Chapter 24
Kanagawa - 80/ Tokyo Univerisity - 102. Pumito na ang referee bilang pagtatapos ng game.
Pawisan at pagod na pagod ang manlalaro ng bawat team sa katatapos lang na laban. Bagamat handa sa laban, hindi inaasahan ng team ng Kanagawa na napalakas ng mga manlalaro ng Tokyo. Maging ang ibang estudyante hindi lamang sa Kanagawa kundi pati ibang prefecture ay dumayo upang mapanood ang kanilang laban.
Ito ang unang pagkatalo at huling laban ng Kanagawa College. Aminado sila na tunay ngang napalakas na team ang Tokyo kaya hindi na sila magtataka kung bakit hindi ito matinag sa kinaluluklukan.
Dismayado naman si Akagi nang malaman na ang freshman center na binabanggit ng kanilang coach ay hindi nakarating dahil di umano ito pinayagang sumama ng Dean.
"Wew! Wala kayong kakupas-kupas Maki at Fujima. Akala ko pa naman ako na ang number one point guard ng Japan."
"Sabihin na lang natin na isa ka sa pinakamahusay, Miyagi-kun. Hehehe" pabiro naman ni Fujima.
"Bago kayo bumalik sa Tokyo bukas, bakit di muna ayo mag hapi-hapi. Matagal na rin nang huli tayong magsama-sama." Paanyaya ni Mitsui.
"Tama ka Mitsui." Sang ayon naman ni Maki.
"Bakit hindi muna kayo magsipag shower bago nyo pag-usapan ang hapi-hapi. At syempre sasama kaming mga girls!" Sabat naman ni Ayako na nakikinig sa usapan nila.
Sabay-sabay na nagsitungo ang mga manlalaro sa kani-kaniyang locker.
Bagamat natalo, masaya ang member napg Kanagawa sa resulta ng kanilang laban sa Tokyo. 2 win - 1 loss habang ang Tokyo naman ay naipanalo ang lahat ng laban.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Geez! Omedetou Hanamichi! Akalain mo ikaw ang kakanta ng bagong theme song ng pinakasikat na drama ng Japan. Di mo ba alam na dahil sa kasikatan ng drama ....gagawa ulit sila ng bagong kabanata! "
"Nagulat nga ako Youhei nang kausapin ako ng direktor. Di ko akalain. Dati nakikita ko lang commercial sa tv, tapos ngayon ako na kakanta ng theme song ... Nyahahaha."
"Masaya ako para sayo Hanamichi. Tiwala lang sa sarili. Alam kong kaya mo yan at sigurado kong matutuwa si oyaji-san kung nabubuhay lamang siya."
"Salamat sayo Youhei....kung hindi mo ko pinayuhan malamang di ko matutupad ang pangara ni otoosan. Pati na rin kina Asami-san at sensei."
"Gezzz...wala yun... Ang talent mo ang nagdala sayo dito....umpisa pa lang to Hanamichi....alam kong kaya mo yan. Tiwala lang....
"Salamat, salamat Youhei. Saka ko na sasabihin sa gundam pag handa na ko....pag tapos ng tournament saka ko sila haharapin."
"Nasa likod mo lang Hanamichi. Masaya ako para sayo. Tara sushi tayo!" Masayang paanyaya sa kaibigan.
Ang totoo maging siya ay hindi inaakala na magiging ganito kabilis ang takbo ng career ng kaibigan. Sa una nais niyang mag voice actor ito upang mahasa at may maka diskobre ng talento nito sa pagkanta. Bago ipalabas ang anime drama napagkasunduan ng management na gawan ito ng music video na gagamitin upang hikayatin ang mga manonood. Bago iere ang drama, nauna nang pinatugtog sa ilang radio station kanta.
Ngunit bago pa man mag umpisa ang anime drama na kinatampukan ng kaibigan. Ilan sa mga music writer at producer ang nais na gawan siya ng kanta.
Dahil sa naging pakikipag-usap ng manager kay Sakuragi, napag kasunduan ng mga ito na wag munang abalahin ang binata dahil sa iba pang aktibidad nito. Ikinatwiran niya na part-timer lamang ito at makaka apekto ito sa pag-aaral ni Sakuragi kung pipilitin itong pagsabay-sabayin ang mga proyektong nais nilang ipagawa dito.
Sinabi niyang hanggang dalawa proyekto lamang ang maari nitong gawain batay na rin sa napagkasunduan bago ito mag umpisa ng trabaho sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over