Introduction

8.2K 105 12
                                    

INTRODUCTION

Bata palang ako, ipinaintindi na nila sa akin ang kapalaran ko. Anak ako ng pinakamayamang tao, hindi lang sa buong Pilipinas kundi sa buong mundo.

Ang bawat gadget na meron ang mga kabataan ngayon, lahat ng iyon minamanufacture ng kumpanya namin. Ang pamilya rin namin ang may-ari ng pinaka-sikat na telecommunication company sa buong Pilipinas. Hindi lang yun ang ginagawa ng kumpanya namin, maging sa mga pagkain, mga laruan at mga kotse, handle ng kumpanya namin.

Mayaman ako. Lahat ng bagay na gusto ko, nabibili ko. Kahit sinong tao, kaya kong bilhin, pero so far hindi ko pa naman nagagawa ang bumili ng tao.

Sikat ako. Hindi man ako artista, madalas nasa cover photo ako ng mga magazines. "The Richest Teenager" nga ang tawag nila sa akin. Madami rin akong kaibigan, mga mayayaman rin, mga may mukha.

Gwapo ako. Maraming babaeng nahuhumaling sa kagwapuhan ko. Oo, aminado naman ako. Gwapo talaga ako. Kung may isang bagay man na hindi nagawang kasinungalingan ang mga tao, yun ay ang sabihing pangit ako. Dahil lahat, as in lahat, sinasabing gwapo ako. Totoo yun.

Pero syempre, kahit na sinasabi ng mga tao na nasa akin na ang lahat, hindi iyon totoo. Dahil kahit anong yaman ko, kahit anong sikat ko, kahit anong gwapo ng mukha ko, hindi mapapalitan ang katotohanang hindi ako masaya sa pamilya ko.

Common thing - laging wala ang mga magulang ko. Nag-iisang anak lang ako at nakatira ako sa isang mala-palasyong bahay. Napapaligiran ako ng mga body guards at ng mga katulong. Kahit na nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, wala pa rin sa akin yung bagay na mahalaga sa lahat ng tao, kalayaan. Nakukuha ko ang lahat ng materyal na bagay na nais ko, pero hindi naman ako makahinga sa klase ng buhay na meron ako.

Wala akong kalayaan to the point na kahit sa pag-ibig, tinanggalan nila ako ng karapatan na pumili ng taong mamahalin ko. Ang babaeng mahal ko, na siyang tanging taong nakakapagpasaya sa akin, ilalayo pa nila. Sila... Sila ang pipili kung sino ang dapat kong mapangasawa. Ang unfair diba? Ang hirap na talaga huminga sa ganitong sitwasyon. At ito pa, ang hinahanap nilang babaeng ipapakasal sa akin ay isang babaeng walang pakialam sa kayamanan at hindi nasisilaw sa pera. Tss.

Mabuti sana kung kahit hindi mayaman - basta maganda, may utak at pasok sa standards ko. KASO HINDI EH. Nakakainis! Nakakasuka! Nakakahiya!

Gian Ayala, the richest teenager at the age of 18, getting married with his nanny's daughter?

Seriously? Can she help me breathe in this horrible world I'm unfortunately in right now? O baka mas mauna pa siyang ma-suffocate kaysa sa akin...

-----

Princess Hours and The Lust Marriage inspired :) Sobrang love na love ko ang istorya ng PH. Kahit ilang beses ko nang napanood, wala, kinikilig pa rin ako. Pati TLM, love na love ko talaga. Kaya lalo akong na-inspire isulat ito dahil sa PH at TLM. <3

By the way, ito pong INTRODUCTION ay POV ni Gian, the male lead. Pero ang mga susunod na chapters ay POV ni girl. Hahaha. Balik teen fiction ako neto. Yieeee. Kilig-kilig lang.

Sorry, arranged marriage na naman ang concept. Eh yun ang gusto ko eh! Bakit ba. Hahaha. Sana magustuhan pa rin ninyo.

VOTE and COMMENT po sana! Salamat. ^___^

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon