Chapter 39:

4 0 0
                                    

Chapter 39:

"Nagkabalikan na pala sila Jaypee chan at Roseanne?? Akala ko nag-break na sila???"  tanong ko kay Jude. Sa kanya ko kasi nalaman ang masakit na balita para kay Lyka. For sure yayanig ang mundo niya. hahaha

Nagdidiwang ang puso ko, oo napakasama ko pero ayos lang. At least magigising siya sa katotohanan at tatanggapin niya na para talaga siya sa akin.

"oo eh. ang balita ko pa si Lyka ay sumama pa makipag-lunch kila Jaypee chan! Ang saklap nun men!" sabi naman ni Jude with matching action na nasaktan

Tinawanan niya kang ito at nagpaalam na aalis.

Kahit na pinagpa-tuloy ko yung challenge na paibigin si Lyka which is ang pakay ko naman talaga ay di parin niya ako pinapansin. Kahit pala ang baliw kong pinsan nanligaw kay Lyka pero di ito pinansin at binasted kaagad! hahahahaha ayan! Ganyan lyka! Alam mo dapat kung kanino ka nararapat! at sa akin iyon okay??

Nagsasawa ako marinig ang araw araw na sitemyento niya sa garden sa collefe of doctors. Although sinadya ko naman talaga ang pagpunta doon ay naririndi parin ako. Kaya naman nilakasan ko na ang loob ko at niyaya na siyang makipag-date!!

Oo date! Bwisit kasi itong si Lyka! Umasa-asa pa na magugustuhan siya ng walanghiya kong kaibigan na ngayon ay nagmamahl kay Roseanne! hahaha Ayan nasaktan ka tuloy! Kung ako nalang kasi pinansin mo eh di sana di ka masasaktan! hehehehe

Nag-date kami, umamin ako sa kanya and presto! Nanligaw ako sa kanya. Aminado ako sa lagay ko ay para lang akong magsisilbing rebound sa kanya! Pero yos lang sa akin! gagawin ko ang lahat para sakin mabaling ang atensyon niya at mahalin niya ako.

After manligaw, naging kami. Ang saya ko nun grabe! Sa wakas! Ang babaeng matagal ko nang pinapangarap ay akin na! Pangako ko sa sarili ko, pag naging akin na si Lyka di na ako papayag na mawala siya ulit.

"you won the prize bro! sayo na si Lyka!" pang-aasar sa kanya ni Jaypee Chan

"g*g0! matagal naman na talagang akin si lyka! Na-stranded lang talaga sayo!" biro ko din sa kanya.

Abala sila Lyka at ang mga girls maligo sa falls habang kami namang mga boys ay nagluluto ng barbeque sa gilid.

"hahahaha lakas din ng apog mo eh! hambog ka talaga Pao!"

"matagal na bro!"

"Congrats Pao! Um-oo na sayo si Lyka!" bati ni Jude

"Congrats Pao, masaya ako para sa inyo ni Lyka." pormal na bati ni Jas sa kanya. Nginitian niya nalang ang mga ito.

Pasensya kana Jas, well para sa akin talaga si Lyka eh. At ako pinili niya, well that's life.

Habang tumatagal minamahal ko si Lyka. Habang tumatagal din ay doon ko na nakikita at nakikilala siya.

Masyado siyang emotional.
Clingy.
Tamang hinala.
Selosa.
Eskandalosa.
Minsan siya pa mauuna maghanap ng pag-aawayan namin.
Pabago-bago din siya ng isip.

Ang dami niyang ugali na hindi ko na nagugustuhan at nakakainis na.

Minsan nga naabutan niya lang na na magkasama kami ni Sidney, ka-klase ko ito at nagpapaturo sa isang subject namin. Nako nag-walk out si Lyka kaya naman iniwan ko agad si Sidney para magpaliwanag.

Hindi siya marunong makinig, kung ano ang nakita niya o nalaman niya yung ang pinapaniwalaan niya.

Totoo, nawawalan na ako ng pasensya. Di naman siya ganito sa akin dati uh. bakit nagbago???

Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagsasawa. Pakiramdam ko di na siya ung babaeng minahal ko.. Oo matagal na din kami at marami narin nangyari samin.

Pero hindi naman dahil sa nakuha ko na siya ay nagsasawa na ako. Ang ibig ko lang sabihin ay iyong pag-uugali niya. Nahihirapan na akong pakisamahan siya.

"bro bakit mo pala ako pinapunta dito??" sabi ni Steve. Pinapunta ko siy kasi gusto ko may mapagsabihan ng nararamdaman ko.

"bro, makipag-break na kayo ako kay lyka??"

Nagulat naman ito sa sinabi niya tmat napaso pa ito ng upos ng sigarilyo nito.

"oh? akala ko ba dati mo na siyang gusto? tapos ngayon ay makikipag-break ka sa kanya??"

"bro... oo nga mahal ko siya. mahal ko pa din naman siya e. Nahihirapan lang ako pakisamahan ang ugali niya... saka natatakot akong malaman niya yung sa challenge..."

Tinawanan lang siya ni steve. Kahit kaylan talaga may sayad ang pinsan niyang ito.

"bro, ganun talaga ang babae napaka-kumplikado niyan. Mas kumplikado pa yn sa utak mo! Kaya intindihin mo siya bro, babae yan eh! saka pag nagmamahal ka, di ka bumabase sa ugali kasi panget talaga ugali ng mga babae! Kung mahal mo, mahalin mo siya ng buong-buo tanggapin mo ang pagkatao niya!"

Sabagay may punto ang pinsan kong ito. Hindi porke nakakita lang ako ng kapangitan kay Lyka ay hihiwalayan ko na. And Hell no!!

Pinaghirapan ko siyang maagaw kay Jaypee Chan tapos papakawalan ko nalang ng ganun?! Magkamatayan na di ko papakawalan si Lyka! Thanks bro!

Okay na sana ang lahat e. Biglang in-open ni Steve yung about sa challenge siyempre sinagot ko. Di ko naman akalain na yun pala ang magiging dahilan para tuluyan na akong iwanan ni Lyka! Dagdag pa itong si Zari!

Hindi ko classmate si Zari, di ko rin siya schoolmate nung nasa bar lang kami ay nilasing niya ako kaya ayun hinalikan niya ako.

Siyempre lalaki ako, mahina, madaling matukso kaya nakita ako ni Lyka nung gabing iyon at iniwan ako. Ni hindi niya man lang pinakinggan paliwanag ko.

Sa pagkakataong iyon parang gumuho ang buong mundo ko. Iniwan ako ni Lyka. Sinabi niyang di niya na ako mahal, na suko na siya sa akin. Ang sakit pala, ang sakit pala pag yung mahal mo ay sinukuan ka na.

No, I'll win her back... sakin siya. at mapapasa-akin ulit siya.

At ganun ginawa ko. Kahit umalis siya at iniwan ako ay di ko padin hinayaan na mawalan ako ng koneskyon sa kanya.

Nagme-message ako sa mga social apps na meron siya kahit alam kong di siya sumasagot. I even try to go to US just to watch her far away.

Nagpatulong pa ako kila Jaypee chan at sa mga kaibigan namin. Kinasabwat ko silang pauwiin si Lyka.

Five years na. Masyado na siyang nagiging masaya sa paglayo niya sa akin. It's time to locked her in my arms.

Ginamit ko si Jaypee chan at Roseanne para sa plano ko. I even made a medical mission para lang umuwi siya.

"are you sure about this Pao?" Nag-aalangang sabi ni Roseanne

Ngumiti ako. Kasi alam ko palang doon ay tagumpay na ako. "yes im sure Rose. di niya iyan tatanggihan."

"Paano ka naman nakakasiguro?  e mukhang kinalimutan ka na nun at in-enjoy na ang buong america!"

I know it. Alam ko isa ito sa mga gusto niya. Ang tumulong sa mga mahihirap. Si Lyka kasi yung tipo ng tao na malalapit sa mahihirap. Madali siyang maawa at tumulong.

Kaya alam ko papayag siya. And yeah. It all goes according to my plan. Pero nagkasama na kami lahat lahat sa romblon wala padin. Natakot ako baka may hindi niya na talaga ako minahal.

Well i have to do my Plan B. which is  ang itali siya sa akin. Oo alam ko ayaw niya pang magpakasal but im hoping. Im hoping because she's all i want to marry. Siya lang gusto kong makasama habang buhay.

Wala nang iba.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon