Chapter 33
"Anong ibig sabihin nito? Blackmail Kihano-san?" Seryosong tanong nito sa photographer na nasa kanyang opisina nang hapong iyon. Matama niyang pinagmamasdan ang kanilang litrato ni Sakuragi sa isang sushi shop.
"Hahaha...Mr.President...anong klaseng hinala yan? Regalo yan mula sakin..." Pangiting sagot ng photographer nito. "Ang totoo nyan iniaabot ko ang ilang kopya kay Sakuragi-kun kanina bago ang photo shoot.
"Para saan?"
"Asami-san....di ako bulag para di makita ang kakaibang chemistry niyong dalawa. Photographer ako....at kaya ko rin bumasa ng emosyon ng ibang tao...kahit walang camera..."
"Hn?" Taas kilay lamang ito sa naging sagot sa kanya ng batikang photographer.
"Alam nating pareho na ikaw ang nasa likod ng lahat ng maganda ng nangyayari sa career ni Sakuragi-kun. Ang totoo nyang hanga ako sa kanya...napaka natural niya sa lahat ng bagay na ipinagagawa mo sa kanya. At alam kong na tama ng desisyon mo para sa kanya,...."
"Walang siyang alam tungkol dun...."nabigla man sa naging pahayag nito ay kalmante pa rin niya itong sinagot.
"Wag kang mag-alala Asami-san. Ang totoo nyan tungkol sa kanya ang ipinunta ko dito."
"Anong tungkol sa kanya?"
"Nakita mo na ba ang ibang picture niya?"tanong nito at iniabot ang envelope na may mga litrato.
Inisa-isang tignan ni Asami ang mga litrato na binigay sa kanya ng photograper. Ang mga iyon au kuha nun araw ng photoshoot ni Sakuragi kasama ang sikat na aktor.
Sa mga litrato, ilan roon ay solong kuha ni Sakuragi habang naka anyong babae at nakasuot ng kimono. Ang ilan naman ay mga panakaw na kuha nilang dalawa habang magkatabi at nag-uusap. Wala sa sarili, napangiti siya nang makita ang isa sa mga litrato na parehas silang nakangiti habang magkausap.
Nadako ang kanyang tingin sa isa sa mga litrato ni Sakuragi kung saan nakadamit pang lalaki na ito. Suot ang isang hapit na puting t-shirt at hapit na pantalon may bahagyang punit sa bandang hita na patayo siyang nakasandal sa pader habang nakapamulsa. Seryoso itong nakatingin sa kanyang kanan gawi.
"Ito ba?" Tanong ni Asami at marahan inisusog kanyang harapan ang nasabing litrato.
"Yan nga...kanina lang yan bago siya umalis. nakiusap ako na kunan ko siya ng litrato . Nakita ko na may talent sya sa pagpo pose. Natural na lumalabas sa kanya ang emosyon na gusto kong ipagawa sa kanya."
"Ibig sabihin....gusto mo siyang mag model?"
"Tama...ang totoo nyan kinausap ko siya...maging si Hikari-san ng creative...naintindihan ko na hindi siya pwedeng lumampas sa napagkasunduan nila ni Sakuragi-kun..."
"Alam mo pala...."
"Hahaha....ang totoo nang kinausap ko sila....napag-usapan namin na pwede namin gamitin ito para sa anime drama niya kung sakaling dumating ang panahon na kaylangan na niyang lumantad,....di siya pwdeng magtago habang buhay...at alam mo yan Asami-san...."
"Di pa sa ngayon...Kihano-san....ayaw kong makaabala yun sa pag-aaral niya..."
"Alam ko....pero di naman malaking kaabalahan yun sa kanya kung ilalabas ko ang mga litrato niya pagkatapos ng kanyang tournament...nalaman ko kay Hikari-san na handa si Sakuragi-kun na lumantad makatapos lang ang tournament niya. Ano sa tingin mo Asami-san?"
"Si Sakuragi-kun ang magdedesisyon nyan..."
"Hahahah....ang totoo pumayag siya na maging model ko....di mo ba alam na maraming endorser ang interesado sa kanya bilang si Sakura-chan...nang binanggit ko sa kanila na lalaki ang modelang yun...wala silang pakialam...basta gusto nila siyang kuning endorser...anong masasabi mo dun?"
"Wala ako sa posisyon para dun......"
"Mismong si Sakuragi-kun ang nagsabi na kung papayag ka...walang problema sa kanya..."
Bagamat nagulat sa narinig, may halong saya ang kanyang nararamdaman na marinig iyon. "Ako? Bakit daw?"
"Malaki tiwala sayo ni Sakuragi-kun...Asami-san...at pareho tayo nang gustong mangyari....tiwala ako na malayo ang mararating ni Sakuragi-kun kung ngayon pa lang ay uumipisahan na natin siyang i build-up tulad ng ginagawa ni Hikari-san sa character na si 'Yuki'.... Maraming viewers na ang humihiling na lumantad ang voice actor nito...pero dahil sa may usapan sila ni Sakuragi-kun...hindi pa maaari...."
"Kung yun ang napag-usapan ninyo ni Sakuragi-kun...ipinakakatiwala ko siya sayo...Kihano-san." Malugod itong nakipagkamay sa photographer bago ito lumabas ng kanyang opisina.
Kinuha ang mga litrato sa kanyang lamesa at isinilid sa kanyang bulsa at sumunod na rin itong lumabas ng opisina.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Hinihingal ang tatlo habang mabilis nanakbo upang salubungin ang kaibigang matagal nang di nakikita.
"Hanamichi!" Sigaw ng tatlo nang makita ang kanilang mahal na kaibigan.
"Takamiya! Noma! Yuji! Kamusta na kayo?!" Masayang bati nito sa mga kaibigan. Mahigpit niyang niyakap ang mga ito.
"Nagulat ako sa text mo na pupunta ka dito nang biglaan. Alam ba 'to ni Youhei?"
"Oo, tinawagan ko na siya..susunod siya sakin may part time pa kasi siya at di pa niya maiwanan kaya pinauna niya na ko..kamusta si sensei?"
"Di pa namin alam...puntahan na natin para malaman din natin...si Miyagi ang tumawag samin para ipaalam sayo...di mo raw sinasagot ang tawag niya..."sagot nito at sumakay na sila sa taxi na kanilang nirentahan.
"Pasensya na nasa trabaho kasi ako....nagkataon patapos na ko nung tumawag ka kaya agad akong nagpunta dito.."
"Di ka ba nahirapan Hanamichi...aral, trabaho tapos basketball pa.."
"Ayos lang di naman ganun kahaba ang klase sa college...ung practice namin di pa nMan ganun kahirap at ang trabaho ko ilang oras lang naman....kaso pag sabado at lingo medyo mahaba."
"Teka linggo ngayon....ibig sabihin..dapat whole day...?"
"Okey lang...nagpaalam naman ako na emergency...." Matapos ay isa isa na silang sumakay sa taxi.
Marami silang napagkwentuhan habang nasa daan. Sobra nilang na miss ang isa't-isa sa ilang buwang di pagkikita.
"O andito na tayo." Matapos bumaba ay nagbayad na si Noma at nagmadali silang nagtungo sa loob ng ospital.
Nasa tapat na sila ng kwarto ng pasyenteng kanilang dadalawin. Tumayo muna si Sakuragi sa tapat nito na tila ba nag-iisip king bubuksan ba ito o hindi.
"Hanamichi...okey ka lang ba? Sigurado ka na handa ka na?" Nag-aaalalang tanong ni Ohkuso sa kaibigan.
Tanging tango lamang ang isinagot nito at binuksan ang pintuan ng kwarto.
Pagbukas nito, nagulat at nanlaki ang mga mata ng mga taong naroroon nang makita siya. Isa na roon ay ang kanyang dating kasintahan. Si Kaede Rukawa, na kasalukuyang nakatayo sa gilid katabi si Sendoh.
Samut-saring reaksyon at emosyon ang mababanaag sa mga ito nang makita siya. Di niya alam kung paano haharapin ang mga ito sa mga oras na iyon...............nais man niyang umalis at muling lumayo. Ngunit buo na ang kanyang loob, na ito na ang tamang panahon para harapin silang lahat........
Muling nagtama at nagtagpo ang kanilang mga paningin. Matapos ang ilang minuto nang nakakabinging katamihikan, binasag ng lalaki may asul na mata ang katahimikan sa pagitan nila.
"Hana...."
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over