Chapter 20
"Ha bakit?" Pasigaw na sagot ni Takamiya sa kausap sa cellphone. "Paano yan kanina ko pa naipasa sa kanya.......okey okey pupuntahan na namin siya.....bye......."
"Bakit ano daw yun Takamiya?" Tanong ni Ohkuso at Noma sa kaibigan.
"Di ko rin alam, basta ang sabi ni Youhei, ipabura daw natin agad kay Haruko yung picture na ipinasa natin sa kanya." Sagot nito habang naglalakad.
"Teka, di ba siya ang nagsabi na ipasa natin kay Haruko. Ano kayang problema? Tignan natin, malamang nasa cafeteria sila."
Mabilis na tumakbo ang tatlo patungong cafeteria upang hanapin si Haruko. Pagdating doon ay di naman sila nabigong makita ito. Kasalukuyan itong kumakain kasama ang kuya nito, si Ayako, dalawa niyang kabigang babae at ilan sa member ng basketball.
"Excuse me Haruko-chan, pwede ka bang makausap saglit?" Tanong ni Noma nang malapitan ito.
"Ikaw pala Noma-kun? Maraming salamat nga pala sa picture na pinasa nyo sakin...sugoi, bagay na bagay sa kanya...."
"Pasensya ka na Haruko-chan, kaya kami nandito kasi may papakiusap sana kami. Pwede bang burahin mo yun." Halos pabulong naman na wika ni Ohkuso.
Sa gulat ay napabulalas si Haruko sa narinig. "Ha! Bakit Di ba si Mito-kun ang may sabi na padalahan ako ng picture...bakit?"
"Pasensya na Haruko-chan, di rin namin alam. Mismong si Youhei ang nagsabi....ang alam lang namin di daw alam ni Ha...........ni ano tungkol sa litrato." Pagpigil nito sa pagbanggit ng pangalan ni Sakuragi na naintindihan naman nito.
"Oi, oi kayong tatlo anong ginagawa nyo sa kapatid ko? Haruko anong litrato pinag uusapan nyo...patingin." Sabat naman ni Akagi na nakikinig sa usapan nila.
"Ano....wala yun kuya...."
"Patingin ako......ngayon na!"
Dahil sa takot sa kapatid, mabilis nitong kinuha ang cellphone sa bulsa at ibinigay sa kapatid. Agad naman nitong binuksan ang photo file upang hanapin ang sinasabing litrato. Maging sina Miyagi at Mitsui ay nakiusyoso na rin.
"Waaaa...sugoi! Ang astig na porma ni Hanamichi....naka tuxedo!!" Wala sa sariling naibulalas ni Miyagi nang makita ang litrato. Agad naman tumayo si Ayako upang makitingin.
"Sugui, sugoi! Pambihira, parang ibang tao si Hanamichi Sakuragi pag naka pormal. Teka bakit ba ninyo gustong ipabura tong picture na to...ang gwapo gwapo niya kaya."
"Di rin namin alam. Kagabi lang yan kuha. Sabi lang ni Youhei na burahin yan,...gusto nga sana namin ipa print kasi ang ganda ng view.." Sagot naman ni Takamiya.
"Teka, oo nga ano...parang nakita ko na tong view na to....euhhm.... "
"Ganda nga ng view, halatang mamahalin ang lugar....alam ko to eh.....@...."
"Piacere!!! Shangri-La!!!!!" Sabay sabay na bulalas nina Miyagi, Mitsui at Ayako.
"Akalain mo, bigtime na si Hanamichi. Nagpunta lang ng Tokyo...sa Piacere na kumakain." Banggit ni Miyagi. Malakas naman nagkatawanan ang iba sa biro nito.
Biglang nagulat ang lahat nang biglang ihagis ni Sendoh ang katabing silya.
"Kaede! Kaya ba ayaw mo kong isama?" Sigaw ni Sendoh sa kaharap na si Rukawa.
"Hn?"
"Kaya ba ayaw mo kong isama sa Tokyo dahil makikipagkita ka kay Sakuragi?!!""
Nagkatinginan lamang ang mga taong naroroon at natahimik.
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Hayran Kurgu(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over