Chapter 43

84 2 0
                                    

Chapter 43

"Patawarin mo ako kung hindi ako nagtapat sa iyo. Naipit ako sa pagitan ninyong dalawa at hindi ko alam kung ano ang nararapat kong gawin." Malumanay na paliwanag ni Shinohara kay Asami, habang ang ilang ay tahimik lamang na nakikinig.

"Kaylan pa...kaylan mo nalaman na kapatid mo siya?"

"Bago mamatay si Liu-san, ang kinilalang ama ni Feilong. Nang mabalitaan niyang nagpakamatay si Feilong, inatake siya sa puso. Bago pa man siya tuluyang malagutan ng hininga...hinabilan niya sa isang abogado na ipadala ang confidential file sa akin na naglalaman ng tunay na pagkatao ni Feilong."

"Alam ba ni Feilong ang tungkol dito?"

"Hindi...at wala pa sa plano ko na sabihin ang lahat sa ngayon. Matanda sakin ng isang taon si Feilong. Namatay ang tunay na anak ni Liu-san sa isang sakit...at nagkataon ng araw na maaksidente kami kasama ang aming mga magulang at isa pa naming kapatid...nadaanan nila kami habang nasusunog ang kotseng sinasakyan namin. Imbes na dalhin ni Liu-san si Mikano, ang tunay na pangalan ni Feilong sa isang ospital kung saan ako dinala ng mga tumulong samin...dinala nila si Feilong sa kanilang bahay upang doon gamutin...at doon niya muling binuhay ang kanyang namatay na anak...sa pagkatao ng kapatid ko." Malungkot na pagkukuwento ni Shinohara. "Nang magkamalay ako sa ospital...ibinalita nila sa sakin na patay na silang lahat..sina mama, papa at mga kuya ko...naabo sila sa sunog nang araw na iyon..." At mahinang hikbi ang kumawala mula sa kanya. Agad na umupo sa kanyang tabi si Youhei at marahan hinagod ang kanyang likuran. "Patawad...Ryuichi...wala akong intensyon lokohin ka."

Lumapit si Asami at marahan humawak sa ulo nito. "Huwag kang mag-alala Mishiro...naiintindihan ko...kapatid kita...at hindi ko magagawang magalit sayo."

"Nang malaman ko iyon...hinahanap ko Feilong. Nag imbestiga ako kung totoo ngang patay na siya. Totoo na nagtangka siyang magpakamatay nang mamatay si Akihito sa isang aksidente na kinasangkutan ninyo. Pero nalaman ko na may isang binata ang nagligtas sa kanya sa tangka niyang pagkakamatay...kaya naman hinahap ko ang lalaki upang tanungin ang kalagayan ni Feilong at para na rin tulungan siya pang pinansiyal..."

"Natandaan mo pa ba ang pangalan ng lalaki, Mishiro-kun." Tanong naman ni Maki.

"Oo...nakiusap ako na huwag ipaalam kay Feilong ang pagpunta ko sa hospital nang araw na iyon. Pinakiusapan ko na siya na kung maari ay huwag niyang ipapaalm sa iba ang nangyari kay Feilong. Bumili ako ng bahay sa Kanagawa upang tirahan ni Feilong...at lihim akong nakikipag-usap sa taong tumulong sa kanya. Nakita ko na unti-unting bumabalik ang sigla ni Feilong...at napuna ko na masaya siya sa piling ng taong tumulong sa kanya. Ngunit lingid kanyang kaalaman ...inalam ko ang pagkatao niya matapos niyang tulungan si Feilong."At sinuyo niya ng tingin ang mga ito. "Nalaman ko na isa siyang estudyante sa inyong unibersidad at isa ring manlalaro ng team ninyo." Lahat ay nagulat sa kanyang mga inilahad at nakaramdam ng takot at kaba.

Lahat ng tingin ay nadako kay Rukawa na nabigla rin sa narinig. "Hn?" Takang tanong nito At nabatid na malamang na pinaghihinalaan siya ng mga ito.

"Hindi siya...hindi si Rukawa-kun..." At tumingin siya kay Sendoh na nag-aantay ng kanyang susunod na sasabihin. "Ang matalik mong kaibigan Sendoh-kun...si Hiroaki Koshino."

At naantala ang kanilang usapan sa biglaang pag-ring ang cellphone ni Asami. "Hello...okey sige...padating na ako......" Wika nito sa kausap sa kanilang linya. Pagkapatay ng cellphone, agad na isinuot ni Asami ang kanyang jacket at nagmadaling lumbas ng bahay. "Natagpuan na nila si Hana..."

-xxxxxxx-

"Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!" Sigaw ng ikalawang lalaki.

"Wala ka ng magagawa Koshino!" At nabigla si Sakuragi sa narinig niyang iyon. Tama...kaya pamilyar ang boses na iyon ay dahil madalas niya iyong marinig nung mga panahon naging malapit siya kay Sendoh. "Iyon ang pinaka magandang planong magagawa natin...sinisiguro kong makikapghiwalay si Asami kay Hana-chan...at pag nalaman ni Rukawa iyon natitiyak kong makikpaghiwalay siya kay Sendoh. At iyon ng pagkakataon mo na oara mabawi siyang muLi. Kapag ginamit natin ang mga hubad na larawan ni Hana-chan laban sa kanilang dalawa...nasisiguro kong ni isa sa kanila ay hindi tatangi...hindi ba?"

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon