Chapter 17
Sunod sunod na katok ang gumising kay Youhei ng hapong yun. Halos katutulog lang niya pagkagaling ng trabaho. Kahit tinatamad bumangon, napilitan siyang tumayo upang tignan kung sino ang may lakas ng loob na istorbohin ang tulog niya.
"Delivery para kay Sakuragi-san." Pamungad nito nang buksan ni Youhei ang pintuan. Nakita niya ang hawak nitong malaking bag na itim na sa tingin niya ay damit ang laman.
"Mali ka ata ng napuntahang bagay. Sigurado ko di mag o order ng ganyan ang kaibigan." Turo niya sa dala nito.
"Eh, pero tama ang adres. Pakitignan."
Matapos tignan ang adres na nakasulat sa papel. Binuksan niya ng malaking bag at tumambad sa kanya ang isang mamahaling tuxedo. Napansin niya rin ang paper bag na nasa bandang paanan nila. Nakita niya na may kahon ito ng sapatos.
"Kanino galing."
"Asami-san. Ito ang card na may mensahe." Inabot nito kay Youhei ang maliit na sobre na kinalalagyan ng card. Matapos ay kinuha niya ang damit at pumirma. Pagkasara ng pinto. Agad nitong pinuntahan at ginising si Sakuragi.
"Oi Hanamichi! Gising. May pa deliver para sayo. Bangon na!"
"Waaa, Youhei, wag kang maingay. Bukas mo na ko gisingin... Wala akong trabaho ngayon." Angal nito at nagtalukbong ng kumot.
"Oi, oi.... sige ka male late ka sa date mo. Alas otso, susuduin ka daw ni Asami-san. Bangon na."
Pagkarinig ng pangalang Asami-san, agad itong napabangon.
"Nasan, nasan Youhei?! Sabihin wala ako, sabihin na di ako nakatira dito...sabihin wala kang kilalang Sakuragi." Pagkasabi nagtungo ito sa banyo at nag kandado.
"Hahaha, oi Hanamichi. Lumabas ka nga dyan. Nagpadeliber ng damit ang boyfriend mo. Isuot mo daw at susunduin ka daw ng alas otso. Hahaha" katok nito sa pintuan ng banyo.
"Youhei baka! Bakit mo tinanggap?"
Tulog ka. Malay ko ba, hindi mo naman sinabi na may payaman ka palang boyfriend hahahaha. Labas ka na, maghahanda ako ng meryenda tapos ikwento mo sakin kung san mo nakilala ang mayamang boyfriend mo." Panunukso nito bago lumabas na ng kwarto.
Nang magtungo si Sakuragi sa sala, kasalukyang nanonood ng TV si Youhei at kumakain ng junk food.
"O Hanamichi umpisahan mo na." Tanong niya at inabot ang isang pakete ng junk food dito.
"Umpisahan ang alin?"
"Love story mo, kung paano mo nakilala ang mayaman mong boyfriend."
"Ahhh! Youhei! Hindi ko siya boyfriend. K'so, bakit ba kasi hindi ko agad sinabi agad. Pambihira!"
"Ano ang hindi mo sinabi? Kwento mo na makikinig ako."
"Okey, okey.....paano nga ba.....Naalala mo nung isang linggo. Yung hindi ako natulog dito sa bahay......"
"Waaa Hanamichi! Wag mong sabihing....." Di pa man natatapos ang sasabihin napatigil na ito at napatakip ng bibig.
"Baka Youhei! Hindi yun! Kaibigan ni sensei yun, pinakiusapan ako na ihatid sa bahay kasi lasing sa bar. Kaylan ko lang nalaman na si sensei pala may ari ng The Lodge at yung kaibigan niyang yun kasosyo niya galing amerika."
"Ahh... tapos... sino naman yung sensei na yun?"
"Shinohara-sensei...."
"Shinohara? Teka yun ba yung abogado na matangkad, may pagka silver ang buhok tapos nakasalamin?"
"Oo, pano mo nalaman, nagkakilala na ba kayo."
"Sira! Hindi ka nanonood ng balita? Pinakasikat na abogado yun dito sa Japan. Pinakabata at pinasikat. Geez, pambihira ka Hanamichi, nasa Japan ka di mo alam."
"Aba malay ko..... wala naman sakin yung kung presidente ba siya o kung emperor....."
Napangiti lang ito sa kaibigan. Bilib siya dito pagdating sa ganitong bagay. Hindi ito tumitingin sa kinatatayuan o ano mang posisyon ng mga taong kanyang nakikilala. Pantay pantay ang turing niya sa bawat nakikilala.
