Chapter 23
"Good work for today!" Masayang sabi ni Hikari-san nang matapos ang pagre record ng bago nilang anime drama.
"Natutuwa ako na makasama at makatrabaho kayong lahat. Hindi ko inaasahan na matatapos agad natin ang voice acting para sa first ten episodes ng anime. Next week....ipapalabas na sa ating tv network ang unang episode ng 'Yuki'....!"
At masayang nagpalakpakan ang 'Yuki Team' sa balita ng promotion manager ng Creative department. Karamihan sa member ng 'Yuki Team,' ay tulad din ni Sakuragi na part-timers at ang ilan ay college student. Kaya naman sinamantala ni Hikari na simulan ang voice acting, recording at editing habang sila ay bakasyon at may libreng oras upang mapadaling matapos ang naturang anime drama.
"Ang totoo niyan, sinisimulan na ng ating mga animator ang paggawa ng second season ng anime. Once a week ang anime at isang oras ito ipapalabas."
"Ganun ba, parang nakakabitin naman yun Hikari-san?"
"Ganun kasi ang napag-usapan. At bukod pa doon, medyo late na siya ipapalabas."
"Bakit di nila gawing saturday and sunday....para hindi mainip ang mga viewers.?"
"Gagawin namin yun after naming malaman ang rating ng show sa unang buwan nito na ipinalabas."
"Ah, nakuha na namin."
"Yep, kaya habang di pa kayo busy gusto ko sanang matapos natin ang first season sa lalong madaling panahon."
"Hai!!"
Matapos ang munting selebrasyon, isa-isa na silang nagsi-alisan maliban kay Sakuragi na pinaiwan ng head para kausapin.
"Sakuragi-kun, omedetou! Sa linggo ilalabas na ang music video ng 'Yuki-sama' at maririnig na ng buong Japan ang boses mo." Masayang pahayag nito sa binata na ikinagulat naman nito.
"Eh! Teka Hikari-san....ibig sabihin kakanta ako sa TV?"
"Hindi Sakuragi-san. Gumawa kami ng music video para sa anime at ang character na si Yuki ang makikita nilang kakanta. Pero ang boses mo ang maririnig,."
"Nyahahaha....yun nga ang ibig kong sabihin...hehehe"
"Ang totoo kaya kita gustong makausap ngayon ay dahil sa pagkanta mo."
"Sa pagkanta ko?"
"Oo. Nagustuhan ng ilang music producer ang boses mo nang i arrange namin ang kanta mo para sa opening at closing theme. Napag mitingan namin na gumawa pa ng maraming kanta para sa character ni Yuki."
"Eh Hikari-san, akala ko once a week lang ipapalabas ang Yuki?"
"Totoo yan...kaso gusto din natin na makilala at maging popular ang anime drama na ito kaya naman naisip namin ng gumawa nag album para sa kanya."
"Album? Ang alam ko base sa manga ang Yuki."
"Ibig sabihin, ibi build up natin siya bilang singer. Ibig sabihin ikaw ang kakanta, pero pagdating sa music video, yung character niya ang makikita ng mga tao. Kahit kasi sikat ang manga ng Yuki, may kaibahan ito sa anime. Kaya gusto namin siyang gawan pa ng ibang kanta."
"Ah,..pero bakit kaylangan pa nun Hikari-san..akala ko opening at closing lang ang kakantahin ko."
"Ang totoo nyan.. Sa dami ng sikat na shounen-ai anime ngayon, kaylangan natin gumawa ng ibang paraan para makaaakit at mahikayat ang mga viewers na panoorin ang ating show."
"Ibig sabihin?"
"Ipakilala natin sa Japan ang singer na si Yuki...Sakuragi-kun. Kaya inaasahan ko na papayag ka."
"Kung siya ang makikita ng mga tao na kakanta sa ngayon...walang problema sakin"
"At ang isa pa Sakuragi-kun, ni request nila samin, na kung maari ikaw rin ang kumanta ng ilang theme song ng mga parating na soap operas at anime."
"Teka Hikari-san, pag kinanta ko ba yun ibig sabihin kakanta ako sa TV?"
"Teka gusto mo bang kumanta sa TV, Sakuragi-kun?"
"Ang totoo, gusto ko rin...sana...balang-araw....hehehe" at napakamot ito sa kaniyang ulo. "....kaso ang inaalala ko ang pag-aaral ko at ang basketball. Malapit na kasi ang tournament at nangako ako sa coach na wala munang part-time."
"Naintindihan ko Sakuragi-kun, wag kang mag-alala hindi pa naman yun sa ngayon. Gusto ko lang ipaalam sayo in advance para makag isip at makapaghanda ka."
"Maraming salamat Hikari-san."
Matapos lumabas ng opisina, agad niyang tinawagan si Youhei upang sumangguni dito. Nais niyang humingi ng payo mula sa kaibigan. Napag isip-isip na na maaring tama ang kaibigan na panahon na upang tuparin niya ang pangarap niya at ng kaniyang otoosan na maging sikat na singer.
Sa pag-iisip na iyon, bigla niyang naaalala si Asami at Shinohara na nagbigay rin ng magandang payo sa kanya. At alam niya na kung tatanungin din niya si Maki, ay papayag ito at susuportahan siya.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over