Chapter 25
Malakas na katok ang gumulat sa mga taong nasa loob ng kabahayan. Nagmamadaling binuksan ni Youhei ang pinto nang marinig ito.
"Hana-chan! Anong ibig sabihin nito?!" Pasigaw at galit na wika ni Maki nang buksan ni Youhei ang pinto.
"Teka, teka, Maki-kun. Relax may problema ba? Bakit hindi ka muna maupo?" Pagkalma niya kay Maki nang makapasok ito nang bahay.
Matalim na tingin lamang ang isinagot nito sa tanong ni Mito sabay hagis ng litrato sa lamesa. Noon lamang niya na napansin na bukod kay Mito, may iba pang naroon. Sina Asami at Shinohara.
"Di ako alam na magkikita tayo dito, Shinichi."
"Ryu-niichan? Mishiro-kun?" Nagulat na tanong nito nang makita ang dalawa na nakaupo sa sofa.
"Di ko akalain na nagbago ka. Mula sa pagiging kalmante patungong bayolente." Sagot ni Asami at tumayo ito.
"Anong ginaga......."
"Shin-chan!!!!" Masayang bati nito kay Maki paglabas nito sa kwarto at niyakap ito nang mahigpit. Biglang natunaw ang galit ni Maki nang yakapin siya nito. "Ne, Shin-chan kamusta ang practice games....may pasalubong ka ba sakin?"
"Meron, kaso di ko dala......" Namumulang wika nito dahil sa mahigpit na pagkakayakap ni Sakuragi.
"Ehem, ehem....." Ubo ni Shinohara nang mapansin ang masamang tingin ni Asami sa dalawa.
"Di mo kaylangan yakapin ng mahigpit si Shinichi, Hana....galit siya sayo....." Saway naman ni Asami na hindi maitago ang selos.
"Eh? Galit ka sakin? Bakit Shin-chan?" At doon lamang naalala ni Maki ang tunay niyang sadya. Muli niyang dinampot ang litratong inihagis miya sa lamesa at iniabot kay Sakuragi.
"Ore?! Ako ba to Shin-chan....su....sugoi! Ne, Youhei tignan mo ang gwapo ko sa picture nyahahahaha!"
Napakamot lamang si Youhei sa reaksyon ng kaibigan. Ngayon naintindihan na niya ang dahilan kung bakit galit na sumugod si Maki. Nawala sa isipan niya ang pagpunta nito sa Kanagawa para sa practice games at iyon ang hindi niya napaghandaan.
"Hana-chan, anong ibig sabihin niyan?"
"Eh...picture...tignan mo Shin-chan bagay sakin di ba...."
"Hindi yun! Ang gusto kong malaman bakit hindi ko alam ang tungkol diyan?!"
"Eh?! Hindi ko ba nasabi sayo? Hehe pasensya na Shin-chan... Nakalimutan ko....nag dinner date kami nyan ni Asami-san sa Shangri-La.....dun sa Piacere ba yun, alam mo yun yung sikat na italian restaurant, ang ganda ng view at ang sarap pa ng pagkain!" Tila batang pahayag nito.
Napapailing lamang sina Youhei at Shinohara sa pahayag na ito ni Sakuragi. Napaka natural lang ng pagkakasabi niya na hindi alintana ang gulong kinsasangkutan.
"Teka....pwede bang magtanong....ano....Asami-san magkakilala kayo ni Maki-kun?" Biglang naisip na itanong ni Youhei.
"Magpinsang buo kami." Matipid na sagot ni Asami at pinagpawisan ng malamig si Youhei.
"Sugoi! Magpinsan kayo....nyahahaha...ngayon alam ko na...kaya pala nung una kong nakilala si Asami-san parang nakilala ko na sya dati.... Yun pala magpinsan kayo.... Siguro nagkita na tayo dati pa nakalimutan ko lang.....Nyahahaha"
Muli ay pinagpawisan si Youhei, pero sa ngayon kasama na si Shinohara.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Masama bang dalawin si Hana....ikaw bakit ka andito....."
"Ngayon nakuha ko na....bakit nga ba di ko napansin agad. Shinichi-kun...ikaw si Shin-chan, si Sakuragi-kun si Hana-chan. Tokyo uni at bastketball team..." Pagputol ni Shinohara sa tensyong namumuo sa paligid.
"Nagpunta ako dito dahil sa picture na yan Hanamichi Sakuragi! Ngayon simulan mo nang magpaliwanag!" Galit na sabi ni Maki na ikinatakot nito. Alam niya na seryoso ito sa tuwing tatawagin siya nito sa buong pangalan.
"Bukod sa pakikipag date sa kung kanino kanino lang....bakit kaylangan mo pang ipasa at ipangalandakan ang litratong yan para lang pag awayin sina Rukawa at Sendoh....!"
"Anong pinagsasabi mo Shin-chan...wala akong alam sa sinasabi mo....at hindi kung sino lang si Asami-san....kaibigan ko siya!"
"Akala ko ba kakalimutan mo na siya! Bakit kaylangan mo pang gumamit ng litrato ng pakikipag date mo sa iba para manggulo!"
"Shinichi! Naririnig mo ba sinasabi mo! Wala kang karapatang husgahan si Hana! Ako ang ka date niya! At wala kang alam sa mga pinagsasabi mo!" Galit na sigaw ni Asami sa pinsan.
"Dismayado ako sayo Maki-kun....ang bilis mong husgahan ang kaibigan ko dahil lang sa picture na yan, di mo muna inalam ang totoo bago ka magsalita sa kanya ng ganyan. Nagkakamali ka...walang alam si Hanamichi... Ako ang nagpasa ng litrato sa gundam...." Galit man ay nagawa pa rin nitong kumalma habang nagpapaliwang kay Maki.
"Youhei...anong sinasabi mo...."
"Pasensya ka na Hanamichi......di ko na sinabi sayo dahil ayaw kong mag alala ka...nung gabi ng date nyo...pa sekreto kang kinunan ng litrato ni Asami-san habang nakatitig ka sa labas. Ipinasa niya sakin ang litrato mo kasi natutuwa siya na masayang kang nakangiti, kaya naisip ko na ipadala sa gundam at kay Haruko na rin para di sila mag-alala sayo...."
"Youhei......"
"Ang totoo, nakalimutan ko na ipabura agad ang picture nang malaman kong nagkita kayo ni Rukawa sa restaurant.....patawarin mo ko Hanamichi...di ko sinasadya...."
"Si Rukawa? Nagkita kayo?"
"Oo, nagkita sila....kami.....di ko alam kung anong namagitan sa kanila....pero di ako papayag na saktan niyang muli sa Hana..at pati na rin ikaw Shinichi!"
"Asami-san....." At doon na tumulo ang luhang pinipigilan ni Sakuragi. Niyakap siya ni Asami at masuyong hinagod ang likuran nito.
"Mali ka nang iniisip Maki-kun, walang intensyon si Hanamichi na gawin ang ibinibintang mo. Kung gusto ng kaibigan ko na gawin yun, noon pa!"
Pabagsak na naupo si Maki sa sofa dahil sa pagkakamaling nagawa. Sabunot ang buhok at bumunting hininga. Ngayon niya napagtanto ang maling aksyon na nagawa. Nadala siya nang sobrang selos at galit nang mabanggit sa kanya ni Jin ang tungkol sa litrato habang siya ay nasa Kanagawa para sa laro.
Nung una inakala ng dating ka team mate na siya ang misteryosong ka date ni Sakuragi noong mga oras na iyon. Masaya pa siyang biniro nito na sa wakas ay nabihag na niya ang puso ni Sakuragi. At natutuwa pa itong iaabot ang larawan nito sa kanya na labis niyang ikinagulat at ikinagalit.
Bago umalis ay matamo muna itong tumingin kay Asami at nagsalita. ,"Ryu-nichan...palalampasin ko 'to sa ngayon....sa susunod di na ako papayag na lumapit ka kay Hana-chan."
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over