Chapter 14
Katatapos lang ng kanilang practice. Habang ang ilan ay naiwan upang maglinis ng gym, ang iba naman ay nagtungo na sa locker room para maligo.
"Ne, Shin-chan. May problema ba? Parang wala ka sa mood kanina pa. May nangyari ba?" Tanong ni Sakuragi nang mapansin na wala itong kibo simula pa nang practice.
"Ayos lang ako Hana-chan."
"Sigurado ka?"
"Okey lang ako Hana-chan, pagod lang siguro ako. May pasok ka ba ngayong gabi?"
"Meron, diretso nga ako ngayon dun pagkatapos kong maligo."
"Maaga pa."
"Imbes na umuwi at matulog sa bahay, doon na lang. Nagpaalam ako sa manager kung pwede akong makitulog sa quarter's room. Baka kasi ma late ako pag sa bahay ako matulog. Wala si Youhei para gisingin ako."
"Sa bahay ka na matulog. Ako na gigising sayo pag oras na."
"Okey lang ba. Baka kasi busy ka. Di ba darating mentor mo ngayon."
"Isang oras lang naman siya sa bahay. At saka sa sala kami nag le lecture."
"Okey sige." Nakangiti nitong tinanggap ang alok at pumasok na sa shower booth para maligo.
"So, okey na pakiramdam mo Shinichi-kun." Nakangising biro ni Fujima na nginitian lamang niya.
"Iba talaga ang karisma ng nag iisang Hana-chan. Napapangiti kahit bato." Singit naman ni Hanagata.
"Maki-senpai. Pwede ba akong sumama sa bahay mo?" Si Kiyota.
"Pasensya na Nobu-kun. May lecture ako ngayon. Makikitulog lang si Hana-chan. Aalis din siya sa gabi para mag trabaho."
"Hmppp!" Padabog ni Kiyota bago ito maligo.
"Sa lunes, tulog ka sa bahay!" Pahabol nitong anyaya sa nagtampong kouhai.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Pagkatapos kumain at magligpit ng pinagkainan, isinama ni Maki si Sakuragi sa kanyang kwarto.
"Hana-chan, nasa unang drawer ang pajama ko, gamitin mo. Matulog ka na."
"Di ba ka matutulog?"
"Hindi. Mamaya lang darating na mentor ko. Matulog ka na. Anong oras ba kita gigisingin?"
"Alas siyete. Alas otso pasok ko. Tulog na ko Shin-chan." Paalam nito magtapos magpalit ng damit. Marahan nitong dinampian ng halik sa pisngi si Maki.
Kahit hindi nito sabihin, alam niyang may dinaramdam ang kaibigan. Halos mag-iisang taon na rin ang nakaraan nang maging kaibigan niya ang dating captain ng Kainan. Noong una ay alangan siyang tanggapin ang pakikipag kaibigan nito ngunit sa huli ay natutunan niya itong pagkatiwalaan. Matapos ang insidente nung isa taon, naging isa ito sa naging hingahan niya ng sama ng loob. Maliban kay Youhei, ito sa nagpayo sa kanya na subukang mag exam at mag-aral sa Tokyo.
Npakalaking tulong ni Maki sa kanya upang makabangon at magsimulng muli. Matapos ang pakikipag hiwalay niya kay Rukawa, ito ang nagbigay ng lakas ng loob at payo sa kanya na mangarap para sa kaniyang kinabukasan. Bukod pa roon, tumulong din ito sa paghahanap ng matitirahan sa Tokyo, na malapit lamang sa kanilang unibersidad. Tinanggihan niya ang alok nito sa tumira sa kaniyang apartment dahil ayaw niyang makabigat pa sa kanyang senpai. Ang mga payong naibigay nito ay sapat sa kanya.
"Kamusta Maki-kun. Matagal din tayong hindi nagkita. Last week binista namin ang Dad mo."
"Nabanggit nga niya nang tumawag siya. Kamusta ka naman Mishiro-kun-?"
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over