"Okey, si Shinohara-san ang nakiusapa sayo na ihatid sa bahay yung si Asami-san, at nagkakilala kayo. Pagkatapos kaylan at paano mo siya naging boyfriend?"
"Ahhh hindi ko nga siya boyfriend.... Kagabi sa bar andun sila, tinanong ko sila kung may kaylangan ba sila...tapos itong si Asami-san sabi niya meron daw...dinner date daw ngayong gabi."
"Hahaha, ikaw naman pala ang mali Hanamichi."
"Eh, bakit? Tinanong ko lang naman kung may kaylangan sila."
"Mali kasi tanong mo, dapat ang tanong mo kung ano order nila hindi kung may kaylangan sila. Natural lang na iba sagot nila hahaha."
"Ganun ba Youhei? Oo nga no? Bakit di ko naisip yun? Yun nag aya siya ng dinner date...sa gulat ko hindi ko alam ang isasagot ko kaya bigla akong umalis."
"Ahh yun pala, hindi ka tumanggi. Kaya pala nagpadala siya ng damit na isusuot mo. Saka wag kang mag alala, dinner date lang naman pala."
"Teka.....pero nindi naman ako umoo. At saka anong dinner date lang.... Date yun Youhei! D a t e ...date!"
"ikaw ang mali Hanamichi, hindi ka rin humindi. Ibig sabihin tuloy kayo hahaha...saka dinner date lang naman... Ibig sabihin kakain lang kayo."
"Ha?! Kakain....pero sabi niya dinner date daw."
"Sira ka talaga Hanamichi. Pag sinabing dinner date ibig sabihin dalawa lang kayong kakain, hindi na dinner date yun pag sobra sa dalawa. Kuha mo?"
"Ahhh ganun ba?" Sagot nito at napahawak sa baba na animoy nag iisip. "Kakain lang pala, hehehe akala ko pa naman kung ano na."
Natawa lang si Youhei sa naging reaksyon ng kaibigan. Pagdating sa mga ganoon bagay, mabagal itong pumik-ap. interesado siyang malaman kung sino nga ang Asami-san na iyon. Naisip niya na baka ito na marahil ang matagal na niyang hininintay para sa kanyang mahal na kaibigan.
Lumipas ang ilang oras at nagpatuloy sila sa panonood ng tv habang kumakain ng sitserya. Pa minsan minsan ay tinitignan niya ang kaibigan. Napansin nito na panay ang tingin nito sa orasan na nakakabit sa pader. Nais sana niyang usisain ito nang may biglang kumatok sa pintuan. Nang marinig iyon ay agad na nagtungo sa kwarto si Sakuragi at sinenyasan ang kaibigan na buksan ang pinto.
Pagbukas ng pinto, bumungad sa harapan niya ang isang lalaking matangkad, may pagka silver ang buhok at nakasalamin. Sa tabi nito ay isang babaeng, sa tingin niya ay nasa edad trenta pataas at may hawak na kit.
"Magandang gabi, maari ko bang makausap si Sakuragi-kun." Agad na sabi nang pag buksan ni Youhei ng pinto.
"Magandang gabi din, kung di ako nagkakamali, ikaw si Shinohara-san. Ikinagagalak ko kayong makilala, ako si Youhei Mito, kaibigan ni Sakuragi, pasok kayo. " magalang nitong pagpapakilala, pakikipag kamay at pagpapatuloy sa bisita.
"Paumanhin sa pang isitorbo. Ito nga pala si Nanami-san, isinama ko para tulungan si Sakuragi-kun." Matapos makipagkamay sa babae, napansin nito ang laman ng kit na dala nito.
"Oi Hanamichi, may bisita ka, si Shinohara-san!" Katok at tawag nito sa pinto ng kwarto.
Nang marinig ang pangalan ng abogado, agad nman itong lumabas na nakangiti.
"Magandang gabi Sensei, siguro may maganda kang balita sakin."
"Oo, meron Sakuragi-kun. Isinama ko si Nanami-san para tulungan ka sa pagbibihis. Unang date nyo ng kaibigan ko, kaya gusto ko gwapo ka ngayong gabi, hehehe." Pabiro nito sa kanya sabay kumindat.
Nang marinig ito, napaluhod si Sakuragi at napahawak sa ulo. "Akala ko pa naman sensei, ibabalita mo na hindi na tuloy." Malungkot na wika nito na tila ba lumong lumo.
"Maa, maa Hanamichi simulan mo nang maligo para malagyan ka na ng make-up ni Nanami-san." Panunukso nito sa kaibigan at tumawa ng malakas.
"Ahhh Youhei! Akala ko pa naman kaibigan kita!" At padabog itong nagtungo sa banyo upang maligo. Malakas na tawanan ang maririnig sa mga naiwan sa sala habang siya ay nagmamaktol.
Makalipas ang ilang minuto, matapos maligo ni Sakuragi, pinapasok ni Youhei sa kanilang kwarto ang babae upang tulungan ang kaibigan.
"Ano....Shinohara-san, kung di mo mamasamain gusto ko sanang malaman kung anong klaseng tao ang kaibigan mo. Ibig ko sabihin....alam mo na, nag aalala lang ako para sa kaibigan ko."
"Ah, nainitindihan ko Mito-kun. Teka .....hmm...pano ko na sasabihin....tama, sabihin na lang natin na kabaligtaran ng ugali ng kaibigan ko si Sakuragi-kun. " winika nito na tila nahihirapang mag isip ng sasabihin. "Kung si Sakuragi-kun, masayahin, palakaibigan...ang kaibigan ko naman....alam mo yun....hindi naman sa isnabero...tipong di palakibo, tahimik lang, matipid magsalita....yun! Mabuti siyang tao."
"Hahaha, naintindihan ko na Shinohara-san. Ewan ko ba, napansin ko tila lapitin ang kaibigan ko ng mga ganong klaseng tao...." Pagbibiro nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wala...wala naman sensei, may bigla lang kasi akong naalala. Siguro ang kaibigan mo, oo at hindi lang maririnig mo pang kinausap mo...hahaha"
"Hehehe, tama ka Mito-kun."
"Pero, Shinohara-san. Ang totoo nag aaalala ako para sa kaibigan ko. Simula junior high magkasama na kami palagi.....ayaw ko kasing......"
"Teka...wag mong sabihing..."
"Hindi yun Shinohara-san. Matalik kong kaibigan si Sakuragi. Kapatid na turing ko sa kanya. May dahilan....marami.....sa nakaraan..... at ayaw ko maulit yun sa kaibigan ko..pagdating ng tamang panahon...malalaman nyo rin....sa ngayon....basta...." Pahayag niya sa abogado na may bahid ng lungkot. Agad naman itong naintindihan ng abogado kaya hindi na ito muling nagtanong.
Makalipas ang matagal na paghihintay, naunang lumbas ng kwarto ang babae at sinabing handa na si Sakuragi. Dumukot sa bulsa ang abogado at may iniabot ito sa babae at nagpaalam na itong aalis na.
Pagbukas ni Youhei nang pinto upang makalabas ang babae, napansin niya sa tapat ng kanilang apartment ang matangkad na lalaki nakatayo at naninigarilyo. Dahil nakalikod ito, hindi niya nakita ang itsura nito. Paglabas ng babae, akma na niyang sisasara ang pinto ng mapansin ito ng abogado at tinawag.
"Ryuichi, kanina ka pa ba dyan? Bakit hindi ka kumatok?" Tanong niya sa lalaki. Agad itong humarap sa kanila nang marinig ang pangalan. Matapos ay pinatay at itinapon ang upos ng sigarilyo sa basurahang nasa tabi. Senyas lamang ang sagot nito sa abogado.
"Mito-kun, pinapakilala ko nga pala sayo ang kaibigan ko, siya si Ryuichi Asami."
"Youhei Mito, kaibigan ni Sakuragi. Pasok ka Asami-san." Alok nito sa lalaki at nakipag kamay. Bagamat nabigla sa itsura ng lalaki sa kanyang harapan, nagawa pa rin nitong maging kalmante. Kakaibang aura ang bumabalot sa pagkatao ng lalaki, base sa pakiramdam ni Youhei. Para sa kanya, isa itong misteryoso.
Pag pasok sa bahay, napansin niya na marahil ay mas matangkad ito ng bahagya sa kanyang kaibigan. Mala kulay itim at kape ang buhok nito na tumugma sa kulay ng mata. Masasabi niyang maamo ang mukha inito ngunit bakas ang kapangyarihan. At sa suot nitong formal suit, kapansin-pansin pa ang matipuno nitong pangangatawan.
Pagpasok sa bahay ay siya namang paglabas ni Sakuragi. Bahagya nitong inuunat ang pantalon kaya't di niya pansin ng mga nakapaligid sa kanya.
"Ne Youhei, bagay ba sakin?" Tanong nito sa kaibigan.Nang madako ang tingin nito sa mga kasama, laking gulat nito na makita si Asami. Maging ang mga ito ay nagulat sa ayos ni Sakuragi. Natulala lamang ang mga ito nang makita ang 'bagong ayos' na si Sakuragi.
Bagamat nabigla si Asami ng makita ka 'date', kumalma lamang ito at lumapit kay Sakuragi, masuyong hinaplos ang pisngi. "You're gorgeous...." Komento nito kay Sakuragi, na ikinapula naman ng mukha nito.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over