Chapter 34
Nagkunyari siyang di niya narinig ang pagtawag nito sa kanya. Agad niyang idinako ang kaniyang paningin sa kanyang dating coach na kasalukuyang nakahiga sa kama. Lumapit siya dito at marahang hinaplos ang buhok nito at tumingin sa asawa nito na nasa tabi.
"Kamusta na si Sensei, Anzai-san? Kamusta na lagay niya?" Tanong nito sa asawa ni Anzai-sensei. Marahan siya nitong niyakap at tinapik sa balikat.
"Maayos na si Mitsuyoshi, Sakuragi-kun, wag kang mag-alala. Kaylangan niya lang daw ng pahinga. Kamusta ka na?"
"Ganun ba Anzai-san, maayos naman ako."
"Kamusta nag pag-aaral mo? Natutuwa akong makita kang nasa maayos na kalagayan."
Naalangan man sa tanong nito, nakangiti niya itong sinagot "wag kayong mag-alala Anzai-san..."
Napuna ng ginang ang pagkagulat nito sa kanyang tanong kaya di na muli itong nagtanong tungkol sa kanyang pag-aaral. Masaya ang ginang na makita na maayos ito at ang malaman na nagpatuloy ito ng pag-aaral sa kolehiyo.
Matamang tumingin si Sakuragi sa ilang naroon at lumapit. "Haruko-chan, Ayako....kamusta na kayo?" Lumipat siya sa mga ito at mahigpit na niyakap. Sumunod na rin na yumakap sina Kogure, Miyagi at Mitsui na matagal nang namimis ang kaibigan.
"Baka Sakuragi! Di mo man lang sinasagot mga tawag ko!"wika ni Miyagi at marahan siyang hinampas nito matapos yumakap.
"Pasensya na Ryochin, may trabaho kasi ako non....kamusta na kayo....Akagi-senpai.....Mitchi...Megane-kun...?Masaya nitong bati sa kanila.
"Kamusta ka naman Sakuragi? Sa tingin ko wala kaming dapat ipag-alala sayo....mukha kang modelo sa ayos mo...."nakangising wika ni Mitsui sa kanya.
Doon lamang naaalala ni Sakuragi na suot pa rin niya ang damit na ginamit niya para sa photoshoot na nakalimutan niyang hubarin dahil sa sobrang pag aalala at pagmamadali.
"Ah...hehehe...medyo kaylangan lang sa trabaho....masaya akong makita kayo lahat.." Pagkasabi ay dumako ang kanyang paningin kina Rukawa at Sendoh na nasa gilid ng kwarto.
Lumapit siya sa mga ito at nakipag kamay "kamusta na Rukawa-kun, Sendoh-san...."
Nanlaki ang mga mata ng mga ito sa ginawa niyang pagbati sa kanila. Makaraan ay inabot din nila ang kanilang mga kamay at yumakap.
"Ne, Hana-chan...kamusta ka na...laki ng ipinagbago mo..."pilit na ngiti ni Sendoh habang tinititigan ito.
"Ayos lang Sendoh-san....ikaw......kamusta na?" Baling na tanong niya kay Rukawa.
Nabigla ito sa kaniyang tanong na sinagot naman ni Rukawa. "Okey lang .....ikaw kamusta na?"
"Okey lang...Rukawa-kun...." Matapos ay nag ring ang kanyang cellphone.
"Pasensya na sagutin ko lang to..."nagtungo siya malapit sa may bintana at sinagot ang tawag.
"Coach? Wag kang mag-alala maayos na si Anzai-sensei...aantayin ko lang magising siya.....makakarating coach...bukas babalik din agad ako dyan....okey..." Matapos ay bumalik ito upang kausapin ang ginang. Mahina siyang bumulong dito at tango lamang ang sinagot nito.
"Saan ka nga pala nag-aaral Sakuragi...ang dami naming gustong malaman tungkol sayo...pag tinatanong namin 'tong tatlo di naman kami sinasagot." Wika ni Miyagi sabay turo sa tatlo na nasa tabi ng pintuan.
"Ano....nag-aaral ako....sa....." Naputol ang kaniyang sasabihin nang muling nag ring ang kanyang cellphone. Nang mabasa ang pangalan ng caller, isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Tumayo ito at muling nagtungo sa tabi ng bintana ng kwarto.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over