Chapter 41
Bago ganapin ang pinaka-aabangan nang lahat, ang paglabas ni 'Yuki', nauna na munang ginanap ang pagpapangaral sa mga nagsipagwagi sa naturang tournament. Unang binigyan ng pangaral ang pumangatlo sa pinakamahusay ng team sa labanan, ang Kanagawa College. Sunod dito ay ang Osaka College at ang kampiyon, ang Tokyo University.
Ang team captain ng The University of Tokyo mas kilala sa Tokyo Uni na si Kenichi Sagawara ang pinarangalng bilang MVP of the Year sa ikatlong pagkakataon. Si Hanamichi Sakuragi naman ay itinangal na Rookie of the Year sa naturang labanan.
Kung dati-rati, ang espesyal na parangal na 'Darling of the Crowd' ay ipinagkakaloob sa isang manonood na may natatanging karisma sa lahat, ngayong taon ang parangal na iyon ay pinagkaloob, walang iba kundi kay Sakuragi na umani ng malakas na tilian at sigawan mula sa mga manonod lalo na sa mga kababaihan.
Inihayag ang Top Five Players ng naturang tournament, una ay si Sagawara sunod si Sawakita ng Tokyo, ang nagngangalang Miyata ng Osaka, ang team captain ng Kanagawa na si Suzuki at ang huli si Sakuragi na mula rin sa team ng Tokyo Uni.
Matapos ang pagpaparangal, isa-isang nagsibalikan ang bawat manlalaro sa kanilang locker habang ang iba ay nagsibalik sa kanilang mga kinauupuan. Kapansin-pansin na bigla ang dagsa ng iba pang mga manonood at ilang cameraman at reporter mula sa ibat'-ibang tv station.
"Aya-chan...pansin mo ba...pati sa ibang tv station nakidayo sa pagpapakilala kay Yuki...ganun ba talaga siya kasikat?" Tanong ni Miyagi at ininguso ang mga reporter sa gilid ng gym nag-aabang sa paglabas ng kontrobersyal na si 'Yuki'.
"Aba oo naman...dahil yung mga kanta niya ang pinakamabilis na nag top sa chart...at saka may usap-usapan na siya ang kakanta ng bagong theme song ng 'Dark Moon' kaya siguro sila andito...at isa pa..finals ngayon."
"Tsk...wala naman sila kanina dito...ngayon lang nung inanunsyo yung si Yuki...siguraduhin lang nila na hindi mukhang paa yang Yuki na yan!" Sabat naman ni Mitsui habang nakangisi.
Mabilis ang pagsasaayos ng grupo para sa pagtatanghal ni 'Yuki. Isang malaking monitor ang inilabas maliban pa sa monitor na sadya nang matatagpuan sa naturang stadium. Abala ang ilang crew na sa tingin nila ay mula sa Asahi, sa pag-aayos ng mumunting stage na may mga intrumentong pang banda.
Makalipas ang halos isang oras na paghihintay ng mga manoonod, bahagyang dumilim ang stadium. Sa malaking monitor, makikita ang anime character ni Yuki na masayang nakangiti. Nakasuot ito ng hapit na sleeveless shirt, hapit at kupas na pantalon. Ang rubber shoes naman na suot nito ay tumagma sa mahaba at mamula-mula nitong buhok nito.
Matapos, isang larawan muli ang lumabas sa monitor. Unang ipinakita ang hubad na kayumanggi, matipuno at perpektong abs nito, padako sa kanyang malapad na balikat, sa mala-kulay kapeng mga mata...manipis at mamula-mulang mga labi, patungo sa ilong. Sunod ay ang bandang ibaba ng katawan nito na nakasuot din ng hapit na pantalon, suot ang rubber shoes na kahawig ng anime character.
Sa kabilang parte ng monitor, ipakita ang larawan ng sikat at magandang si 'Sakura-chan' na ikinataka nang lahat. Unti-unti...ang mukha ng misteryosong lalaki ay inilantad.
Lahat ay nabigla, natulala, natahimik, namula, natuod at nahulog sa kani-kanilang mga kinauupuan.
Hindi nila sukat akalain na ang kinikiala nilang si 'Hana-chan' ay ang misteryosong si 'Yuki' na matagal nang minimithi na makita at makilala nang lahat...at bukod pa roon...ang hinahangaang nilang misteryosang si Sakura-chan ay wala ring iba kungdi si Hanamichi Sakuragi, ayon na tin sa pagkakasulat sa monitor.
"Bakit di ko napansin na magkahawig nga pala si Sakuragi at Yuki?" Tanong ng nabiglang si Ayako.
"Su...sugoi...magka mukha talaga silang dalawa!" Sambit ni Haruko na may mala-pusong hugis ang mga mata. "At si... Sakura-chan...ang babaeng bersyon ni Sakuragi-kun...napakaganda!" At kinilig ang ilang sa mga kalapit ni Haruko nang marinig ang kanyang pahayag.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over