Chapter 3
Talbog ng bola. Ingay ng rubber shoes. Mga pawisang manlalaro. Bawat manlalaro ay kani- kaniyang ensayo. Ito ang araw ng try-out kung saan magpapakilala ang mga bagong member na nagnanais na maging member ng sikat na basketball team ng Tokyo Uni.
Ang Tokyo Uni ang pinakamalakas ng college team sa Japan. Sa mga nakalipas na taon, napanatili ng unibersidad ang pagiging number one nila sa Japan, kung kayat masusi at mapili ang kanilang pag iisscout sa mga high school player na nakitaan nila ng kagalingan sa paglalaro. Maraming manlalaro ang nagnanais na maging member nito, ngunit sa huli dahil sa matinding ensayo at tanging mahuhusay lamang ang natitira.
Hawak na kanilang manager na si Nagi Ueki ang application form ng mga nais na mag try out sa kanilang basketball club. Sa kasalukuyan ay may labing limang aplikante ang nais na mag try-out. Isa isa niyang binasa at pinag-aaralan ang detalyeng nakasulat sa form. Isang pangalan ang nagbigay ngiti sa kaniyang mga labi at kislap sa makapal niyang salamin.
'Hmmm, sinong mag aakala na dito siya mag aaral' bulong ni Ueki sa sarili.
"Ueki-kun, ilang ang mga mag ta try-out ngayong taon. May mahusay na aplikante ka bang nakita? Mukhang masaya ka ha" tanong ni Sagawara habang nagdi dribol ng bola.
"Meron, pero di ko muna sasabihin Captain!" Pahayag ni Ueki sabay taas ng kaniyang salamin.
Napalingon ang ibang member ng basketball sa pahayag na ito ni Ueki, kaya ang makulit na si Sawakita at Kikomoto ay lumapit kay Ueki upang kulitin ito. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay dumating na ang kanilang coach. Si Coach Mifune Saito.
"Minna!" Sigaw ni captain Sagawara at nagsilapit ang mga miyembrro ng team.
"Okay ngayon ang try-out ng mga freshmen kaya inaasahan ko ang maayos at tahimik nyong pakikipag cooperate sa akin. Walang magulo at pasaway! Tandaan nyo, tayo ang number one sa Japan. Kaya dapat ipakita nyo ang displina sa mga newcomers! Maliwanag!?" Pahayag ng Coach habang naglalakad at iniisa isang tinitignan ang bawat member na tila militar commander.
"Ngayong taon, marami tayong baguhang aplikante, at inaasahan ko na karamihan sa kanila ay magtatagal at patuloy na magbibigay tagumpay sa ating team. Kaya kayong mga senior, inaasahan ko na gagabayan nyo ang mga baguhan. Maliwanag!?"
"Sir yes Sir!" Sagot ng lahat.
Simula ng naging Coach Saito ng Tokyo Uni, naging patuloy ang kanilang pangunguna sa bansa dahil sa kaniyang paniniwala na ang tagumpay ay nagsisimula sa displina. Kaya naman ang mga member nito ay ng eensayo na tila bang sasabak sa gyera. Bukod pa roon, inoobliga nya rin ang bawat member na maging hati ang kanilang atensyon sa pag aaral at basketball. Kaya naman bawat member ay nagpapasa ng kanilang class schedule sa coach upang maisaayos ang oras ng kanilang club practice.
Isa iyon sa mga bagay na hinahangaan hindi lamang ng mga estudyant kundi pati na rin ng kapwa niya guro. Dahil maliban sa pagiging atleta, isa sa requirements upang maging member ng kanilang team ay ang pagkakaroon ng mataas na grado sa pag aaral. Kaya ang member ng Tokyo Uni ay hindi lamang mahusay sa paglalaro kundi isa sa matatalinong estudyante ng unibersidad.
"Ueki-kun, maari ko bang tignan ang mga applicaiton form?"
"Hai Sensei!, sabay abot ni Ueki sa coach.
Matapos isa-isang basahin ang mga pangalan ng aplikante, ay marahan niyang hinugot ang huling form. Kinuha, itiniklop sabay ibinulsa, matapos ay ibinalik ang folder kay Ueki.
Napansin ito ni Ueki, sigurado sya na ang form na kinuha ng coach ay ang application form ng taong nagbigay interes sa kanya. Dahil dito ay napaisip siya kung bakit ito ini withdraw mg coach.
Bumukas ang pintuan ng gym. Pumasok ang mga newcomers. Magkahalong kaba, tuwa at takot ang kanilang nararamdaman ng mga oras na iyon. Isa sa karangalan ang makapasa at makapag aral sa naturang unibersidad. At ang maging regular member ng basketball team ay isa rin sa hinahangad ng bawat college basketball player ng Japan.Kabilang sa mga baguhan ay ang pasaway na kohai ni Maki, si Nobunaga Kiyota.
Sa kabilang banda, napansin ng mga regular members ang pagbabago ng mood ng kanilang butihing coach. Napansin nila ito matapos nitong i withdraw ang isang application form ay napabuntung hininga ito ng malalim at maya-maya pa ay ngumiti ito. Dahil sa malalin na nag-iisp ng coach, hindi niya napansin ang tingin at bulungan ng mga manlalaro.
'Bakit kaya kinuha ni Coach ang form na yun, ibig kayang sabihin di siya sasali sa aming team?' sa isip ni Ueki.
Marahang lumapit si Sagawara at Maki kay Ueki at bumulong ang una. " Nagi-chan, anong nangyari kay Coach? Pansin mo ba kinuha niya ang isang form. Tanda mo ba kung kaninong form yun?"
"Hmm, di kaya iyong ang sinasabi mong aplikante ha Ueki-kun." Si Maki, habang nakatingin sa coach.
"Kilalang-kilala mo yun Maki-san. Di ko lang sure kung bakit kinuha ni Coach. Disqualified ka siya?." Sagot ni Ueki.
"Hmmm... Wag kang mag alala, Sagawara-san, Ueki-san., mamaya malalaman ko kung bakit. Kilala ko na sinasabi mo." Sabay kindat sa dalawa.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Matapos ang pagpapakilala ng mga nais mag try out para sa basketball. Inatasan agad ni Coach Sakano na maglaro ang mga freshmen laban sa mga 2nd year. Walong freshmen ang nais mag try out kabilang si Kaede Rukawa at Oda ng Takezono.
"Ok! Freshmen team Rukawa, Mikaya, Akino, Kisa at Oda ang maglalaro, ung tatlo mamaya sub kayo. 2nd year. Sendoh, Taiga,Ueno, Kanako at Miyagi kayo ang maglalaro. Ang iba pratice sa kabilang court" pahayag ng Captain ng team. Captain Suzuki.
"Ne Kaede, give me your best shot!" Wika ni Sendoh sa ay kindat sa ice prince.
Nakita ito ng ibang manlalaro at ni Haruko. Labis siyang naiinis sa lantarang pakikipag 'flirt' ni Sendoh kay Rukawa.
Habang naglalaro ang iba, masusi namang itinatala ni Hikoichi ang mga data na kanyang nakalap mula sa mga baguhang manlalaro. Si Hikoichi ang naatasang maging co manager ng team. Dahil sa nais ni Ayako na makapag focus sa kanyang pag aaral, ipinakiusapan nya si Hikoichi na tulungan siya sa pagma manage ng team nang mabalitaan sa Kanagawa College ito mag aaral.
Si Haseyo Suzuki sa na nasa huling taon sa kolehiyo ay piniling maging co-captain si Akagi sa paniniwala sa kakayahan nito sa pamumuno sa team. Habang ang vice captain ng team na si Ichiro Kagami ang mismong nag rekomenda sa captain na gawing co captain si Akagi.
Sa pagsisismula ng laban naging patas ang naging score ng dalawang ngunit sa huli ang mga 2nd year ang nanalo.
Isa isa nang nagsipuntahan ang bawat member sa locker room upang mag shower. Nang mapansin ni Oda na magka hawak-kamay sina Rukawa at Sendoh, nais niya sana itong sitahin at tanungin ngunit agad naman itong pinigilan ni Mitsui kasama si Miyagi at Koshino.
"Hayaan mo na sila Oda. May sarili silang mundo" pahayag ni Mitsui sa takang tingin nito.
"Pero bakit, di ba sila ni Sakuragi. Anong nangyari? Totoo bang bigla nawala si Sakuragi dahil sa kanila. Magkaibigan kayo di ba. Bakit hinayaan niyo lang!"
"Walang nakakaalam ng tootong nangyari Oda-kun. Kahit si Hanamichi walang pinaliwanag samin. Kaya wala kaming karapatang makialam. Ang alam na lang namin isang araw bigla na lang siyang nawala na parang bula. Pagtapos ng Winter Cup ang alam namin sila Rukawa at Sendoh na."Pagpapaliwanag ni Miyagi.
"Anong klaseng kaibigan kayo kung wala kayong alam!" Pasigaw ni Oda sabay hablot ng kaniyang bisig na hawak ni Mitsui. Padabog itong naglakad patungo sa locker room.
Nagkatinginan lamang ang tatlo. Agad namang lumapit si Akagi sa grupo nang marinig ang pagtatalo. "Wag ninyong pansinin. Gusto ko mag focus kayo sa games. Wala tayong alam sa nangyari kaya wala tayong sasabihin" bakas sa mukha ni Akagi ang lungkot habang nagpapaliwanag.
Sa pagtatapos ng sophomore year ni Sakuragi at Oda ay naging malapit ang dalawa dahil sa isang insidente. Nagkataon na pauwi ang team ni Oda mula sa isang practice game nang harangin ito ng ilang goons. Pauwi noon sina Sakuragi at Youhei mula sa kanilang part time job. Nakisali sila sa 'munting away' na nagligtas sa buong team ni Oda. At simula noon naging malapit ang dalawa at umani naman ng respeto si Sakuragi sa kalabang team.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over