Chapter 18

101 2 0
                                    

Chapter 18

Pinagmamasdang mabuti ni Kanako ang nag iisang anak. Masaya ito sa kanyang nakita. Matapos nitong suutin ang formal suit na binili sa anak, bilang isang ina ay proud siyang makita na lumaking magandang lalaki ang anak. Muli, ay naalala niya ang kabataan ng kaniyang mahal na asawa, na may malaking pagkakahawig sa anak.

"Kaede dear, you're so gorgeous. Sigurado ko pag nakita ka ni Akira-kun, lalong siyang ma inlove sayo. Bakit nga pala di mo siya sinama dito sa Tokyo?"

Matapos malaman ng ina ang pakikipag hiwalay ni Rukawa kay Sakuragi, agad nitong hiniling na ipakilala si Sendoh sa kanya.

Katwiran ng ina, kung nagkarelasyon sila matapos ang hiwalayan nila ni Sakuragi, walang masama na ipakilala ito sa kanya.

Nang makilala, pinahayag ng ina na sana ay tapusin muna nila ang kanilang pag aaral bago mag isip na bumukod.

"Magagalit si Coach."

Yun lang at din nagtanong ang ina. Alam nito kung gaano katipid magsalita at sumagot ang anak.

"Kaede dear, masaya ako na makasama ka namin sa anniversary namin ng Papa mo."

"Dapat sinabi mo agad."

"Pag sinabi ko sayo alam kung di ka sasama dito sa Tokyo. Kaya nag isip ako ng ibang rason, pasensya ka na my dear, hihi." Sagot nito sa tinuran ng anak. Nagsinungaling siya dito na magpapa check up sa Tokyo, dahil pag sinabi niya ang totoong dahilan alam niyang hindi ito sasama.

"Okey, let's go. Check ko lang ang Papa mo kung ready na siya."

Kasalukuyang naka check in ang pamilyang Rukawa sa isa sa pinakasikat na hotel sa Tokyo, ang Shangri-La Hotel.

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Pagtaas ng elevator, nakaramdam ng di maganda si Sakuragi. Bahagyang itong nalula, kaya wala sa loob nito ay napakapit siya sa braso ni Asami.

"Okey ka lang Sakuragi-kun?"

"Hehe, okey lang ako Asami-san. Medyo nalula lang ako, mataas ba yung pupuntahan natin?"

"Hindi, 28th floor lang."

"Ahhh. Kaya pala.... Hanggang 4th floor lang pa lang nararating ko.."

Nangiti si Asami sa sagot na ito ni Sakuragi. Ngayon ay naintindihan niya kung bakit ito nalula. Masaya siya na nakahawak sa kanya si Sakuragi. Bagamat wala ito sa loob ng ng mas bata, masaya siyang alalayan ito.

Pagpasok ng restaurant, namangha si Sakuragi sa nakita. Kakaiba iyon sa mga restaurant na napasok na niya. Cozy at paboloso ang nasabing restaurant at halatang mamahalin. Mangilan-ngilan sa mga naroon ay nadako sa kanilang dalawa. Habang si Asami ay nakasuot ng button peak lapel, si Sakuragi naman ay nakasuot ng wool-mohair. Elegante at makisig tignan ang dalawa sa suot nilang tuxedo. Mas natuon ang pansin ng mga tao kay Sakuragi dahil sa kukay pulang buhok nito. Bahagya itong nakatali habang ang bangs nito ay nakalugay na nagbigay ng mala-babaeng anyo. Ilan sa mga kababaihan ay nagbulong-bulungan kung ang mga ito ba ay mga artista o modelo. Bawat hakbang ay sinusundan sila ng tingin ng mga naroroon. Mistulang mga modelo na naglalakad sa rampa sa isang fashion show.

Nilapitan sila ng isa sa mga waiter. Makaraan ang ilang katanungan, agad sila nitong inalalayan patungo sa nito kanilang lamesa. Pagkaupo ay agad nitong iniabot ang menu.

"Nagustuhan mo ba itong lugar?"

"Ah, oo Asami-san. Ngayong lang ako nakapunta dito. Mahal ba dito?" Pabulong na sabi niya dito at palinga-linga.

"Okey lang....pili ka na ng gusto mong kainin?"

Manaka-nakang siyang tumingin sa kapaligiran, at nang mapatingin ito sa kanyang kaliwa, nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.

"Nagustuhan mo ba ang view Sakuragi-kun?" Tanong ni Asami dito nang mapansin na nagbago ang reaksyon nito sa nakita. Tango at matamis na ngiti lamang ang isinagot ni Sakuragi.

Palihim na kinuhanan ni Asami ng litrato si Sakuragi habang abala ang mata nito na nagmamasid. Masaya siya na nagustuhan ito ng 'ka-date.' Mabuti na lamang at sinunod niya ang payo ng kaibigan, na pinayuhan naman ni Youhei.

Bakas sa mga mata ni Sakuragi ang kasiyahan habang nagmamasid. Unang beses niya itong makarating sa lugar. Kung dati ay sa telebisyon nya lang ito nakikita, nagyon ay nakita na ito ng sarili miyang mga mata.

"Waaa Asami-san di ba Imperial Palace yun?" Bulala nito sabay turo sa nakita.

"Oo, sikat ang restaurant na to dahil sa magandang view lalo na tuwing gabi."

"Ne, Asami-san....maraming salamat." Matamis na ngiti sa kausap.

Matapos ang ilang pag uusap tumingin sila sa menu na iniabot ng waiter. Tumayo ito at umupo sa tabi ni Asami at bumulong.

"Asami-san, di ko maintindihan kung anong klaseng pagkain ang nasa menu. Gaya nito, Bru-s-cheta.... ano yun...brush ba yun. Tapos itong isa...g-no-chhi gorgonzola...parang gorilya ang dating." Hirap na nabasa nito sa ilang pagkain na nasa menu.

Natatawa man sa katabi, pilit niya itong pinigalan. "Wag kang mag alala, ako na order para sayo."

"Sige, pero meron ba silang isda o kaya yakiniku hehehe. Parang kakaiba kasi mga pagkain nila dito. Gorgonzola....parang pinaghalong gorilya at godzilla, hehehe."

Naiiling lamang si Asami sa sinabi nito. Pagkapili ay tinawag jiya ang waiter para umorder.

"For starter, I want bruscheta and calamari please.....insalata caesar salad.....spelt fetuccini......hmmm.. Filleto di ippoglosso alla puttanesca at saka fillet mignon... "

Pagkasabi ng order ay agad na umalis ang waiter.

"Wow Asami-san, paano mo nabasa yun." Paghanga nito at doon lamang niya napagtanto na sobrang lapit pala ng kaniyang pagkakaupo dito. Panandalian siyang napatitig kay Asami. Nang masuyo nitong hawakan ang kamay niya, marahan siyang tumayo at bumalik sa dati niyang kinauupuan.

Naging matahimik ang kanilang pagkain. Panakaw na tumitingin si Sakuragi kay Asami upang tignan kung paano kainin ang pagkain na inorder nito. Unang pagkakataon niyang kumain sa ganitong ka class na restaurant. Ay dahil ayaw niyang mapahiya at ipahiya ang kasama, pomormal lamang siya ng umupo at marahang kumain.

Napansin naman ito ni Asami at alam niya na di ito sanay sa mga ganitong kainan. Kaya naman binabalagan niya ang pagkain upang makasunod ito sa kanya.

"Wine?"

"Wine? Naku hindi ako umiinom Asami-san. Tubig na lang sakin."

"Try mo, hindi naman to agad nakakalasing.." Sabay abot nito ang isang baso wine na tinanggap naman ni Sakuragi.

"Hmmm, masarap pala hehehe...pede isa pa....."

Makalipas ang ilang minuto, di napansin na nakarami na pala siya ng nainom. Medyo nag iinit na ang pakiramdam niya at nahihilo. Kaya naman tinawag na ni Asami ang waiter para sa kanilang bill.

Inalalayan niya ito sa pagtayo upang di matumba. Nang malapit na sa entrance ng restaurant, may tumawag sa pangalan ni Sakuragi.

"Hana?"

Nang marinig ito, agad na tinignan ni Sakuragi kung sino ang tumawag sa kanya. Ganun na lamang ang pagkabigla niya sa nakita. Kung maaari lamang ay bigla siyang maglaho sa harapan nito.

The Reason WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon