Chapter 5
"Oi Hanamichi, gising male late ka na. Di ba may trabaho ka ngayon. Alas siyete na ng gabi. Bangon na." Gising ni Youhei sa kaibigan.
Biyernes ng gabi yon. May part time job si Sakuragi sa isang bar tuwing biyernes at sabado ng gabi. Alas 8 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw ang oras ng kaniyang trabaho.
Lunes hanggang biyernes ang pasok niya sa unibersidad ngunit iba iba ng oras ng kanyang klase depende sa subject. Minsan ay may araw na kaylangan niyang manatili dito mula alas nuwebe ng umaga hanggang alas dos ng hapon. Kadalasan naman ay alas dose lang ay tapos na ang kanyang klase. Sa tuwing maagang natatapos ang klase, madalas siyang nagpapalipas sa library upang magbasa-basa o kaya naman ay madalas itong mapadaan sa ilang public court upang mag practice hanggang sa dumating ang oras ng kanyang part-time job sa Danny's tuwing lunes hanggang huwebes na nagsisimula naman mula alas kwatro ng hapon hanggang alas diyes ng gabi.
Nang makausap ang coach tungkol sa try-out, ipinayo nito na ibigay ang scehedule ng kanyang klase at part time job upang maisaayos ang oras ng pag practice nito ng basketball.
"Ahhh... Youhei....okey okey......babangon na!" Padabog na sabi ni Sakuragi. Pumasok ito sa banyo upang magsimulang maligo upang maghanda para sa pagpasok sa gabing iyon.
"Kamusta nga pala ang try-out mo?" Pasigaw na tanong ni Youhei habang nsa banyo ito.
Kasalukuyang nasa harap ng computer si Youhei habang nag aaral. Hati sila sa pagbili ng computer na kinakailangan nila sa kanilang pag aaral.
"Di na ako pinag try-out. Sabi ni Coach, sa lunes daw ako magsimulang practice. Di ko pa nga ako nakarating sa gym, hinarang ako ni coach, sa lunes na lang daw."
"Eh ang check up mo? Kamusta naman,..saka si Nagishima sensei...?"
"Ayos lang....babalik ako pagkaraan ng tatlong buwan para daw sa bagong exercise...."
"Paano nga pala ang schedule mo?"
"Pinasa ko na class sched ko pati part time job ko...kanina inabot sakin ung practice shed ko. Sayang nga eh, gusto ko pa naman makilala ang ibang member." Tuloy tuloy na kwento ni Hana habang naliligo.
"Nakausap mo ba si Maki-san?"
"Oo, tinawagan ko na siya. Pupuntahan ko sana siya sa bahay kaso may lecture daw siya."
"Hindi pa ba kayo nagkita sa campus?"
"Hindi pa. Tuwing lunchbreak nasa library ako. Nakakairita kasi mga babae sa college, ang iingay."
"Eh di ba yun ang gusto mo noon, ang mapansin ng mga girls. Bakit nagtatago ka ngayon?"
"Noon yon Youhei, hindi na ngayon. Di sila bagay sa kagwapuhan ko, nyahahahahaha"
Katamtaman lamang ang apartment na inuupahan nila. Sagot ng mga magulang ni Youhei ang upa, tubig at kuryente. Tanging personal na pangangailangan at pagkain lamang ang problema ng dalawa. Kahit paano ay maluwag ang dalawa sa mga gastusin. Paminsan minsan ay may allowance na natatanggap si Youhei mula sa kaniyang mga magulang.
Kung dati ay service crew din sa Danny's si Youhei ngayon ay sa isang TV network ang kanyang part time job bilang isang assistant ng ilang crew sa Creative department nito. Tuwing matapos ang klase sa kolehiyo, naglalaan ng isang oras si Youhei sa library upang mag aral at pagkatapos ay dumidiretso na siya sa kaniyang part time job. Tuwing huwebes ay wala siyang pasok at inilalaan niya ang libreng oras sa paglahok sa masscom club ng kanilang unibersidad. Malapit lamang ito sa unibersidad kaya wala siyang problema sa pamasahe.
"Hays sakit sa ulo. Dapat pala twing biyernes di na ko natutulog pa. Nakakabitin lang. Di bale next week alam ko na. Nyahahahaha" matapos maligo ay nagbihis na ito at naghanda na para kaniyang trabaho.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over