Chapter Eighteen

1.7K 41 4
                                    

"What happened between us was a mistake."

Hindi alam ni August kung paano niya nakayanan pang tumayo sa harap ng binata pagkatapos isiwalat nito sa mukha niya na ang nangyari kagabi ay isa lamang pagkakamali. His face was now void with emotions.  Her tears were coming out as expected. Hindi niya na ito nilabanan. His words were not a bomb, those were knives and arrows that came darting her heart making it bleed. Wala siyang ibang maramdaman kung di sakit.

Could she ever recovered from this? How could he hurt her like this? This was unfair. They shared the night together. And she could not be mistaken on feeling that he have something to give her because all he did last night was shouting she was someone important to him. Di ba nga sabi pa nito na pwede siya nitong mahalin? He even asked for a chance, kaya bakit? Bakit niya sinasabi ngayon na mali ang lahat? Hindi naman siguro panaginip ang lahat ng nangyari kagabi, di ba?

"I was drunk," he blurted out adding more salt to her wound.

She could hardly breath. Her sobs was what could be heard from the room. Hindi niya kaya 'to. What now? Paano pag may nabuo? Anong gagawin nito? Would he discard her like some idle trash? No, he could not do that.

She shook her head. She shook again. And again. And again. Nahihilo na siya. Hindi kasi eh! Hindi kasi dapat 'to nangyayari eh! Hindi!

"August, you could have stopped me. You could have–"

"STOPPED YOU?! ARE YOU CRAZY? DAMN YOU CALEV! DAMN YOU!" Hindi niya napigilan ang sarili na sumigaw. Sinisisi siya nito sa nangyari. Ngayon, kasalanan na niya? Ha! She did not know he'd come this irrational to blame her. She covered her face with both of her hands out of frustration. Hindi na niya alm ang gagawin. "Calev..." She ended up whispering. "Calev, alalahanin mo ang nangyari." She looked up to him. "Wala. Walang may kasalanan. Wala. Lasing ka, oo pero Calev, alam kong alam mo ang ginagawa mo. Ginusto nating pareho ang nangyari kagabi. Sinabi mo pa nga na... na makakaya mo akong mahalin. Na di mo ako gustong mawala sa tabi mo dahil nasanay ka na na lagi akong nasa tabi mo."

Humahagulhol pa din siya sa harap nito. She was waiting for him to speak pero wala itong ginawa kundi ang tumayo lamang sa harap niya at tignan siya na parang wala lang dito ang lahat ng sinabi niya. She went to reach his hands but he stepped backward. He did not want to be touched. God, she wanted to die now.

"Calev naman..." Mababakas ang pagmamakaawa sa boses niya. Alam niyang pagkatapos nito ay lalayuan na talaga siya nito at iiwanan. Ganun nalang yun? Pagkatapos ng halos pitong taong pagkakabaliw  dito at pagkatapio niyang ibigay ang sarili dito, luhaan pa din siya sa huli? Napaka-unfair naman talaga. "Calev..."

Gusto niyang madinig ang sasabihin nito kung kaya'y nang wala pa din itong ginawa kundi ang tignan lang siya matapos ang ilang minutong katahimikan ay di na niya napigilang takbuhin ang distansya nila at pinagsusuntok ang dibdib nito.

"Ang sakit... Ang sakit..." Pauulit ulit lang niya itong sinasabi. Wala namang ginawa ang lalake kundi ang hayaan siyang gawin ang gusto niya. "Ang sakit...BULLSIT! ANG SAKIT! GAGO KA! GAGO KAAA!" Nanghihinang napaluhod siya sa harapan nito habang walang habas pa din ang pagtulo ng mga pesteng luha niya. "Gago ka Calev," walang lakas niyang bulong pero sigurado siyang dinig na dinig pa din siya nito.  "H-humingi ka pa nga ng pagkakataon para patunayan na karapatdapat ka para sa akin di ba? Humingi ka ng tawad sa lahat ng naging kasalanan mo pati na sa pagtataboy mo sa akin. Calev naman.... Alalahanin mo naman yun kasi ang s-sakit na talaga. H-hindi ko 'to kaya. H-hindi ko kaya pag-iniwan mo ako. Nakakapagod na eh. C-Calev..."

She was expecting him to shout at her because she had called him names. It was unlikely of her to swear but she could not stop it. Parang sinasagasaan ang puso niya at paulit ulit na dinadaganan. Naninikip na nag dibdib niya. Hinihiling niya na sana mas sumikip pa ito to the extent that she could not breath anymore. But that did not happened. Gusto pa siyang saktan ng tadhana. Gusto pa siya nitong makitang mas masaktan nang magsalita na si Calev na hiniling niya na sana ay di nalang nagsalita dahil sobra na. Sobrang patay na ang puso niya. Maawa naman siya.

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon