Chapter 38

107 1 0
                                    

Chapter 38

Nagising siya sa mainit na hininga mula sa kanyang tabi. Napangiti siya nang makita ang katabi na payapang natutulog habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Matama muna niya itong pinagmasdan ang marahan hinaplos ang maamong mukha nito.

Matapos ay dahan-dahan siyang bumangon upang abutin ang kanyang cellphone sa katabing drawer upang tignan ang oras. Bigla niyang naisip na kunan ito ng litrato habang natutulog. Hindi araw-araw ay may pagkakataon siyang pagmasdan ito habang payapang natutulog.

Makailang beses niya itong kinunan ng litrato bago ipinasyang tignan ang kanyang cellphone upang makita ng mga litrato.

Nakangiti siya habang tinitignan ito nang bigla siyang hatakin ni Asami at ikinulong sa kanyang mga braso. "Di mo ba alam na hindi magandang kuhanan ng litrato ang mga taong tulog..." Tanong nito at mabilis na pumaibabaw sa kanya.

"Eh...pasensya....ano...kasi....hehehe." Kinakabahang sagot niya.

Bahagyang dumiin sa kanya si Asami at masuyong dinampian ito ng halik sa kanyang pisngi. "Ohayou...Hana...." Wika nito sa nagulat na lalaki. Matapos ay inagaw nito ang cellphone at nahiga sa tabi nito. "Gusto ko may kuha tayong dalawa...at walang ibang makakakita." Inilagay niya ang kanyang kanang braso sa ulunan nito at itinapat ang cellphone sa kanila. Matapos ay nagliwanag ito tanda na nakuhanan na sila ng litrato.

Nakangiting tinignan ni Sakuragi ang kuha nilang dalawa at tumawa ng malakas. "Nyahahaha....halatang bagong gising ka Ryu..."

Muli itong pumaibabaw sa kanya ang mas nakakatanda at taas kilay na nagtanong. "Bakit?"

Namula ito sa tanong niya at umiwas ng tingin. "Ano kasi...yung buhok mo...magulo."

Hinawi ni Asami ang kumot at tumayo patungong banyo upanh tumingin tumingin sa salamin. Doon lamang nila naaalala na kapwa sila walang saplot kaya naman bumalik ito sa kinahihigan ni Sakuragi at hinila rin ito patungo sa banyo. "sabay tayong maliligo...."

"Eh?! Teka Ryu...kaylangan na nating umalis at magpunta na hospital....ano...kasi may pasok ako ngayon..." Kinakabahang wika nito habang kaladkad siya ni Asami patungong banyo.

"Alam ko.......maliligo lang tayo di ba?" Seryosong tanong nito at ngumisi.

Namula ito at yumuko. " hehehe...tama maliligo lang tayo." Sabay kamot sa ulo.

Mahigpit na hinawakan ni Asami ang magkabila niyang kamay at isinandal sa pader ng banyo. Tumitig ito sa kanya at ngumiti. "Paliliguan kita....ng halik....bilang parusa....." At nagsimula itong halikan siya simula sa labi patungo sa kanyang leeg......

"Ah......hindi.....male late na akooooo!!!"

Xxxxxx

Kasaluyukang nakaupo si Anzai-sensei sa kanyang kama nang isa-isang nagsidatingan ang kanyang mga dating estudyante. "Ho ho ho...ang aga ninyo atang bumisita ngayon. May pasok kayo di ba?" Tanong niya sa mga ito.

"Oo Anzai-sensei, kaso gusto muna namin dalawin ka bago kami pumasok." Sagot ni Akagi. "At isa pa...ngayon ang balik ni Sakuragi at nangako siyang bibisitahin ka bago siya bumalik ng Tokyo..."

"Ho ho ho...ganun ba....natutuwa ako na kahit abala siya ay nadalaw niya ako. Masayang sagot nito sa datung kapitan ng Shohoku team. Ilan lamang sa mga narooon ay sina Mitsui, Miyagi, Kogure, Ayako, Haruko.

Matapos ang ilang minuto nang masayang pag-uusap, dumating si Sakuragi kasama ni Youhei, Shinohara at Asami.

"Ohayou Anzai-sensei...kamusta na pakiramdam mo?.." Tanong ni Sakuragi at inilapag sa katabing lamesa ang dala nitong basket ng prutas.

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon