Chapter 22
"Ngayong tapos na ang exam ninyo at magsisimula ang ang sembreak, magkakaroon na tayo ng practice games sa ilang piling university. Inaasahan ko na magiging maganda ang inyong performance. Napagkasunduan namin na ang makakasama natin sa practice ang dalawa sa mga unibersidad dito sa Tokyo. At ngayong taon, tayo at ang iba pa ang dadayo sa Kanagawa para sa practice games." Mahabang pahayag ng coach nang hapong iyon.
"Coach, ilang araw tayo doon at anong university ang ang mga makakalaban natin?" tanong ng captain.
"Isang linggo tayo mananatili sa Kanagawa at tatlong team mula doon ang ating makakalaban. Una ang Yokohama National, sunod ang Toin at ang huli ay ang Kanagawa College."
Sa umpisa pa lang na marinig ang salitang Kanagawa, ay kinabahan na ng todo si Sakuragi. At nakaramdam ito nang takot nang banggitin ng coach na makakalaban nila sa practice game ang Kanagawa College. Agad naman itong napansin ni Maki at Fujima na nasa tabi. Mahinang tapik lamang ang iginawad na mga ito sa kanilang kouhai.
"Sakuragi-kun, kinausap pala ako ng Dean. Isa sa patakaran niya na wag pasamahin sa mga practice games ang mga self-supporting student lalo na't sembreak. Alam niya na panahon ito na kaylangan mong magkaroon ng oras para kumita." Pahayag ng coach nang mapansin ang pag-aalinlangan nito.
"Talaga Coach Saito....ibig sabihin kahit hindi ako sumama sa practice games?"biglang sumilaw ang ngiti nito sa sinabi ng coach.
"Oo, isa sa rules yun lalo na't sa labas ng Tokyo ang games. Bukod sa self-supporting ka, scholar ka pa, kaya concern ang Dean sa mga tulad mo. But make sure na pagdating ng tournament, focus ka sa basketball gaya nang napagkasuduan natin. No more part-time jobs....Maliwanag?!"
"Yes Coach! Maraming salamat!" Nakahinga nang maluwag si Sakuragi sa winikang ito ng coach. Nawala ang kaba at takot na kanyang naraamdamam sa simula ng kanilang pagpupulong.
"Bukas alas otso ng umaga magkikita tayo sa Shinigawa station...walang male late. Maliwanag?! .... Ueki-kun..paki email sa lahat ng coach ng bawat university ang listahan ng mga player na dadalo. Ang mga reserve players, pwede kayong sumama kung gusto ninyo."
Sa labing-apat nag try-out, dalawa lamang sa kanila ang napabilang sa mga line-up ng team. Sa labing-dalawang natira, anim lamang ang nanatili bilang reserve player para sa susunod na taon at ang iba ay nagsipag quit. Si Sakuragi na bagamat hindi na pinag try-out ay kabilang sa dalawang freshmen na kasama sa line-up. Kasama niya sina Kiyota (small forward) at Daiko (shooting guard).
Sa locker, masayang nag uusap ang team. Habang ang ilang ay naliligo, at ang ilan naman ay nag-aayos ng kanilang mga gamit.
"Ne Hana-kun, okey ka lang? Wag ka nang masyadong mag-alala. Narinig mo sabi ni coach."
"Ayos lang ako Ken-san. Medyo nabigla lang ako nyahahaha."
"Pero Sakuragi-kun......alam mong hindi ka pwedeng magtago habang buhay...darating ang panahon na kaylangan mo silang harapin...."
"Alam ko Hanagata-san.... Kaso hindi ko alam kung kaya ko na....pero wag kayong mag-alala...di ko hahayaang maapektuhan ang laban natin pagdating ng tournament." Ngiting wika nito at nauna nang naligo.
"Sana lang walang magbanggit na andito si Hana-chan sa Tokyo Uni..... Ayaw ko lang guluhin siya ng mga yun...." Pag-alalang sabi ni Maki.
"Wag kang mag-alala Shinichi-kun...kakausapin ko ang captain at si vice.....siguro naman di tatanggi yun....."
"Sana nga."....
XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxXxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Gaya nang unang napag-usapan, ang ilang unibersidad sa Tokyo naman ang pupunta ngayong taon dito sa Kanagawa para sa games. Una nating makakalaban ang Kokushikan, pangalawa ang Tamagawa at ang huli ay ang Tokyo Uni. Isang linggo silang mananatili dito sa Kanagawa. Inaasahan ko na magiging maganda ang resulta ng ating mga laban."
"Coach Sakano, maari ko bang malaman ang status ng bawat team?" Tanong naman ni Ayako. Bilang manager, responsibilidad niya na malaman ang ilang impormasyon at kakayahan ng makakalabang team.
"Tatawagan kita Ayako-san pag handa na ang print-out. Sa ngayon gusto kong siguraduhin mo na sinusunod ng team member ang mga training menus na ibinigay ko sayo."
"Hai coach!"
"At siya nga pala....ilan sa mga manlalaro ng bawat team ang di makakadalo sa laban. Kaya naman maging handa at alisto kayo sa tournament. Di natin alam kung anong klaseng laro meron sila lalo na nang mga di makakadalo sa laban."
"Coach Sakano, anong ibig sabihin nun? Minamaliit ba ng mga Tokyo ang mga taga Kanagawa?"
"Hindi sa ganun..... Ang ilang sa kanila ay self-supporting student habang ang ilan ay bakasyon lalo na yung mga taga probinsya. Chance nila to para makita ang kanilang mga pamilya."
"Coach, paano ang line-up natin?" Tanong naman ni Akagi.
"At yan ang pag-uusapan natin Captain Sato, Captain Akagi. Mas malakas ang Tokyo Uni ngayong taon kaysa noong nakaraang taon at ikaw, Akagi-san ang inaasahan kong ipang tatapat sa kanilang bagong center....."
"Anong ibig mong sabihin Coach?"
"Malalaman mo pag nagtapat kayo....."yun lamang ang umalis na ang coach habang naiwang nag-iisip si Akagi.
Sa locker room, kanya-kanyang komento ang bawat manlalaro.
"Captain, Akagi....sa tingin nyo ba kilala natin ang sinasabi ni Coach?" Tanong ni Sato, isa sa team captain.
"Hindi ko alam Sato-san.....alam ko noon pa na iba ang kalidad ng laro ni Sagawara at isa pa nasa kanila din si Hanagata.... Siguro'y talagang magaling ang sinasabi niyang freshman..."
"Bukod kay Sagawara-san at Hanagata na mula sa Tokyo, wala na akong ibang alam na mahusay na center. Maliban na lang kung nasa kanila si Sakuragi." Wala sa sariling naikomento ni Fukuda.
Lahat ay napadako ang tingin sa kanya.
"Teka, teka....imposible naman ata yan Fukuda-san....alam nating bukod sa pagiging athletic, kaylangan din ng mataas na grado bago ka maging estudyante ng Tokyo Uni." Tutol ni Hikoichi na noon ay nakigamit ng kanilang shower room.
"Tama si Hikoichi....at kung sakali ngang nasa Tokyo Uni si Hanamichi.....masaya akong makakalaban siya....di ba Rukawa?" Tanong ni Miyagi sa nananahimik na si Rukawa na nasa tabi Sendoh.
"Hey, hey Miyagi! Kahit na maganda ang grade ni Sakuragi bago matapos ang high school, di ba imposible pa rin na makapasok siya sa Tokyo Uni...may kamahalan ang tuition dun...."
"Tama na yan....malalaman natin bukas kung totoo nga na andun siya.... Magsiligo na kayo para makapgpahinga!"
Habang ang ilan ay kanya-kanya nang ligo. Naiwan naman si Rukawa na malalim na nag-iisip. Agad itong nilapitan ni Sendoh.
"Kaede....di ba pinag-usapan na natin to.....kung sakali mang andun si Hana-chan. Di ba panahon na para magkaayos kayo."
"Magkaayos? Wala kaming dapat ayusin!" Sagot nito at umalis na ng locker room. Nagulat siya sa mahabang sagot nito.
Napailing na lamang si Sendoh sa sagot nito. Matapos ang gulo tungkol sa larawan ni Sakuragi sa Shangri-La, ilang araw din silang di nagpansinan. At ngayon, tila di na naman siya papansinin nito sa kanyang mga sinabi.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over