Chapter 39

111 1 0
                                    

Chapter 39

Isang linggo na halos ang nakalipas matapos ang malungkot na pangyayari sa Kanagawa. Pinagmamasdang mabuti ni Youhei ang kaibigan habang abala ito sa pagpo pose para sa kanyang pictorial.

"Good shot....yes...tama yan..." Wika ng batikang photographer habang kinakuhanan ng litrato si Sakuragi. Nang hapong iyon, napagkasunduan nila na tapusin ang photoshoot para sa cover ng isang magazine at para sa pag launch nila ng bagong album ni 'Yuki' at ang isa pang soundtrack ng sikat na drama na kanyang kinanta para sa official theme song nito.

Nang matapos, lumapit ito sa binata at tinapik sa balikat. "good job Sakuragi-kun...tamang-tama ito na ang last photoshoot natin sa ngayon. Wala kang magiging problema habang busy ka sa tournament mo. Sa ngayon ito muna ang project natin. Alam kong gusto mong mag focus sa tournament. At gaya nang napag usapan namin ni Hikari-san, pagkatapos ulit ng tournament tayo magkakaroon ng photoshoot. Okey?" Mahabang pahayag ng photographer sa kanya.

Ngumiti lamang siya sa naging pahayag nito. Nagpapasalamat siya sa kabutihan at pasensya na ibinibigay ng sikat ng photographer sa kanya. Bagamat baguhan lamang sa larangan ng modeling, malumanay nitong ipinapaliwanag sa kanya ang mga dapat niyang gawin sa pagpo pose.

"Maraming salamat Kihano-san. Sana maging maganda kalabasan ng photoshoot ..."

"Walang duda, Sakuragi-kun. I assured you, lahat sila magugulat pag nakita ka sa cover ng magazine. Tulad ng nabanggit ko sayo, lalabas ang kopya isang araw bago ang finals ng tournament na sigurado kong mararating ng team nyo kaya wala kang magiging problema. At nabanggit ni Hikari-san na lalabas ka pag tapos ng tournament bilang si Yuki...tama ba?"

"Oo, Kihano-san kaya medyo kinakabahan ako..."

"Tiwala lang...ramdam ko na malayo ang mararting mo..."

"Salamat...maraming salamat...."

Xxxxxxxxxxxxxxxx

"Ano sa tingin mo...dapat ko bang sabihin na sa kanya..." Tanong ni Asami habang nakatayo itong nakapamulsa at nakatanaw sa bintana ng kanyang opisina.

"Sa tingin ko dapat lang...bago pa niya malaman sa iba." Bahagyang itong tumawa bago nagpatuloy. "Medyo natatawa lang ako sayo, pagdating sa kanya, kaylangan mo pa talagang humingi ng payo sakin...."

"Hn? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong nito sa kaibigan.

"Wala...siguro lang..hindi pala...sigurado ako na binago ka niya. Hindi ka naman dating ganyan, pero ang totoo natutuwa ako."

"Mahal ko siya Mishiro at hindi ako papayag na mawala siya sa akin."

"Alam ko yan at ramdam ko na mahal ka din niya. Kaya dapat ngayon pa lang...sabihin mo na ang totoo sa kanya...ang tungkol sa network, kay Akihito at sa iba pa."

"Tama ka...dapat masabi ko na sa lalong madaling panahon. Pagtapos ng tournament.....magtatapat na ako sa kanya...."

"At yan ang mas nararapat mong gawin..kung sasabihin mo ngayon baka kasi di makabuti sa kanya. Magiging abala na siya ngayon sa pagpa practice para sa tournament. At narinig ko kay Hikari-san, ito ang huling araw niya sa trabaho."

"Nasaan siya ngayon?"

"Studio 3....malamang tapos na sila ngayon. Pictorial niya ngayon sa para cover ng isang magazine...at siya ang model para sa cover..."

"Front cover...ng magazine? Bakit wala akong alam tungkol dun?"

Takang tumingin si Shinohara sa kaibigan sa naging reaksyon nito. "Ang alam ko pinagkatiwala mo kay Kihano-san ang career niya...siya ang may desisyon nun..."

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon