Chapter 10
Nang makilala ng seckretarya agad sila nitong pinagbuksan ng pinto at pinatuloy sa opisina ng CEO.
"Ryuichi-kun. Long time no see. Ah Shinohara-san, nice to see again. Maupo kayo." Masayang bati at alok ng tiyuhin ni Asami. Tumawag ito sa kaniyang secretary upang magpatimpla ng kape.
Nang araw na iyon matapos dumalaw sa sementeryo, tinawagan ni Asami ang kaniyang tiyuhin upang makausap at dalawin ito. Kasalukuyan silang nasa opisina nito. Ang Isa sa pinakamalaking gusali sa Kanagawa.
"Ryuchi-kun, kamusta ang buhay sa Amerika. Matagal na kitang gustong makita at makausap."
"Maayos naman ang buhay doon Uncle. Kamusta si Auntie at ang mahal kong pinsan?"
"Maayos naman ang Auntie mo. Di ba nasa Tokyo ka, hindi pa ba kayo nagkikita?"
"Hindi pa Uncle."
"Si Shinichi. Hindi siya umuwi ngayong sembreak sa college. 3rd year na siyang ngayong taon at abala sa basketball."
"Akala ko ba ay titigil na siya pagdating ng college."
"Nakiusap siya na kung maari ay magpatuloy siya paglalaro. Pagkatapos ng kolehiyo, saka siya magma manage nitong kompanya."
"Hm. Akala ko ay nagbago na siya. Spoiled brat pa rin."
"Ehem ehem, Maki-san. Kamusta naman ang kompanya ngayon. Tinawagan ako abogado ninyo nung nakaraang buwan upang ayusin ang ilang gusot ng kompanya."
"Maayos na Shinohara-san, salamat sa tulong. Iniisip ko nga kung maari ay maging company attorney ka namin. Kaso alam kong abala ka rin sa pagme mentor kay Shinichi at pag aayos ng business nitong si Ryuichi. Kamusta na nga pala pag aaral niya."
"Wag kayong mag-alala Maki-san, he's doing great. Matalino at masipag si Shinichi-kun. Kaya wala kayong dapat ipag alala sa future niya. Payo ko lang na hayaan niyo lang muna siya na i enjoy ang college life niya."
"Marahil ay tama ka attorney." Nakangiting pang sang ayon ni Shinju Maki, ang ama ni Shinichi Maki.
Magpinsan buo sina Shinichi Maki at Asami. Ang ina ni Asami ay bunsong kapatid ng ama ni Shinichi. Namatay ito matapos siyang ipanganak. Dahil sa sobrang kalungkutan ipinasya ng ama ni Asami na manatili sa Tokyo upang pamahalaan ang kompanyang pamana ng kaniyang lolo. Lumaki si Asami sa pangangalaga ng ina ni Shinichi. Anim na taon ng tanda ni Asami kay Shinichi. Nang makatapos ng high school nagpasya si Asami na mag aral sa Hong Kong.
Pagpasok ng sekretarya upang maghatid ng kape. Sinabihan niya ito na wag munag tumanggap ng bisita. Matapos ay marahan nitong iniabot kay Asami ang dalawang folder.
"Para sayo yan Ryuichi, basahin mo"
"Ano ito Uncle?" Sa harap ng folder ay may titulong 'last will and testament' at ang isang folder ay may nakasulat na 'asahi corp.'
"Noon ko pa sana ibibigay sayo yan pagka graduate mo ng college. Nabalitaan ko na hindi maganda ang takbo ng buhay mo sa college sa Hong kong at nasangkot sa mga ilegal na transaction, bukod pa dun sangkot ang ilan mong negosyo sa mga yakuza....kaya ipinapasya ko munang pagpaliban ang pagbibigay niyan sayo."
"Hm.... " inisa-isa niyang binubuklat at binasa ang nilalaman ng mga papeles.
"Galing sa mga Papa mo yan bago siya mamatay. Naisaayos na niya ang lahat simula pa lang nang ipanganak ka. Patawarin mo ko, pero sa tingin ko dapat kang magpa salamat sa naging desisyon ko. Nakita ko na handa ka nang magsimula nang tama, kaya ipinasya ko na ito ang tamang panahon para ibigay sayo yan."
"May alam ka tungkol dito Mishiro?"masamang tingin nito sa kaibigan.
"Wala siyang alam tungkol diyan, kahit ang auntie mo ay di alam ang tungkol diyan. Ako at ang Papa mo lang."
"Ganun ba...."
"Ganun na nga...."
"Wag kang mag alala Uncle, huling pagkakataon ko na ito. Titiyakin kong magiging maayos ang lahat."
"Bago ka umalis Ryuichi, gustong malaman ng auntie mo kung may aasahan ba siyang apo mula sayo."
"Hahaha, wala sa isip ko yan Uncle."
"Naintindihan ko. Pareho kayo ni Shinichi. Pero gusto kong malaman nyo na suportado ko kayo."
Nang matapos ang usapan ay nagpaalam na ang dalawa na babalik sa kanilang hotel.
"Ryuichi, andito lang ako pag may kaylangan ka. Alam kong malaking bagay sayo yan, kaya susuportahan kita."
"Maraming salamat Mishiro."
Mga bata pa lamang ay magkakilala na sina Asami at Shinohara. Sa University of Hong Kong nag aral ang dalawa. Matalik mang magkaibigan ay magkaibang kursong ang kanilang kinuha. Si Asami na Major in Economics at si Shinohara na Doctorate of Law.
Si Mishiro Shinohara ay ulilang lubos. Siyam na taon siya nang mamatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang kasama ang kaniyang dalawang nakakatandang kapatid. Dahil sa walang kamag anak na nais na kumupkop sa kanya, ipinadala siya sa bahay ampunan.
Ang tiyuhin ni Asami na si Maki-san ang isa sa mga nagtatag ng naturang bahay ampunan. At doon niya nakilala ang matandang Maki, na siyang tumulong sa kanya upang makapag aral. Kahit inalok ito ng matandang Maki na tumira kasama nila, tumanggi ito at piniling manatili sa bahay-ampunan.
Madalas, sa twing dadalaw ito ay kasa-kasama nito si Asami at si Shinichi na noon ay maliit pa lamang. Simula elementary hanggang high school ay parehong eskwelehan sila nag aaral. Kahit may allowance na natatanggap si Shinohara sa pamilya ni Asami, pinili nito ang mag part time job upang makapag ipon sa kolehiyo.
Dahil sa kaniyang natatanging talino, natanggap siya bilang scholar sa naturang kolehiyo. Maging ang ilang sikat at pribadong pamantasan sa Japan tulad ng Tokyo University ay ay nag alok ng scholarship dito. Subalit pinili nito ang mag aral sa Hong Kong kasami ni Asami.
Bago magtapos ng Major in Economics si Asami, nasangkot ito sa isang sindikato sa Hong Kong. Si Fei Long, na isa sa naging kaklase at kaibigan ni Asami sa college ang nagpapakilala sa kaniya sa mundo ng 'chinese underworld'. Ang ama ni Fei Long ang isa sa pinayamanag negosyante sa Hongkong. Karamihan sa mga negosyo nito ay mga night club at casino. Na enggayo si Asami na makipag kooperasyon sa kanilang grupo dahil sa bilis at laki ng perang pumapasok sa negosyo. Pinangarap niya na magpakayaman sa sarili niyang sikap.
Kilala ang pamilya ni Asami sa Japan bilang isa sa nagmamay-ari ng sikat ang malaking TV station sa Japan, ang Asahi network. Magkagayon man, pinili ni Asami na wag umasa sa yaman ng kaniyang mga magulang at gumawa ng sarili niyang pangalan.
Makalipas ang ilang taon pagkatapos ng kaniyang pag aaral sa kolehiyo, nagpasya siyang bumalik sa Japan upang magtayo ng sarili niyang negosyo habang si Shinohara ay nanatili pa ng ilang taon. Dahil sa laki ng naipon niya mula sa negosyo ng mag amang Long, madali siyang nakapagpatayo ng ilang club at casino sa Japan.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfic(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over