginastang effort yung babae para agaran siyang mahalin ng taong labis niyang minamahal.

Pakiramdam niya ay parang mababaliw na siya.

Questions. There are  lots of them. At dagdag pa sa sakiit sa ulo ang paghahanap ng sagot na wala naman siyang mahanap.

"Ma'am, ready na po yung sasakyan patungong probinsya."

Nakita niya sa si Cathy na nasa gilid niha at panay pa din ang ngiti. Para man lang walang ka proble-problema ang isang to. Eh sa mula kaninang nagsalubong sila sa NAIA ay parang nakatape na ang skile nito sa bibig. At minsan nakakainis kasi nakakainggit na.

"Thanks Cath" sagot niya nalang. Di pa din naman siya baliw para talagang awayin ito dahil lang sa di ito marunong sumimangot.

Naglakad na sila palabas ng airport. Hindi pa naman masyado masakit ang init mula sa araw dahil paniguradong maaga aga pa naman. Ala sais ang flight niya kanina mula Manila hanggang dito.

"Pwede po muna kayong matulog ma'am. Medyo mahaba haba pa po ang byahe patungong venue" agad na sabi ni Cathy nang makasakay sila ng van na maghahatid sa kanila sa pagdadausan ng event. Nahalata yata nito na inaantok pa siya.

At kahit di ipa-alala ni Cathy ay matutulog talaga siya. Kanina pa niya gusto ng gawin iyon.

Okay lang naman sana na bumyahe siyang walang tulog basta ba ang dahilan ng pagiging walang tulog niya ay maganda hindi yung katulad nung kagabi. Masakit pa din sa dibdib at mata.

Mula sa pag-iisip ng mga bagay bagay, hindi na niya napansin na unti-unti na pala siyang nilalamon ng antok.

She was just awakened by someone's tap and a voice.

"Ma'am, andito na po tayo."

Gusto niya pang magprotesta pero kahit di niya idilat ang mga mata, alam niyang si Cathy ito at pinapaalalahan siya bilang ito ang trabaho na nakalahad dito.

She slowly opened her eyes and closed them immidiately nang tamaan ng sikat ng araw mula sa bintana. Nakakasilaw. Anong oras na ba?

"1:47 pm na po ma'am" Cathy blurted out as if she knew what was running on her head. Nakasilip pa din ang ulo nito sa loob ng sasakyan habang ang katawan ay nasa labas.

Maiging pagtango ang naging sagot ni August.

Tanghaling tanghali na pala. Hindi man lang niya naramdaman ang pagkalam ng tiyan niya. Siguro ay dahil na din sa antok.

She went out of the car bitbit ang kanyang personal handbag.

Not afar, she saw a group of people. Nakita niya ang nga nagagandahang ngiti ng mga ito. Wala mi isa sa kanila ang napansin niyang nakasimangot at sobrang nakakadagdag iyon sa kagandahan din ng paligid.

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon