Chapter 1
Prologue
Pinagmamasdan niya ang bawat taong nagdadaan sa kanyang harapan. Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench ng parke nang hapong iyon. Bahagyang inggit at kirot ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakakakita siya ng mga magkasintan na masayang magkahawak-kamay habang naglalakad sa parke.
Ipinikit niya ang kaniyang mata upang muling alalahanin ang mga araw at panahon na minsa'y naging masaya siya kasama ang kaniyang mahal habang namamasyal sa naturang parke. Ligayang walang katapusan, na tila ba pag aari nila ang mundo sa bawat oras na magkasama at magkahawak ang kamay nila.
Bumalik ang hapdi at sakit na kaniyang nararamandam nang muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata at masilayan ang taong nagdulot sa kanya ng minsang kaligayahan, na sakit at kirot sa kaniyang pusong nagmamahal.
"Hana, okey ka lang?" Tanong ni Kaede habang paupo ito sa kanyang tabi. "Anong gusto mong pag usapan natin. Di ba may trabaho ka ngayon?"
"Okey lang ako. Off ko ngayong gabi." Sagot niya kay Kaede habang nakatingala ito sa kalangitan.
"Kumain ka na ba?
"Oo."
"Ano bang pag uusapan natin?"
"Kaede, alam mo kung anong ang dapat nating pag usapan."
"Hn?"
"Pansin mo ba, magkasama tayo sa iisang bahay, sa iisang eskwelahan pero wala tayong alam sa isat isa"
"Teka, may lagnat ka ba?" Pabiro nito kay Sakuragi habang hinihipo ang noo nito. At tumititig sa mga mata nito at doon nakita ng kaseryosohan nito.
"Okey lang ako Kaede. At seryoso ako. Kaylan ba tayo huling nag usap ng ganito. Kaylan ba tayo huling kumain ng sabay."
"Hana, anong pinagsasabi mo?"
"Kung magpapatuloy tayo nang ganito, malamang mas lalo lang tayong mahihirapan. Kaylangan nating magdesisyon kung ano ba dapat nating gawin"
"Anong ibig mong sabihin?
"Ikaw ano sa tingin mo ang ibig kong sabihin."
"Teka... Hana..." Napatigil ito sa pagsasalita nang tumingin ito sa kanya ng malamig at malungkot.
"Oo Kaede..."
"Gusto mong makipag..."
"... Yung lang ang paraan Kaede. Aminin natin na di na tayo tulad ng dati. Maraming nagbago sayo, sa akin. At kung magpapatuloy pa tayo nang ganito, baka lalo lng tayong magkasakitan."Pagkasabi niyon ay tumayo si Sakuragi. Malalim na bumuntong hininga at tumingin kay Rukawa.
"Yan ba ang gusto ko Hana?"
"Natin Kaede... Natin..."
"Paano ang team"
"Wag kang mag alalala walang magbabago sa team. Balak ko sanang makipag-hiwalay sayo pagkatapos ng Winter Cup. Pero mas mabuti na huwag ko nang antayin pa. Kaya bago mag umpisa ang Winter Cup naisip ko na mas maganda kung tatapusin na natin agad bago pa maging komplikado."
Pagkasabi nun ay nauna nang umalis si Sakuragi at naiwang nakaupo sa bench si Rukawa. Malalim na nag iisip kung hahabulin ba niya ito upang pigilan at magpalinawag.
Bagamat masakit sa kalooban ni Sakuragi, ginawa niya ang alam niyang makapapagpalaya sa kanilang dalawa. Ilang buwan na rin niya pinag isipan ang kaniyang naging desisyon ngayong araw. Ilang luha na rin ang pumatak sa kaniyang mga mata para paglabanan ang sakit na kaniyang nararamadaman. Ilang gabi na rin ang lumipas na hindi siya makatulog nang maayos dahil sa pag iisip. At ilang beses na rin niyang inisip na wakasan ang kaniyang buhay. Nag iisip ng dahilan kung bakit kaylangan niyang makipaghiwalay. At ilang bakit, paano, kaylan at saan ang kaniyang naitanong sa sarili sa mga pangyayari, ngunit sa huli wala siyang mahagilap na kasagutan.
Pagkaraa'y bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagpatak ng luhang matagal na niyang pinipigilang pumatak sa harap ni Rukawa at nang lahat ng taong nakapaligid sa kanya.
'Makakalimutan din kita...Kaede...' Bulong niya sa sarili sa gitna nang malakas na ulan
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Sa harap ng puntod nakatayo ang isang lalaki. Matapos mailagaya ang kumpon ng bulaklak, mataitim itong nagdasal. Bakas sa kanyang mata ang lungkot at pait na pangungulila sa kanyang mahal. Ilang buwan na rin nakalipas nang ito ay pumanaw. Nagdesisyon siyang pansamantalang mamaalam at magpakalayo upang makalimot at magsimulang muli.
"Ne, Ryuichi oras na para umalis." Tawag ni Mishiro Shinohara kanyang kaibigan.
"Paalam Akihito... Hanggang sa muli. Babalik din ako kaagad para dalawin ka. " pamamaalam ng lalaki na bakas ang lungkot sa mga mata.
Di niya maiwasang sisihin ang sarili sa pagkamatay nito. Kung iniwasan sana niya ito, sana'y hindi ito masasangkot sa magulo at mapanganib niyang buhay. Kung sana ay hinayaan niya lamang ito sa piling ng isa pang taong nagmamahal dito, sana'y buhay pa ito kahit hindi niya ito kapiling.
"Sigurado ka ba sa plano mong pagpunta sa Amerika. Paano ang mga business mo ?"
"Ibenta mong lahat..."
"Sigurado ka?"
"Gusto kong magsimula nang malinis...walang panganib,..."
"Kung yan ang gusto mo..."
"Ikaw na ang bahala Mishiro. Di naman ako magtatagal. Next year babalik din ako. Gusto ko lang makapag pahinga at magpalamig."
"Kaya mo bang mag isa doon. Di kita masasamahan."
"Okey lang ako Mishiro, malaki tiwala ko sayo...ikaw lang ang makakatulong sakin."
"Wag kang mag alala Ryuichi, pangako pagbalik mo magiging maayos ang lahat. Basta siguraduhin mo lang na magiging maayos ka rin. Gusto kong bumalik ka sa dati Ryuichi."
"Pangako."
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Malakas na suntok ang dumalo sa pisngi ni Sendoh mula kay Koshino nang salubungin niya sa kanilang tagpuan. Napagkasunduan nilang magkita nang hapon iyon. Laking gulat niya ng bigla siyang suntukin nito nang kanya itong salubungin.
"Hey, hey Hiro-kun. Para saan yun, anong ginagawa ko. May problema ba?"
"Para saan? Anong ginawa mo? Akira anong kalokohan pinaggagawa mo! Di ba sinabi ko na sayo na wag mo silang pakialaman! Pinairal ko yang 'init mo sa katawan!" Galit na sigaw ni Koshino sa kaibigan.
"Teka, sinong pinakialaman ko? Anong kalokohan. Pwede ipaliwanag mo. Ouch, sana sinabi mo muna bago mo ko sinuntok."
"Alam mo sinasabi ko, nakita ko kayo sa camp. Shit Akira, nagpagamit ako sayo para lang layuan mo sila! Anong ginawa ko sumige ka parin!"
"Tsk, nakita mo pala. Ne Hiro-kun, sana sumali ka samin. Threesome tayo. "
"Gago! Alam mo ba kung ano yang pinasok mo? Akira, kaibigan kita, alam mo yan ginawa ko lahat ng gusto mo wag ka lang gumawa ng kalokohan..."
"Mahal ko siya, mahal niya ako at ako ang pinili niya."
"Akira, init lang ng katawan yan. Di ka ba nag iisip, perahas mo silang sisirain."
"Ako ng ang pinili niya Hiro-kun. Ako ang mahal niya, siguro tama na yun. Oo mali na kung mali, pero siya pa rin ang magde desisyon nun."
"Pinili ka niya...hmmmp dahil lang yun sa init ng katawan Akira at dahil madalas ka niyang kasama, sa ngayon! Isang araw, siya pa rin ang pipiliin niya."
"Akala ko pa naman maiintindihan mo ako pag sinabi ko sayo."
"Maintindihan!? Pano kita maiintindihan kung yang ulo mo sa baba ang pinag iisip mo! Kung hindi ka umeksena sa tingin mo ba mangyayri yan. Bahala ka na nga! Kahit anong sabihin ko, wala ring mangyayari. Pero tandaan mo Akira, sa ayaw at gusto mo, makikipag usap ka sa kanya ng maayos. Pinagkatiwalaan ka niya!... ..." Mapait na sabi nito sa kaibigan.
"Wag kang mag alala Hiro-kun, maayos din namin to. Kakausapin ko silang pareho."
"Dapat lang! Wag na wag ko lang maririnig sayo na hindi mo siya kayang harapin. Kalat mo yan kaya, kaya linisin mo! sigaw nito sa kaibigan.
Author's NOTE: Ang ILAN sa mga character na ginamit sa aking kwento ay base sa ilang sikat na Anime.
(Slam Dunk, Finder series at Prince of Tennis) Ngunit ay iba sa mga tauhan ay kathang-isip
Lamang
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over