Chapter 1:
Love is kind.
Love is about self control.
Love is pure.
Love is not selfish.
Love is worth waiting..
"Hay.... Hanggang kaylan ba kita hihintayin Jaypee??"
"Hoy! Lyka! Tumigil ka nga sa kapapantasya mo kay Jaypee Chan! Di ka na niyan mapapansin no!"
Umirap lang siya. Tapos patuloy na tinanaw si Jaypee sa malayo habang abala sa pagba-basketball.
"Hoyy!! Lyka! Stop it. Mamaya makita ka ng girlfriend niyan awayin ka sige! Napaka-war freak pa naman ni Roseanne!"
Humarap siya sa kaibigan.
"You know Janine wala akong pakialam sa Roseanne na yan! Basta para sakin si Jaypee. Okay? Saka bakit tinitingnan ko lang naman si jaypee no?! OA mo bes!" Tapos ngumiti siya.
Sinukbit niya ang bag sa balikat at nauna maglakad palabas ng room. Katatapos lang kasi ng klase.
"Dios por santo! Lyka! Itigil mo na kahibangan mo sa kanya, kasi never ka naman niya papansinin!"
Nakasunod din ito sa kanya.
Kasalukuyan kasi break time nila at papunta sila sa canteen para kumain.
"Alam mo bes Ja di ako magsasawang mahalin si Jaypee kasi alam ko para siya sakin." Nakangiti ko pang sabi.
Umupo kami malapit sa lamesa na tinatambayan ng barkada nila Jaypee.
Mamaya maya umingay din sa loob ng canteen kasi parating na si Jaypee Chan at ang mga barkada nito. Siyempre di mawawala doon si Roseanne ang karibal niya.
Hmp!
Grade six siya noon mula nung una niyang makilala si Jaypee Chan. Transferee kasi ito sa school nila at mula noon lagi na silang magka-klase hanggang sa highschool.
Ginawa niya lahat para mapansin siya ni Jaypee Chan. Maaga siyang natutong mag-ayos sa mukha, ayusin ang pananamit, ang ugali, ngiti at kung kinakaylangan pati pag-inom at pagkain niya ay inayos niya na din. Para lang mapansin siya ni Jaypee Chan.
Saksi siya sa papalit-palit na girlfriends nito kasi mula't sapul na naging magka-klase sila sinisigurado niya na hindi siya mahihiwalay sa kung anong section ni Jaypee Chan. Ever!
"Hi Jaypee!" Nakangiti niyang bati.
Ngumiti naman ito pero halatang tipid lang.
"Kakain din kayo?"
"Of course! Ano pa ba gagawin namin sa canteen kung hindi kami kakain Lyka." Sabat naman ni Roseanne.
Ang mahadera!
Nginitian niya lang ito at tinaasan ng kilay. Buti nakatalikod si Jaypee at kinakausap sila Jas at Jude.
"Jude, ikaw na muna bahala bumili ng pagkain natin." Si Jaypee
"Eh bakit ako pa? Ano ako utusan??! Si Jas nalang!" Naiinis na reklamo ni Jude.
"Eh ayaw ko nga! Pagod ako okay?!" Si Jas na umupo agad at tinaas pa ang dalawang paa sa mesa.
Nakatingin lang ako sa kanila at seryosong nakikinig sa pag-uusap nila. Nakita ko pang napakamot si Jaypee sa ulo dahil sa mga inasal ng kaibigan niya. Tapos dagdag pa si Roseanne na kung makadikit e parang kala mo linta!
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...