Chapter 27

117 1 0
                                    

Chapter 27

"Good work Sakuragi-kun. Maraming salamat! Hindi kami nagkamali sa pagpili sayo." Malugod na pasasalamat ng producer matapos ang recording ni Sakuragi para sa bagong soundtrack ng isang drama sa telebisyon.

Nang araw na kinausap si Sakuragi nang head manager ng creative department, inabisuhan siya nito kung kaylan siya maaaring magsimula mag recording.

Nung una ay alangan siyang tanggapin ang alok nito, ngunit napag isip-isip niya na mas mainam ito kaysa ang magtrabaho sa Danny's para kumita.

Agad niyang ipinaalam sa manager na handa siya na tanggapin ito, sa kondisyong itatago muna sa publiko ang kanyang pagkatao. Hiniling niya na kung maaari ay gamitin na lang muna ang pangalang 'Yuki' na kanyang character sa anime drama na nasimulan. Agad namang pumayag ang manager at agad na ipinaalam sa producer ang kanilang mga napag-usapan at madali naman silang nagkasundo.

"Oi Hanamichi! Kamusta?" Tanong ni Youhei nang makita ang kaibigan na palabas ng recording studio. Maging siya ay kabado sa kalalabasan nito.

"Ayos naman. Maganda yung kantang ginawa nila. Sana lang magustuhan ng mga audience ng drama. Kinakabahan ako Youhei hehehe."

"Bakit naman? Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan ka nila kung alam nilang di mo kaya. Bukas na pala ang airing ng Yuki, wala kang pasok sa gabi kaya makakanood tayo mamaya."

"Isa pa yun Youhei, nabasa yung manga nun maganda pala talaga istorya. Alam mo ba medyo naka relate ako, nyahahaha."

"Hahaha, talaga? Sa anong parte?"

"Halos lahat hehehe, malas sa pag-ibig...nyahahaha."

"Hahaha, ganun ba? Mukhang maganda nga." Pabiro nitong sagot kahit alam niya...na ang totoo malungkot ang kaibigan.

"Hehehe, kahit nga si Hikari-san natutuwa sa palabas. Pag naging maganda daw ang kinalabasan ipagpapatuloy nila ung second season."

"Sana nga, sana nga. Tara bakit di muna ta......aray!" Naputol ang pagsasalita ni Youhei nang may biglang bumangga sa kanya.

"Gomen, gomen....Ah Sakuragi-kun! Mito-kun, pasensya na kayo nagmamadali kasi ako." Paghingi ng paumanhin ng babae sa nabangga.

"Nanami-san? Aning ginagawa mo dito? Teka ayos ka lang ba?" Tanong ni Youhei habang tinutulungan ito sa pagtayo.

"Pasensya na nagmamadali kasi ako, balak ko sanang magpunta sa studio one para may hanapin."

"Ganun ba, gusto mo tulungan ka namin Nanami-san. Salamat nga pala sa nakaarang araw. "Tanong at pasasalamat ni Sakuragi sa babae at namula nang maalala ang kanyang 'date'.

"Ah, wala yun! Kasi naman yung model namin hindi sumipot. May pictorial pa naman kami kasama si Tsuruga-san."

"Tsu....Ren Tsuruga yung aktor sa dramang 'Dark Moon'? Sugoi Nanami-san pwede ba akong magpa autograph saka magpalitrato kasama siya. Alam mo bang idol ko siya lalo na dun sa action movie na ginawa niya. Nyahahaha"

Agad napatitig si Nanami matapos humiling sa kanya si Sakuragi. Hinawakan nito ang dalawang kamay ng binata at ngumiti.

"Aba oo naman Sakuragi-san pwedeng pwede!" Wika nito hanggang sa ang ngiti nito ay naging halakhak.

Kinutuban nang hindi maganda si Sakuragi sa tinuran ng babae. Tila ba sinapian ang babae sa kanyang harapan. Habang si Youhei ay napakamot lamang ng ulo at agad na nakuha ang ibig mangyari ng babae.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

"I iready na ang set, inaayusan na yung kapalit na model! " sigaw ng isa sa staff ng naturang pictorial team. Abala silang lahat at masaya nang marinig na nakakuha na kapalit ang kanilang make-up artist.

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon