Chapter 40
Naging mas mabilis ang pagsikat ng romantic/comedy anime na 'Yuki' dahil na rin sa mga magagandang awitin nito na pinatutugtog hindi lamang sa telebisyon kundi na rin sa mga radio station. Naging mas popular ito, hindi lamang sa mga kababaihan, kundi maging sa ilang mga kalalakihan na rin dahil sa tema nitong Shounen-Ai.
Makalipas ang mahigit dalawang buwan na pag-ere nito sa telebisyon at matapos ang semi-finals sa Intercollegiate Tournament. Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat, ang Finals.
Palinga-linga sa paligid si Miyagi habang sinusuyo ng mapagtanong nitong mga mata ang buong stadium. "Grabe ang daming tao ngayon....at halos puro babae ang mga audience.... Talagang popular and Tokyo Uni at Osaka College.." Wala sa sariling sambit niya.
Taas kilay na tumingin sa kanya ang katabing si Ayako at pahampas na iniabot ang nakapabilog na magazine sa kanya. "O ayan! Tignan mo nang malaman mo kung bakit madaming babae ngayon...." Wika niya sa kasintahan.
Inunat ni Miyagi ang magazine at nanlaki ang mga mata sa nakita. "Waaa..si Hanamichi! Anong ginagawa niya dito?!" Gulat at takang tanong niya sabay turo sa cover ng magazine.
Marahan siyang siniko ni Mitsui sa nakaupo sa kanyang tabi at bahagyang tumawa. "Hahaha...masekreto talagang tao yan si Sakuragi...di man lang sinabi na model na pala siya ngayon...."
"Basahin mo yung nasa gitnang pahina...para mas lalo mong malaman..." Sabat ni Ayako na nakangisi.
Agad na binuklat ni Miyagi ang gitnang pahina nito at tumambad sa kanya fulla page na litrato ni Sakuragi. Pawisan itong nakaupo sa isang bangko, nakasuot ng basketball jersey, habang ang isang kamay ay may hawak na bola. Seryosong nakatitig ang mapang-akit nitong mga mata na animong nangungusap ang mga mala-kapeng mga mata sa sinumang tumutingin sa larawan. Binasa niya ang munting mensahe na nakasulat sa ibaba at ganun na lamang ang bulalas niya sa nalaman. "Waa....nasa team siya ng Tokyo Uni...anong ibig sabihin nito Aya-chan?" Bulalas na tanong niya.
"Hehehe...gulat ka noh? Ako rin nagulat nung nanood ako ng laban ng Tokyo Uni noong semi-final. Nagkataon kasi na kasabay ng game ninyo ang laban nila kaya ako nagpunta para mapag-aralan ang laro nila kung sakaling makarating tayo sa finals...di ko akalain na makikita ko siya doon...." Paliwanag ni Ayako.
Nakangisi lang si Mitsui habang sa kabilang gawi niya ay ang maamong ngiti si Kogure. "Natutuwa ako para kay Sakuragi-kun." Sambit nito.
"Yo Youhei dito!" Sigaw at kaway ni Takamiya na nakaupo sa unahang hilera nang makita itong paparating at naghahanap na mauupuan. Nasa kaliwang bahagi niya sina Ohkuso at Noma.
"Yo Takamiya...yung pinareserve ko okey na ba?" Tanong nito habang papalapit sa kanilang hilera.
"Oo, yang tatlo...sa inyo yan...." Sagot nito at napansin ang dalawa matatangkad na lalaki na nasa likuran ni Youhei na marahan lamang na tumango sa kaniya. Naupo si Youhei sa bakanteng upuan sa kanang bahagi nito.
Napatingin ang ilang naroroon, kabilang sina Sendoh, Rukawa, Akagi, Haruko at dalawang kaibigan nito sa nakahilera sa kinauupuan nila Takamiya, habang sa bandang itaas Miyagi, Ayako, Mitsui at Kogure na nakaupo kahilera ng iba pang miyembro ng Kanagawa College basketball team.
Agad na naupo si Youhei at sinenyasan ang dalawang kasama na maupo sa kanyang tabi. "Haruko-chan....Ayako, kamusta na kayo?" Tanong nito sa dalawang babae sa magkaibang hilera at tumango rin sa dalawang kaibigan ni Haruko. Katabi ni Mito si Shinohara na ang katabi naman ay si Asami.
"Maayos naman Mito-kun, kamusta ka na?" Nakangiting tanong ni Haruko.
Agad na tumayo si Miyagi nang mapansin si Youhei na maayos na itong nakaupo. "Mito! Kamusta??" At bahagya itong tumango sa dalawang matatangkad na lalaki na nakaupo sa hilera ni Mito.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfic(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over