Chapter 9
Hawak ang kumpon ng bulaklak, maayos na inilipag ito ni Asami sa puntod ni Akihito. Mahigit isang taon na ang nakaraan nang pumanaw ito na labis niyang ikinalungkot.
Isang aksidente ang kinasangkutan nila ng araw na iyon. Kasalukuyan silang nasa kotse at hinahabol ni Fei Long, karibal ni Asami. Dahil sa bilis ng takbo ng kotse, huli na upang maiwasan ang rumaragasang trak na bumangga sa kanila.
Himalang galos lamang ang natamo ni Asami habang si Akihito ay di na nakaabot ng buhay sa ospital.
Ilang araw matapos ang insidente,napabalitang nagpakamatay si Fei Long na sinisisi ang sarili dahil sa pagkamatay ni Akihito. Maliban sa tunggalin sa negosyo, magkatunggali rin ang dalawa sa pag ibig ni Akihito. Bagamat alam ni Fei Long na mahal ni Akihito si Asami, pinagpilitan nitong mapa sakanya ang batang photographer nagresulta sa pagkamatay nito.
Matapos magdasal nagpasya na itong umalis. "Tara na Mishiro."
"Ayos ka lang Ryuichi?"
"Okey lang. Bago tayo magpunta kay Uncle may gusto muna akong daanan."
Habang nagda drive si Mishiro, nakatanaw sa labas at malalim ng nag iisip si Ryuichi.
"Saan tayo pupunta?"
"Oyama Park."
Makalipas ang ilan pang minuto narating na nila ang kanilang destinasyon. Manaka-nakang tumingin sa paligid si Asami bago ito umupo sa bench.
"May inaantay ka ba dito."
"Wala."
"Bakit tayo nandito."
"Nagbakakasali makita ko ulit siya."
"Sino?"
"Di ko rin alam."
"Ha?!"
"Nung nakaraang taon, pagkamatay ni Akihito napadaan ako dito sa park. Gabi na yun. May nakita akong nakaupo dito, narinig kong umiiyak. Tinanong ko siya kung ayos lang siya......at nagtanong din siya sakin.....sabi niya kung ang mahal ko daw ay may mahal nang iba, pakakawalan ko daw ba."
"Anong sabi mo?"
"Umupo ako sa tabi niya. Sabi ko kung gusto niyang lumaya, bakit hindi. Paano daw kung ang minahal ko ay umibig sa taong itinuring kong kapatid, ano gagawin ko."
"Hmmm, mukhang komplikado. Anong sagot mo."
"Kung sino ang mahal niya at kung saan siya masaya."
"Hmmm, magandang sagot. Pero hindi madaling gawin."
"Pinakinggan ko lang siya. Habang umiiyak siya, napaisip ako. Kung nagkataon na minahal ni Akihito si Fei, iniisip ko kung palalayain ko ba siya. Madalas iniisip ko, kung ipinaubaya ko siya kay Fei, sana ay buhay pa siya hanggang ngayon.
"Ryuichi....ikaw ang mahal ni Akihito...."
"Alam ko Mishiro, kaya hindi ko siya ipinaubaya. Kunyari ikaw at ako, si Akihito. Anong gagawin mo Mishiro?"
"Kung ikaw ang pinili niya, tatanggapin ko. Importante pa rin para sakin ang pagkakaibigan natin Ryuichi."
"At alam mo ba ang ginawa ko. Niyakap ko yung lalaki at hinalikan."
"Ha? Teka seryoso ka?!"
"Di ko alam kung ano pumasok sa isip ko nung araw na yun. Siguro dahil sa awa."
"Anong ginawa niya?"
"Mabagal siyang mag react. Nag react lang siya sa pangalawang halik ko. Pagkatapos nun sinuntok ako. Saka tumakbo."
BINABASA MO ANG
The Reason Why
Fanfiction(Warning: boyxboy) Ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo iniiwan ng mga taong ating minamahal? Slam Dunk/Finder Series Cross over