Chapter 8
Kasalukyang nakaupo si Maki sa loob ng Danny's habang nag-aantay kay Sakuragi. Pinagmamasdan niya kung paano ito magtrabaho sa nasabing food chain. Doon niya napagtanto kung gaano ito ka popular hindi lamang sa mga babae kundi pati na rin sa ilang 'kalalakihan'. Nakita niya ang mga malagkit na tingin ng ilang customer sa tuwing ito ay dadaan. Di nila masisisi ang mga ito kung hangaan man nila ang kanyang kouhai. Di makakaila na simula nang matapos ang Winter Cup nang nakaraang taon, naging kapansin pansin ang pagababgo ni Sakuragi. Naging mas matured ito at responsable sa buhay. Masaya siya sa pagiging parte ng pagbabago nito at higit sa lahat ang maging isa sa malapit na kaibigan nito.
Makalipas pa ang ilang minuto ay lumapit ipsi Sakuragi sa kanya.
"Shin-chan, ligo lang ako ha. Tapos uuwi na tayo." Ngiting paaalm nito sa kanya.
Ngiti lamang ang iginanti niya at muli niyang inaalala ang nakaraan kung paano silang naging malapit sa isat isa.
Flashback
(Sakuragi' senior year)
Kasalukyang nagmamaneho ng kotse si Maki. Semestral break sa college kaya naman umuwi ito ng Kanagawa. Huminto siya sa tapat ng isang public court na madalas niyang pagpraktisan kasama ang ilan sa mga dating team mate.Matapos niyang i parada ang kotse, kinuha niya ang bola sa back seat. Habang papalapit nakarinig siya na mahinhing halinghing kaya naman nag desisyon itong magmasid muna.
Di niya inaasahan ang tagpong kayang makikita. Sa likod ng malaking puno, kitang kita niya ang dalawa na naghahalikan, na tila ba walang pakialam kung may makakita man sa kanila. Habang ang nakakabata ay nakasandal sa puno, haplos ang buhok ng nakakatanda, ito naman ay mahigpit na nakayakap at gumagala ang kamay sa katawan nito. Dahil sa hiya na baka siya ay mahuli, ipinasya niyang umalis at maghanap ng ibang court. Dahan dahan siyangnaglakad patungo sa kaniyang kotse. Doon lamang niya napansin na maliban sa kanya ay may isa pang tao ang tulala at nagulat sa eksena.
Kitang kita niya ang pagkagulat at pagpatak ng luha nito. Dahil dito ipinasya niyang hilahin ito pasakay sa kanyang kotse.
Sa kotse, ipit na hikbi lamang ang tanging maririnig mula dito. Ipinasya niyang isama ito sa kaniyang bahay upang pakalmahin.
"Sakuragi-kun, umiinom ka muna. Kaylangan mong huminahon." Inabot nito ang baso ng tubig habang hinahagod ang likod.
Pagkainom ay bigla itong yumakap kay Maki at muling umiyak. Ramdam ni Maki ang sakit na dinadala nito sa nasaksihan. Kahit walang salita na lumalabas sa bibig nito, alam niya kung gaano ito nais na sumigaw at magmawala. Sino ba naman ang di magkakaganun, ang makita mo ang iyong mahal na boyfriend na nakikipag halikan sa taong itinuring mong nakakatandamg kapatid at isa sa matalik na kaibigan.
"Shhh, shhh, Sakuragi-kun. Tahan na, kung may gusto kang sabihin handa akong makinig. Kailangan mong ilabas ang sama ng loob mo. Wala man akong maitutulong sayo, at least kahit paano mabawasan ang dinadala mo."
Marahan itong tumingin sa kanya. Kita sa kanyang mukha ang lungkot at sakit. "Maki-san, kung ikaw nasa sitwasyon ko, gagawin mo ba ang ginawa ko. Ang magtago at tumakbo.?"
"Hindi ko alam Sakuragi."
"Nung una pinilit kong balewalain, di ko pinansin nang makita ko silang magkatabing natutulog sa kama namin pagkabalik ko galing trabaho. Ilang beses ko silang nahuli pero wala akong sinabi. Akala ko normal lang yun dahil parehas silang importante sakin. Nagbulag bulag at bingi bingihan ako." Bagamat umiiyak nagawa niyang magsalaysay at magtapat kay Maki.
"Tiniis ko Maki-san na wag silang pansinin. Madalas sa tuwing yayain ko si Kaede na maglaro, katwiran niya na pagod siya at nag practice sila ni Akira. Nag tiyaga akong mag aral sa umaga at mag trabaho sa gabi dhail gusto kong makapag ipon at makapag aral sa kolehiyo para makasama siya. Tinanggihan kong mag participate sa All Team Japan kasi gusto kong makapg ipon. Pero bakit..... Sana sinabi niya na hindi na ako mahal para hindi akong nagmukhang tanga."
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over