Chapter 15
Abala si Youhei sa pagtipa ng keyboard ng kaniyang computer. Maliban sa mga school works, marami siyang nakabinbing 'assignment' mula sa kanyang promotion manager ng Creative department. Masuwerteng nakapasok siya sa kompanyang iyon sapagkat nahahasa ang kaniyang takento. Kahit part time lamang ay pinagkatiwalaan ito ng kaniyang head na umisip at magbigay ng ilang ideya at konsepto sa gagawin nilang proyekto.
"Ne, Youhei, aga mo ata umuwi ngayon o hindi ka pumasok?" Tanong ni Sakuragi habang naghihikab pa at bagong gising.
"Ah, wala pang masyadong gagawin sa station. May bago kasi silang project. Oo nga pala, next week mag audition ka samin."
"Audition? Mag artista? Nyahaha Youhei alam mo naman wala akong hilig dun."
"Baka! Hindi yun! Di ba mahilig ka sa anime? Nangangailangan sila ng voice actor?"
"Voice actor? Teka hindi ata alam ng henyo yun ah?"
"Kilala mo sina Son Goku, si Battousai at Inuyasha....?"
"Aba oo naman! Teka ibig sabihin ako magdo drowing ako?!" At hinila nito ang upuan upang maintindihan ang nais na sabihin ng kaibigan.
"Voice actor, sila yung nagbibigay boses para sa mga anime characters. Di ba mahilig kang magpabago bago ng boses. Tsansa mo na para mging boses ng mga anime."
"Waaaa!! Talaga Youhei, magiging super hero na din ako!" Masayang sabi nito na tila ba nangangarap.
"Oo baka! May gagawin silang tauhan sa anime base sa manga, tapos boses mo gagamitin nila sa pagsasalita. Nakuha mo na? Pero di pa sigurado kung superhero."
"Sige, sige. Gusto ko yan. Teka, teka. Ako ba pipili ng magiging pangalan ko?"
"Di ko alam. Basta pag ikaw ang nagbigay boses sa tauhan sa anime, para ka na ring super hero."
"Ahhhh, sige. Tamang-tama malapit na sembreak."
"Teka, kaylan pala ang tournament nyo? Bakit parang ang tagal pa?"
"Ah, pagtapos pa daw ng sembreak. Hindi daw kagaya sa high school. Tapos sa december ang finals. Magkakaroon daw kami ng practice kaso di pa alam kung kaylan."
"Ahhh.. Teka bakit ang aga mo palang gumising. Maaga pa ah."
"Magkikita kami ni Kiyota. I treat niya ko sa McDo."
"Hmm, tungkol kay Maki-san?"
"Yeye... Ligo na ko." Paalam nito at pumasok na sa banyo upang maligo. Naiwang nag iisip si Youhei kung ano ang pag uusapan ng dalawa.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Oi Sakuragi dito!" Sigaw ni Kiyota kay Sakuragi nang makita itong pumasok ng food chain. Agad naman nitong nakita si Kiyota at nilapitan.
"Yo, anong inorder mo para sakin. Treat mo di ba?"
"Gaya pa rin ng dati. Ano bang pag uusapan natin... Medyo nagmamadali ako. Saka may pasok ka pa di ba."
"Oo mamaya pang alas otso. Gaya ng sabi ko sayo, tungkol kay Shin-chan."
"Kung tungkol kay Maki-senpai, hayaan mo matagal na kong sumuko. Ikaw ang gusto niya. Kahit bulag, makikita yon." Mapait na sabi nito habang kumakain.
"Hindi yun. Alam ko na high school pa lang gusto mo na si Shin-chan. Sa tingin ko gusto ka rin nya. Pasensya ka na kung sakali mang naagaw ko atensyon niya mula sayo."
"Hahaha, anong pinagsasabi mo. Umpisa pa lang napansin ka na niya."
"Hmn, akala mo lang yun. Nag aalala lang siya sayo na baka i headbutt kita. Nyahahaha."
"Okey, okey.... Anong tungkol sa kanya? Di ba matagal nang kayo?"
"Kami, anong kami....walang kami Kiyota. Magkaibigan klang kami."
"Teka, akala ko kayo na. Di ba nga dun ka pa natutulog sa apartment niya, tapos Shin-chan at Hana-chan tawagan nyo.. Wag mong sabihing wala na kayo."
"Hindi yun, magkaibigan lang talaga kami ni Shin-chan. Alam ko na gusto niya ako...pero kaibigan lang talaga tingin ko sa kanya at alam niya yun."
"Sakuragi wag mong sabihin na pinaglalaruan mo lang si Maki-senpai. Ako makakalaban mo." Bigla itong tumayo at sinuntok ang ng lamesa na nakaagaw pansin ng ilan sa mga kumakain.
"Baka! Umupo ka nga at makinig! Tignan mo tinginan tuloy sila." Sabi ni Sakuragi at nguso sa mga nakatingin sa kanila. May mangilan-ngilan na panay ang tingin sa kanila sa simula pa lang nang kanilang pag uusap. Kaya naman pabulong silang nag usap.
"Ang totoo, noon ko pa sinabi kay Shin-chan na di ko sya kayang mahalin. Sinubukan ko naman, kaso di talaga. Alam mo bang mahirap sakin na magkagusto sa iba kasi iniisip ko masasaktan siya. Kaya naisip ko na tulungan ka." Seryosong bulong kay Kiyota.
"May nagustuhan ka na ba?"
"Wala pa. Kasi inaalala ko si Shin-chan. Alam ko na hanggang ngayon umaasa pa rin siya. Kaya nung narinig ko na matutulog ka sa bahay niya sa lunes, may naisip akong plano."
"Plano? Anong klaseng plano yan? Baka naman magalit sakin si Maki-senpai sa plano mong yan." Pagdududa nito sa kanya.
"Kilala ko si Shin-chan hindi yun magagalit. Napaka responsableng tao nun." Lumapit ito kay Kiyota at mahinang bumulong. "Pag nakipag sex ka kay Shin-chan at siya nakauna sayo, sigu........"
"Waaaa Sakuragi anong pinagsasabi mo!" Di pa naman natatapos ang sinasabi ni Sakuragi ay nag react na agad ito.
"Baka!!! Tumahimik ka nga! Umupo ka!" At muli silang tinignan mga tao.
"Akitin mo sya, o kaya maglasing lasingan ka... Basta... Nasa sayo yan kung gusto ko pang palagpasin ang pagkakataon mo kay Shin-chan." Pagpapayo niya dito. "Mahal ko siya bilang kaibigan, at alam ko na ikaw ang makakapagpasaya sa kaniya. Ayaw kong mapunta siya sa taong sasaktan lang siya. May tiwala ako sayo Kiyota."
"Seryoso ka?"
"Pagdating kay Shin-chan, seryoso ako. Kung pwede lang, kung kaya ko lang na mahalin siya di sana hindi na kita kinausap."
Nang marinig ang pahayag na iyon ni Sakuragi ay nagliwanag ang mukha nito. Maaaring tama ito. Noon pa man ay mahal na mahal na niya si Maki, at akala niya ay ganun din ito sa kanya.
Nang mag aral ito sa college, madalas siya nitong tinatawagan at kinukumusta mula sa Tokyo. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang sophomore year, unti unti itong nagbago ng pakitungo sa kanya at madalas niyang makita na kasa-ksama ito ni Sakuragi tuwing sembreak at kanyang pinagselosan.
Nang matapos ang Inter High at Winter Cup ay sumama ang loob niya dahil sa suportang binibigay niya kay Sakuragi, na dapat sana'y para sa kanya.
Magkaganun may, pinili pa rin niyang sumunod kay Maki sa Tokyo para mag aral at nagbabaka sakali na magbalik ang dati nitong pagtingin sa kanya. Ngunit laking gulat niya na malaman na nakapasa sa entrance exam si Sakuragi sa nasabing unibersidad. Maliban pa sa pagiging scholar nito ay sumali rin ito sa basketball team. Dahil doon ay nag umpisa na siyang mawala ng pag-asa at nagbigay daan para sa dalawa.
At ngayon, mismong si Sakuragi, na kaniyang pinagseselosan at itinuring na karibal ang nag alok ng tulong upang mapalapit mahalin siya ni Maki.
At ngayong ito na mismo ang nagsabing wala silang relasyon at magkaibigan lamang, nabuhay na muli ang pag-asa sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over