Chapter 6
Nagising si Sakuragi sa vibrate ng kanyang cellphone na nasa bulsa. Marahan siyang bumangon upang sagutin ito.
"Hello?.... Ahh Youhei....... Okey lang ako, .........oo alam ko pasensya na hindi na kita natawagan....... Shin-chan... .....Ok tatawagan ko siya.............eh?!......Ha? ....okey lang ako Youhei wag kang mag alala, natulog din ako kaya di kita agad natawagan..... Okey....... bye." Matapos ay saka lamang niya napansin ang kumot na nahulog sa kanyang paanan. Pagtayo ay muling nag ring ang kanyang cellphone.
"Shin-chan ohayou........ eh?!............ Okey lang ako wag kang mag-alala... .... Dadaan muna ako sa library..... Okey sige text kita.. ... Bye"
"Pambihira ang dami kong nanay! Hmmmp!" Wala sa loob na nabigkas niyang habang tinitiklop ang kumot. Pagkatiklop ay dinampot niya ang kaniyang bag at hahakbang sana siya patungo sa kwarto ni Asami upang silipin at magpaalam nang biglang may nagsalita.
"Ohayo Sakuragi-kun." Pamungad na bati ni Shinohara.
"Ah sensei ohayou....pasensya na di ko namalayan na dumating ka na pala. Nahimbing ako nang tulog."
"Okey lang, halika mag almusal muna tayo bago ka umuwi. Nagluto si Ryuichi.." paanayaya nito.
"Ah, ohayou Asami-san. Pasensya na sa abala."
"Ako ang nakaaabala sayo. Salamat sa paghatid mo sakin.
"Wala yun Asami-san, ako nga nahihiya kasi natulog ako dito sa bahay mo, hehehe." Napakamot ito nang ulo habang papaupo.
Naglagay ng plato si Asami sa kaniyang harapan at inalok ito ng kung anong gusto niyang kainin. Inalok din siya nito ng kape ngunit tumanggi siya. Nahihiya man ay napilitan itong kumain dahil na rin sa pamimilit ng abogado.
"Sakuragi-kun, pasensya na hindi ko naisip na baka mag alala mga magulang mo sa di pag uwi."
"Ayos lang sensei, best friend ko kasama ko sa apartment. Nasabi ko na kung bakit di ako nakauwi."
"Ah, so di ka pala nakatira sa mga magulang mo."
"Patay na sila." Malungkot nitong sagot.
"Pasensya ka na. Hindi ko alam."
"Ayos lang sensei, matagal na yun."
"Sakuragi-kun, saan ka nag aaral?, tanong naman ni Asami.
"Tokyo Uni."
"Wow! Sabi ko na nga ba unang kita ko sayo alam kong matalino ka." Pabulas ni Shinohara.
"Hehe ang totoo niyan, na scout lang ako ng Tokyo Uni dahil sa basketball. Medyo nahirapan nga ako sa entrance exam. Pero salamat at nakapasa naman."
"Kung di mo mamasamain, kasya ba ang sahod mo sa bar para sa pag aaral mo? Ang alam ko may kamahalan ang tuition sa Tokyo Uni."
"Napagkakasya naman sensei. Maliban sa The Lodge, may part time job din ako Danny's tuwing lunes hanggang huwebes pagkatapos ng school. At malaking tulong sakin yung scholarship sa university."
"Ahhh, scholar ka pala. Di ka ba nahirapan.?"
"Sa ngayon hindi pa naman. Pero balak ko rin mag quit sa Danny's pag malapit na prelim sa tournament. Priority ko ang......" Naputol ito nang ng ring ang kanyang phone. "Paensya na sagutin ko lang ito."
Tumayo ito at lumabas ng kusina. "Hello Shin-chan. ........ Okey sige antayin mo ako......bye tawagin kita pag andun na 'ko....nyahaha......wag kang masyadong mag alala ayos lang ako......."
"Hmmm. Girlfriend? Tanong ng abogado nang marinig ang pag uusap sa phone.
"Ha!? Hehehe hindi sensei, senpai at ka team mate ko. Medyo nag alala lang sa di ko pag uwi. Nag alok siya na samahan ako sa library. Pasensya na pero kaylangan ko nang umalis. Maraming salamat sa pagkain."
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfic(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over