It was past six in the evening when they arrived at the airport. Malapit lang ang tinitirhan ng ina ni Finno at ng kanyang anak doon kaya napagkasunduan nila na doon nalang muna manatili bago sila umuwi pabalik sa Pilipinas sa susunod na araw.
Nung una ay hindi pa sang-ayon si Calev sa desisyon niyang iyon ngunit ayaw din naman niyang magbook pa sa isang hotel at mas gumastos pa, dalawang araw lang din naman sila dito. Sa huli ay sumang-ayon na rin ito sa gusto niya kahit halata naman na hindi ito kumportable.
"Dalawang araw lang din naman kasi iyon," aniya kay Calev sa kabilang linya.
Tumawag ito para ipaalam na pwede na silang lumipad sa Austria sa susunod na linggo. Kanina ay naiyak pa siya sa sobrang saya.
Nasa kwarto na siya at wala si Finno sa bahay dahil may inaasikaso ito sa Cebu ng ilang araw. Bukas pa ito makakauwi at hindi na siya makapaghintay na sabihin dito ang balita dahil paniguradong magiging masaya rin ito tulad niya.
When they got to the subject of accommodation, doon na hati ang opinyon nila ni Calev. He was insisting that they book somewhere near the place of Finno's mother, ngunit ayaw niya nun. Namiss niya rin si Tita Lia at alam niya ring mas gugustuhin nitong makasama si Cevin bago sila lumipad pabalik dito.
"Right, so it's fine to book a hotel. It's just two days, you say. I'm sure you can still take my presence up to that time."
Nahimigan niya ang pait sa boses nito kaya agad niyang dinepensahan ang sarili dahil palagay niya ay hindi siya nito naiintindihan.
"Calev, it is not about it. Gusto ko lang naman na makasama rin kahit sandali si Tita Lia, at ganun na rin si Tita Lia kay Cevin. Ayaw kung lumayo pa dahil dalawang araw lang din naman eh, gagastos pa tayo."
"I can handle the expenses," he insisted more.
"Pero ayaw ko naman nyan, Calev. Hindi na nga ako nagreklamo na ikaw ang gumastos para sa flight natin tapos aakuin mo pa ang gastusin doon. Hindi na ako papayag nyan."
She heard him heaved a sigh as if he did not know what to do to her anymore. Naiintindihan naman niya na baka naiilang lang ito kay Tita Lia pero ayaw niya talagang lumayo pa ng tutuluyan.
"Mabait naman si Tita Lia kung 'yan ang iniisip mo," saad niya nang 'di na ito nagsalita ulit.
"It's not what I'm thinking," agad na sagot nito. "I know that she's good as she took care of our child. I just don't want to stay there. But if that's what you really want, then fine."
"Calev..." Now she's guilty!
"It's fine. Let's stay there. Two days is not that long."
"Are you... sure?" Halos pabulong niyang tugon dahil nalalasahan na niya ang hiya rito. Should she have considered his ideas more?
He was silent for a moment before he responded. "It's fine. And I'm... sorry for insisting."
Medyo nagulat siya sa naging tugon nito. Hindi pa talaga siya nasasanay na humihingi ito ng tawad sa kanya kahit sa mga maliliit na bagay lang.
Even if she wanted to apologize too for making him felt sorry ay 'di na niya ginawa dahil baka mag paikot-ikot lang din silang dalawa. It was not the main purpose of the call, so she decided to proceed with their talk about their upcoming flight.
Nang huminto ang mismong sinasakyan nila sa tapat ng bahay ni Tita Lia ay parang lalabas ang puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Halo-halo ang nararamdaman niya. Gusto niyang tumakbo agad papasok sa bahay at mayakap ang anak sa sobrang kasiyahan, pero gising din ang takot at pangamba sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Accused (A Series #1)
Genel KurguIt might be because she loved him too much. August Gaillean Willinton