Chapter Seventeen

1.7K 35 2
                                    

August was having a light sleep kahit na magmamadaling araw na. Pagod siya sa trabaho pero ito siya at di agad makatulog. And just when she was ready to doze off, her phone rang.

What a timing, yes?

Pikit mata niyang inabot ang kanyang cellphone sa bedside table niya. Itinapat niya ito sa kanyang tenga. No need to tap the answer button, inaantok na talaga siya and besides, automatic naman itong nag a-answer ng call pag intinapat sa tenga. Hinintay niya kang na ang sa kabilang linya ang unang magsalita.

"Hello po?" Lalake.

Nadinig niya ang napakaingay ng paligid na kinasasadlakan ng kung sino man iyong tumatawag sa kanya ng hatinggabi. Nakakadinig siya ng malakas na tugtog pero pinasawalang bahala niya iyo dahil talagang ang gusto nalang niya ay ang mamahinga na.

"...Ma'am? Ma'am? Hello? Hello? Hello po?"

Hindi pa niya napansin na nakaidlip siya habang hinihintay itong magsalita pa. Kung di pa sa isang tunog na parang may nabasag na bote ay di pa siya mapapaigtad sa gulat at magigising.

"Ma'am? Ma—Hello? Sir, tek—Ma'am?"

May kaguluhan na nangyayari sa kabilang linya, that she was sure of. Agad naman siyang naalarma. Bago pa niya matignan kung sino ang tumatawag ay nagsalita na naman ang nasa kabilang linya. Sigurado siyang di pamilyar ang boses nito.

"Ma'am, tung asawa niyo po." Bakas sa boses nito ang  pagkataranta. Pati siya ay kinabahan. Asawa? Kailan pa siya nagka-asawa? And then a thought suddenly appeared on her sleepy head. Agd agad niyang tinignan ang tumatawag at napamulagat siya ng makita ang pangalang nakaregister sa contact niya.

"Calev?" Di makapaniwalang bulong niya. Mukhang may alam na siya kung ano na naman ang nangyari dito. Na naman ba?

"Madam? Ma—"

"Where is he?" Putol niya sa sasabihin pa nito. Madalian siyang tumayo mula sa pagkakahiga at nagbihis.

Sinabi ng nasa kabilang linya ang address at nalaman niyang ito din yung bar na pinuntahan ni Calev noon. Naglalasing na naman daw ito at kanina pa itong hapon doon. Anong oras na, malapit ng mag umaga o baka nga umaga na talaga. Kanina pa daw ito nagwawala at di maaawat tapos ay nakatulog bigla pero nagising na naman daw at nagwala na naman. Pinagbabato nito ang nakikita. Muntik na daw itong may maka-away kanina, mabuti nalang daw at nakontrol ng kaaway nito ang sarili at ito nalang din ang nagparaya at lumayo.

She took a deep breath. What now Calev? Ano na naman bang problema nito ngayon? May pumapasok na sa utak niya na sagot sa katanungan niya pero pinilit niyang iniwawakli. Hindi nito iyon magagawa kay Calev ulit. Masyado ng paulit ulit. At ayaw na niyang makita si Calev na nawawala sa sarili dahil lang sa rason na iniwan na naman ito.

Katulad ng dati ay di naman siya nahirapang maabot ang naturang lugar dahil sa aside sa walang traffic, di naman ito ganun kalayuan. Hindi na niya kailangan pang maghanap ng maghanap dahil nakita na niya agad ito pagpapasok palang niya. Nasa may bar counter ito nakayuko ang ulo na mukhang natutulog. Nilapitan niya ito.

"Calev."

"Ma'am?" May lumapit sa kanyang isang lalake na naka-uniporme and she rememebered ito din iyong umalalay kay Calev noong naglasing ito. "Naku, Ma'am! Buti at andito na po kayo. Mukhang may problema na naman po ata ang asawa niyo. Kayo na po ang una kong tinawagan dahil naaalala ko po na kayo din po ang sumundo sa kanya noon," paliwanag ng lalake.

Nginitian niya ito. Nagpasalamat siya dito at ginising ulit si Calev pero mukhang imposibleng magising nila ito at mapalakad patungo sa sasakyan niya kay inakay nalang ito ng ibang staff ng bar na hiningan niya ng tulong.  Mabuti nalang at di ito nanlaban hanggang sa masakay ito sa sasakyan. Mukhang napakadami talaga ng nainom nito dahil sa di na ramdam na nililipat na pala siya. She paid the man for all Calev had cost. Binigyan din niyang tip ang tumulong sa kanya kay Calev before she drove away.

The Accused (A Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon