Chapter 36

102 1 0
                                    

Chapter 36

Flashback Part 1

"Minna....." Hinahingal na tawag ni Hikoichi sa kanyang mga ka team mate. "Narinig nyo ba...totoo ang tsismis!"

"Maa, maa, Hikoichi-kun....anong tsismis naman yun?" Tanong ni Sendoh sa kanyang kouhai.

"Ang tsismis....totoo pala yun...totoong may relasyon sina Sakuragi-san at Rukawa-san.....

Nabitiwan ni Sendoh ang bolang hawak niya habang ang iba naman ay nagulat sa balitang hatid nito.

"Teka......mismong si Hana-chan ang nagsabi sakin na wala silang relasyon ni Rukawa...malabo naman ata yun...." Wika ni Sendoh.

"Totoo Sendoh-san...mismong ang ate ko ang nagsabi nang na interview nila ang mga ito sa nalalapit na Inter High. Mismong silang dalawa ang nagsabi."

Mabilis na nanakbo si Sendoh papalabas ng gym. "Kakausapin ko si Hana-chan...." Sigaw nito sa mga naiwang ka team mate, habang ang mga ito ay nakatanaw at tulala na lamang sa kanya.

"Ang totoo nyan....medyo dismayado ako. Kasi ang akala ko....ang totoo nyan....boto ako kay Sakuragi-san para kay Sendoh-san....inaasahan ko na balang araw magiging maganda ang tandem nilang dalawa. Nabigla ako nang ibalita sakin ng ate ko." May pagdismayang wika ni Hikoichi.

"Hikoichi,..sana man lang naghinay-hinay ka...alam mo naman kung gaano yon makaka apekto kay Akira. " wika ni Koshino habang nakatanaw sa pinto ng gym.

Xxxxxxxxxxxxxxx

Pasandal na nakatayo si Sendoh nakatayo sa entrance ng Shohoku habang nakapamulsa. Mangilan-ngilan sa mga kababaihang nagdadaan sa kaniyang harapan ay palihim na sumusulpyap at nangingiti na makita siya.

Masayang naglalakad ang dalawa habang magkahawak kamay. "Ne, Kaede...anong oras tayo magkikita mamaya sa court?"

"Alas kwatro." Matipid na sagot nito.

"Okey..."nakangising wika nito. Namilog ang kanyang mga mata nang makita sa gate ang kaibigang point guard ng Ryonan. "Akira!!!" Masaya itong yumakap sa kaibigan na mabilis din naman inilayo ni Rukawa.

"Wag mo siyang yakapin ...Hana..." May pagbabantang wika nito.

"Hahaha...Rukawa...so totoo pala ang balita. Sa katunayan nagpunta ako para i congratulate kayong dalawa." Pilit na ngiti na sabi nito. "Ano kaya kung kumain tayo...sagot ko..."

"Hn...."taas ang kilay na bulong ni Rukawa.

"Hehe...pasensya na Akira. Ang totoo nyan pauwi na kami ngayon....tapos mamaya magkikita kami sa court. Kung gusto mo laro tayo. Sama ka na ngayon sa bahay..."

"Sure...kung okey lang kay Rukawa..." Baling ang tingin niya kay Rukawa na humihingi ng permiso,

"Okey lang yan Akira...di ba Kaede.." Ngiting wika nito sa dating karibal na ngayon ay kanya nang kasintahan.

Una na muna itong tumingin sa kanya bago ibaling ang matalas na tingin kay Sendoh. "Okey lang...pero saglit lang..."

"Hahaha...don't worry Rukawa....parang kapatid ko na si Hana-chan....wala kang dapat ikatakot." At mabilis itong umakbay kay Sakuragi habang nakangisi.

"O sya tara na.... Ja Kaede...mamaya na lang ulit...."

Zzzzzz

"Hmmmm....Sarap talaga ng luto mo Akira. Dami kong nakain." Masayang wika ni Sakuragi habang hinihimas ang kanyang tiyan sa kabusugan.

"Basta ikaw Hana-chan....teka...di ko pa pala narinig mula sayo...talagang kayo na ni Rukawa?"

"Ano....umm...oo ang totoo nyan ako mismo ang nagtapat sa kanya....natakot nga ako na baka tawanan niya lang ako....buti na lang ganun din siya nang nararamdaman para sakin..." Namumulang sabi nito.

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon