Chapter 37

85 1 0
                                    

Chapter 37

Flashback Chapter 2-Last Part

Masaya siyang habang bitbit ang pagkaing pasalubong para sa kaniyang kasintahan. Bagamat nasabi niya dito na hindi siya uuwi nang gabing iyon, pinili niyang wag magtuloy ng panibagong shift sa kanyang part-time job nang maalala na monthsary pala nila nang araw ding iyon.

Marahan siyang naglakad patungo sa kanilang kwarto upang sorpresahin sana ito. Ngunit napigil ang kanyang kamay sa pagbukas ng pinto ng kanilang kwarto nang marinig ang pamilyar na mga boses. Kaya naman marahan siyang sumilip sa nakauwang na pinto.

"Gusto kong i sekreto muna natin to Akira"

"Hanggang kaylan Kaede. Maiintindihan naman tayo ni Hana-chan kung magtatapat tayo sa kanya."

"Ayaw ko siyang saktan. Bigyan mo ko ng time na magsabi sa kanya."

"Kung hindi mo kaya, ako ang magsasabi. Ayaw ko rin itago natin ang relasyon natin. Mahal na mahal kita Kaede."

"Mahal din kita Akira. Pero pakiusap itago muna natin."

"Ok kung yan ang gusto mo." sagot nito habang nakayakap na mahigpit kay Kaede.

"Antay lang...."

Makitang hubad ang mga ito, ibig sabihin ay muli na naman itong nagtaksil sa kanya. Marahan itong umalis at lumabas ng bahay, habang di niya mapigilang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. At tulad na madalas nitong gawin, nagtungo siya sa lugar kung saan madalas siyang umiyak at mag labas ng sama ng loob.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Isa malamig at malungkot na gabi ito para sa kanya na dapat sana'y masama para sa kanya. Makailang beses na nga siyang nagawi at naupo sa parkeng iyon. Kaylangan na niyang mag-isip at magdesisyon nang dapat niyang gawin bago pa siyang tuluyan malunod sa sakit na kanyang nararamdaman.

"Okey ka lang ba?" Tanong ng lalaki na nakatayo sa kanyang harapan.

Tumingala siya ngunit dahil gabi iyon at ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng poste ay di sapat upang makita niya ang mukha nito. Magkagayon man ay tinanong niya ito. "Kung ang mahal mo ay may magmahal nang iba...palalayain mo ba siya?"

Umupo ang lalaki sa tabi niya at sumagot. "Kung ang taong mahal ko nais lumaya...bakit hindi..."

Matamang tumingin si Sakuragi dito bagamat di niya aninag ang mukha nito at muling nagtanong. "Paano kung ang mahal mo na inlove sa taong pinagkatiwalaan mo at tinuring mong kapatid, anong gagawin mo?"

"Pakakawalan ko siya. Kung mahal niya ang isa at kung iyon ang makakapagpasaya sa kanila." Mahinahong sagot ng lalaki.

Napatinging lamang siya sa kalangitan sa naging pagsagot nito. At naisip niya na marahil ay tama ito. Gaya nang madalas na sabihin nang karamihan, kung mahal ka at may mahal siyang iba, pakawalan mo at hayaan sa tunay nitong minamahal. At muli siyang umiyak habang ang lalaki sa kanyang tabi ay tahimik lamang na nakamasid sa kanya.

Dahil sa labis na pagkagulat, hindi na niyang nagawang tumanggi o manlaban nang bigla, ang lalaki nakaupo sa kanyang tabi ay marahan siyang hinawakan sa kanyang magkabilang pisngi at humalik sa kanya. Makailang beses na siyang hinalikan ni Rukawa, ngunit ang halik na lalaking ito ay kakaiba. Ito ay mas matamis, banayad at mas mainit. Natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakayakap ito. Di niya mapagilan ang sarili na wag gantihan ang bawat halik dito.

Huminto ang lalaki upang punasan ang kanyang mga luha. Tumingin siyang muli ngunit di niya makita ang mukha nito. At muli siyang hinalikan ng lalaki. Di tulad nang nauna, ito ay mas malalim, mas mainit at nagsimula siyang haplusin nito sa kanyang katawan. Ramdam niya ang malambot at mainit nitong mga palad sa loob ng kanyang damit na banayad na humahaplos sa kanyang beywang patungo sa kanyang dibdib. Nang di sinasadyang nakagat ng lalaki ang kanyang dila, doon lamang siya natauhan. Malakas niya itong sinuntok at nanakbo nang mabilis. Naiwan lamang na gulat ang lalaki habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi at ngumisi ito habang pinagmamasdan siyang papalayo.

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon