Chapter 28
"Paano nangyari yun?...... walang reservation?.... Bye" yun lamang ang tanging sagot ni Rukawa sa kausap sa cellphone at ibinaba na ito. Kasalukyan silang kumakain sa sushi shop ng mag-amang Noma.
"Kaede sino kausap mo?" Nagtatakang tanong ni Sendoh na nakaupo sa kanyang tabi.
Hindi man nito sabihin sa kanya, ramdam niya na may itinatago sa kanya si Rukawa. Simula nang makita nitong muli si Sakuragi sa Tokyo, naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Alam niya na may inutusan itong tao upang mag imbestiga kung saan nakatira si Sakuragi sa pamamagitan ng reservation nito sa restaurant.
"Kakilala lang."
"Gusto mo po ba ng sushi Kaede? Di ko na maubos tong sakin eh."
"Busog na 'ko" pagkasabi ay nauna itong lumabas ng shop at nag dial sa cellphone.
"Akira, nagkaayos na ba kayo? Ibig kong sabihin nagkausap na ba kayo nang maayos?"
"Okey na kami Hiro-kun, wag kang mag-alala." Matamlay na sagot nito sa kaibigan.
Ramdam ni Sendoh ang panlalamig ni Rukawa. Kahit pilit nitong itago sa kanya, kita sa mga titig at ramdam niya sa mga yakap nito ang panlalamig. Nais man niyang komprontahin ito ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang pag umpisahan ito ng di nila pagkakaunawaan.
"Wala kang maitatago sakin, Akira. Wag kang mag-alala babalik din kayo sa dati." Tapik at paalam ni Koshino sa kaibigan.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Masayang nagpalakpakan ang mga tao sa studio nang matapos ang photoshoot.
"Thank you Tsuruga-san, Sakura-chan!" Pasasalamat ng photographer sa kaniyang mga modelo.
"Ano, Mr. Photographer, Sakuragi hindi Sakura-chan." Bagamat inis ito sa photographer, pilit niyang maging mahinahon upang itama ang maling tawag nito sa kanya.
"Hehehe, pasensya na Sakuragi-kun, naaalalangan akong tawagan ka sa pangalan mo pag naka kimono ka. Bagay na bagay ang Sakura-chan sayo hehehe." Masuyo nitong tinapik ang balikat ng binata habang tumatawa.
Magalang siyang nakipagkamay sa modelong aktor na kaniyang nakasama at humingi ng autograph.
Nang matapos ang kaunting usapan, lumapit na ito sa kinatatayuan ng tatlong kaibigan.
"Ne Youhei, sa tingin mo ba okey lang yung pose ko. Sabi kasi ni Nanami-san, maging natural lang daw hehehe."
"Parang kang pro Hanamichi! Kung hindi ko lang alam na si Hanamichi ka iisipin kong professional model ka hahahaha." Natutuwang sagot ni Youhei.
"Tama si Mito-kun, at bagay na bagay sayo ang kimonong suot mo. Ne, Ryuichi, wala ka bang sasabihin kay Sakura-chan?"
Lumapit si Asami kay Sakuragi at marahan hinaplos ang mahabang wig nito. "Beautiful, Sakura-chan."
Agad na napaurong si Sakuragi sa pahayag na iyon ni Asami. Muling lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at ramdam niya ang pamumula ng kaniyang mukha sa panglawang na beses na purihin siya nito. "Ano....maraming salamat..."
"Ehem, ehem..... Ano Sakuragi-kun, kaylangan mo nang magpalit ng damit. Gusto ka daw kausapin nung photographer na si Kihano-san." Pagputol ni Nanami sa eksena nang dalawa.
"Hanamichi, antayin ka namin sa labas. Tawag ka na lang pag tapos mo. Starbucks tayo, sa tapat nitong building."
"Okey sige Youhei, palit muna ako. Paalam muna Asami-san, Shinohara-san."
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Pasensya na Nobu-kun. Mahal ko si Hana-chan. At alam kong di niya ko kayang mahalin."
"Alam ko Maki-senpai. Wala kang kasalanan sa nangyari satin. Ginusto ko rin naman yun." Malungkot na sabi ni Kiyota.
Kasalukuyan silang nasa sala ng bahay ni Maki nang hapong iyon. Matapos ang nagdaang gabi, pinasya ni Maki na pansamatala na muna itong manatili sa bahay niya.
Nakatayo ito habang nakatanaw sa bintana habang si Kiyota ay nakaupo sa sofa. Panandaliang katahimikan ang namagitan sa dalawa ng mga sandaling iyo. Nag iisip nang kung anong sasabihin sa isat-isa.
Maya-maya pa'y nagtungo si Maki sa kinauupuan ni Kiyota. Tumayo ito sa kanyang harapan at lumuhod. Masuyo nitong hinawakan ang dalawang kamay ng kanyang kouhai at tumitig.
"Nobu-kun, patawarin mo ko.....hindi ko alam kung paano sasabihin. Pero ayaw kong saktan ka...."
"Senpai......" Malungkot na titig at sagot lamang ang sagot niya dito. Masakit man sa kanyang kalooban, alam niya na ganito ang mangyayari. Alam niya na ni kailanman ay di niya kayang lumugar sa puso ni Maki.
Nakita niya kung gaano ito kasaya sa tuwing kasama si Sakuragi. Nakita niya kung paano ito ngumiti, humalaklak sa mga biro nito. Nakita niya ang mga pag-aalaga at atensyon na ipinupukol ni Maki kay Sakuragi.
Kirot at hinagpis ang kaniyang nararamdaman sa sinabing iyon ng kanyang senpai. Alam niya na kahit anong gawin niya ay di nito masusuklian ang pagmamahal na buong puso niyang inaalay dito.
Nais man nitong umalis at mawala sa harapan nito ay di niya magawa. Akma na siyang tatayo upang umuwi nang bigla itong tumitig at mas hinigpitan ang hawak sa kaniyang mga kamay.
"Nobu-kun, just me give more time.... hindi ako mangangako sayo. Pero pakiusap ko sayo, bigyan mo pa ako ng oras...oras para matutunan kang mahalin. Yun lang pakiusap ko sayo." Malungkot ngunit bakas sa boses nito ang kaseryosohan sa mga salitang binigkas niya sa kanyang kouhai.
"Senpai...... Di ko alam...."
"Pakiusap Nobu-kun, tulungan mo 'kong makalimutan siya...."
Marahang yumuko si Kiyota at hinalikan ang noo ni Maki. Marahang haplos sa mukha naman ang iginanti nito sa kanya. Dahan-dahan itong tumayo at tumabi sa kanyang kinauupuan. Isang masuyong halik ang iginawad niya kay Kiyota at marahan itong inihaga sa sofa.
Matagal na naghinang ang kanilang mga labi. Bawat haplos nito sa kaniyang katawan ay muling nagbibigay ng kakaibang init. Nais man jiya itong pigilan ngunit huli na. Mula sa kaibuturan ng kaniyang puso, handa siyang maghintay at tulungan ito sa paglimot. Paglimot sa nabigong pag-ibig na minsan na niyang naranasan.
Ngayon,ito na mismo ang humihingi sa kaniya ng isa pang pagkakataon at oras na hintayin ito. Na tulungan itong makalimot. Na tulungan itong matutunan siyang mahalin.
"Sa tamang panahon, senpai....mamahalin mo rin ako...." Bulong niya sa sarili sa gitna nang mainit nitong mga halik at haplos.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over