Chapter 12
Kasalukyang abala si Noma sa pagtulong sa kanyang ama. Mayroon silang maliit na sushi shop na di kalayuan sa Kanagawa College. Karamihan sa mga customer ay mga estudyante ring tulad niya.
"Yo Noma!" Bati ng bagong pasok na si Mitsui kasama si Miyagi at ilang member ng basketball team.
"Magandang hapon Noma-san, Noma-kun." Magalang na bati ni Kogure.
"Oi Mitchi! Ryochin, Megane-kun...minna... Tuloy, tuloy kayo. May bakante dun sa bandang dulo. Feel at home. Tatapusin ko lang to."
Nang nakita ang sinasabing pwesto, agad naman silang naupo at nag antay ng kanilang kakainin. Tulad nang dati, alam ng mag-ama kung ano ang kakainin nila sa tuwing napapadaan sila sa shop.
"Noma, tumawag si Hanamichi kahapon." Pahayag ni Miyagi.
"Ah, oo alam ko. Nabanggit nga niya na tatawagan ka raw niya. Yung para pala sayo, ito." Bigkas nito at sabay abot ng sobre matapos nitong ilapag ang pagkain.
"Ah, naalala ko Chuichirou, kamusta na nga pala sa Tokyo sina Hana-chan at Yo-chan." Tanong naman ng ama ni Noma na kasalukuyang gumagawa ng sushi.
Di malaman ni Noma ang isasagot lalo na't nasa harapan niya sina Miyagi, Mitsui at iba pa na matagal nang nagtatanong kung nasan ang kaibigan.
"Noma-san, maayos naman daw siya sa Tokyo. Alam nyo ba ang eksaktong adres nya doon. Gusto sana namin siyang dalawin." Pagkukunyaring sabi ni Mitsui na matalas na tumingin kay Noma.
"Oo nga Noma-san, na miss n rin namin si Hanamichi at Mito. Di namin alam kung san sila nag aaral." Si Miyagi na nakangisi kay Noma.
"Ah, naku yan ang hindi ko alam. Isang araw bigla na lang nagpaalam sakin ang dalawa na pupunta daw sila ng Tokyo. Inihabilin ang bahay niya. Hindi ko pala naitanong kung mag aaral ba sila. Chuichirou, saan nga ba nag aaral ang dalawa?"
"Hehe, hindi ko rin alam otoosan. Hindi nila binanggit sakin. Basta sabi lang nila na sa Tokyo sila lilipat.." Nang marinig ang sagot ng kanyang ama ay nabawasan ang kaba nito sa dibdib. Dismayado naman ang grupo dahil kulang ang impormasyon na kanilang nakalap.
"The best tlaga ang sushi niyo Noma-san."
"Hahaha, naku mabuti naman at nagustuhan nyo, si Chuichirou ang gumawa nyan para sa inyo."
"Wow talaga! Hindi ko alam Noma-kun na mahusay ka palang gumagawa ng sushi."
"Ang totoo, mas mahusay pa siyang gumawa ng sushi sakin. Kung andito lang sana si Hana-chan, sigurado ko na mahahasa din ang talento niya sa paggawa ng sushi. Oi Chuichirou, minsan pag tumawag si Hana-chan, sabihin mo na bumalik na dito sa Kanagawa."
"Hai hai, otoosan!"
"Pero ayon sa huli kong narinig, minsan nag part time job din siya sa isang sushi shop doon."
Matapos ay nagmadali na siyang lumayo sa grupo upang maiwasan pa ang maraming tanong. Di niya inaasahan na biglang magtatanong ang mga ito sa kanyang ama na walang alam sa mga nangyayari.
Ilang araw matapos malaman ang resulta ng entrance exam sa Tokyo University, nagpasya sina Sakuragi at Youhei na lumipat sa Tokyo pagkatapos ng graduation sa Shohoku. Iilan lamang ang nakakaalam ng kumaha sila ng exam doon. Maging siya, si Takamiya at Ohkusu ay kumuha rin ngunit hindi sila nakapasa.
Bagamat malungkot, ay masaya nilang inihatid ang dalawa dala ang ibang gamit ng mga ito. Walang sinuman sa mga dating ka team mate ni Sakuragi ang nakakaalam kung saan nga ba ito nangtungo.
Matapos ang Inter High at Winter Cup, kung saan itinanghal na MVP si Sakuragi, maraming unibersidad ang nag alok ng scholarship dito. Ngunit naipasya nitong mag aral sa isa sa pinamalaki at sikat ng unibersidad sa Japan, ang University of Tokyo, na mas kilala sa tawag na Tokyo Uni.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over