Chapter Nineteen

1.7K 41 3
                                    

August was lying on her bed. She was aware of the time pero tinatamad siyang bumangon. Late na siya sa trabaho pero wala siya sa mood talagang pumasok. Itetext nalang nya mamaya ang daddy niya na masama ang pakiramdam niya.

She heard her tummy churned. Gutom na siya. Kahit tinatamad siya ay pinilit niyang tumayo para tugunan ang tawag ng kanyang tyan. She went downstairs straight to her kitchen and looked for something but too bad, she only found veggies when she was craving for some pasta.

She sighed. The situation was pushing her to go on a grocery shop but she's tired. Hindi niya alam kung bakit ganun siya kapagod ganung kahapon, wala naman siyang ginawa kundi ang matulog. Mag-iisang linggo na siyang ganito at medyo nababahala na si Cathy sa kanya. Di niya na sinabi sa Dad niya dahil paniguradong mag-aalala yun.

"Pagod talaga ako eh." Parang baliw na ika niya sa harapan ng kanyang nakabukas na ref. May mas madali sanang paraan para makakain siya at yun ay ang mag-order nalang sa labas pero hindi niya din feel maghintay.

She closed her eyes and took a deep breath. Okay. Fine. Mag-go-grocery na siya. Buhay nga naman ng mag-isa.








NAKATANAW siya sa sales boy ng mall na pinuntahan niya habang nilalagay ang mga pinamili niya sa labas ng compartment ng sasakyan niya. Pagkatapos nitong mailagay lahat ay binalingan siya nito.

"Okay na po ma'am," nakangiting anito.

"Salamat."

Bibigyan niya sana ito ng tip kaso ayaw nitong tanggapin. Bawal daw kasi nasa policy daw nila na bawal tumanggap ng pera while doing their job. Ganun ba yun? Ba't ngayon lang niya nalaman? Sayang naman di ba? Grasya na yun.

Pumasok na siya sa kotse niya at nagsimulang magmaneho palabas ng basement nang biglang may sumalubong na pulang kotse sa kanya. At kung di niya lang natapakan ang break ay mabubunggo nila ang isa't isa. Sinalakay agad ng kaba ang dibdib niya.

Agad siyang bumaba para harapin ang marunong na drayber. Aba't muntikan na siya dun. Hindi niya alam bakit bigla nalang uminit ang ulo niya. Gusto niyang tirisin ang kung sino man ang nasa loob ng kotse na yun. Hindi ba ito marunong magmaneho? O baka bulag ito. Napakalaki ng sasakyan niya para di nito matanaw.

Nagpapadyak siyang lumapit sa sasakyang kamuntikan siyang mabangga. Ni hindi ito bumaba para tignan kung may na damage ba ito o ano. Walang modo! Walang sabi sabing kinatok niya ng napakalakas ang tinted na binatana nito para makuha niya ang atensyon ng kung sino mang damuhong driver na iyon.

Hindi naman siya bayolenteng tao at kung siguro kung sa ibang panahon ito kung mabuti ang pakiramdam niya ay mahinahon niyang lalapitan ito at siya pa ang magkukusang magtanong kung okay lang ba ang pakiramdam nito. Pero may iba eh. Hindi niya alam kung bakit yamot na yamot siya. Kanina naman nung papunta siyang mall ay nawala yung pagod niya at napakabuti na ng mood niya. Nakikisabay pa nga siya sa tugtug ng radio sa sasakyan niya.

Ilang katok pa ang ginawa niya bago binuksan ng driver ang binatana nito. Medyo nagulat pa siya ng makita na babae ang driver nito.

Humarap ito sa kanya at mas nabigla siya ng makita ang mga mata nitong namumula at umaalpas dito ang nag-uunahang luha.

Ganun ba ito natakot dahil sa muntikan nilang banggaan? Para namang humupas agad ang iins niya dito. Mala-anghel ang ganda ng babaeng nasa harapan niya. At kahit pa umiiyak ito ay di nito nabawasan ang kagandahang taglay. Nababakas niya ang lungkot sa mga tingin palang nito. Pero bakit kungkot? Di ba dapat ay takot ang nakikita niya?

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon