Chapter 19
"Hana!!?........ Hana darling?" Paninigurong tanong nito sa binata. At nang masiguro na si Sakuragi nga ito, tumayo ito mula sa kinauupuan at mahigpit itong niyakap.
"Oh my God Hana-chan, look at you! You're so handsome! Di ko alam na andito ka pala sa Tokyo. Kamusta ka na? Nagkita na ba kayo ni Kaede?"
"Kanako-san....." Ganting yakap nito sa Ina ni Rukawa.
"Kamusta na kayo?" Tanong nito sa babae at napansin ang kasama sa lamesa. "Magandag gabi Rukawa-san, kamusta na?"
Tumayo ang lalaki upang kamayan si Sakuragi at batiin. "Okey naman ako Sakuragi-kun. Wala na kaming naging balita sayo pagkatapos ng graduation ninyo ng high school. How's life? Nag-aaral ka ba?"
"Pasensya na Rukawa-san, biglaan ang punta ko dito sa Tokyo." Pagkatapos sumagot ay bahagya itong nahilo at agad namang inalalayan ni Asami.
"Are you okay Hana?" Tanong nito sa kanya. Bagamat nagulat dahil ito ang unang beses na tinawag siya nito sa pangalan ay nakangiti pa rin niya itong sinagot ito.
"Okey lang ako 'Ryu' medyo nahilo lang ako."
"Sabi ko sayo, i try mo lang yung wine, di ko sinabing ubusin mo" pabiro nito kay Sakuragi habang nakaalalay at nakahawak sa beywang nito. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi ni Sakuragi at nagkatinginan lamang ang mag-asawa.
"Hehe, pasensya ka na Ryu, nagustuhan ko kasi ang lasa."
Nasa ganoong ayos sila nang dumating si Kaede Rukawa mula sa washroom. Kahit na nabigla ito sa eksenang nadatnan, kalmado pa rin nitong binati ang dating 'kasintahan'.
"Hana?!"Hindi niya inaakala na makikita niya ito sa ganitong lugar. Matalim na titig ang iginawad nito sa kasama ni Sakuragi na nakahawak sa kanyang beywang at pisngi.
Nabigla man ay pinilit ni Sakuragi na ngumiti dito. Bago sumagot ay marahan niyang pinisil ang kamay ni Asami. Pakiramdam niya ay nais niyang mawala sa harapan nito, ngunit dahil alam niyang nakaalalay sa kanya si Asami pinilit niyang umakto ng normal.
"Rukawa-kun, nice to see you again." Kampanteng pangungumusta nito.
Ikinagulat ni Rukawa ang ginawang pagsagot at pagtawag nito sa kanya.Malungkot na titig ang iginanti niya dito bago sumagot.
"Okey lang. Ikaw kamusta ka na?"
"Ayos lang. Pasensya na kung naistorbo namin ang dinner nyo. Pero kaylangan na namin umalis." Muli ay hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ni Asami bago ipinagpatuloy ang pamamaalam. "Kanako-san, Rukawa-san...Happy anniversary pala sa inyong dalawa."
"I'm so glad Hana-chan, naaalala mo pa rin ang anniversary namin. Arigatou."
"Hana, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Rukawa nang akma na silang aalis.
"Sure, Rukawa-kun. Pero siguro next time na lang, medyo nagmamadali kasi kami ni 'Ryu'. Ja." Malumanay na sagot nito habang hawak ang kamay ni Asami bilang suporta.
Habang inaalalayan ni Asami, ramdam nito ang panginginig ng katawan ni Sakuragi. Sa loob ng elevator, isinandal nito ang kanyang ulo sa balikat ni Asami. Pinakikiramdaman niya ang susunod na gagawin nito.
Pagkabas ng hotel, agad naman niyang ipinagbukas ng pinto ng kotse si Sakuragi at mabilis na pinaandar ito. Paminsan minsan ay tinitignan niya ito sa tabi, na nakatanaw lamang sa labas. Maya-maya pa narinig nito ang mahinang hikbi ng katabi at ipinasya na i parada ang kotse na tabi.
"Sakuragi-kun, okey ka lang ba?"
"Okey lang ako Asami-san......pasensya ka na kanina kung tinawag kita sa pangalan....." Humihikbing sagit nito at punas ng luha sa mata.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over