Chapter 3:
"Jaypee Chan!" Nakangiti niyang tinawag ito at winagayway pa ang kamay niya.
"Dito tayo mag-aaral, lyka?" Halata sa mukha nito ang pagtataka.
Nasa field kasi sila ng school. Malaki kasi ang school nila at pinili niya yung lugar na kung saan ay makakapag-isa sila ni Jaypee.
Kinausap niya kasi ito kanina tapos pinaalala niya na magpapaturo nga siya sa math. Ayun nag-sorry pa siya sakin kasi di kami natuloy kahapon! Hihihihi ang sweet niya no???
Pagkakataon niya na to!
"Hmmm... Oo eh.. puno na kasi sa library.. okay lang ba sayo?" Kunwari ay nahihiya siya.
Ngumiti naman ito at nilapag ang bag nito sa tabi niya.
Ano ba yan si Jaypee, hinarang pa yung bag sa pagitan nila.
"Ano pala yung lesson na hindi mo ma-gets?" Tanong nito habang abala sa pagbuklat ng libro.
Dahil dito ay malaya niyang natingnan ng malapitan ang mukha ni Jaypee.
She never been in love like this before. Siguro kay Jaypee lang. Yung tipong kaya niyang gawin lahat para dito. Kahit sumama pa tingin ng iba sa kanya.
"Lyka? Are you with me??"
"Ah! Oo! Oo! Sorry." Nahiya siya bigla.
Nahuli kasi siya nito na titig na titig sa kanya. Ano ba yan lyka! Mag-seryoso ka nga!
Nagpaturo na siya kay Jaypee nung lesson na nahihirapan siya. Bakit ganun? Pag sa professor namin di ko ma-gets, pero pag kay Jaypee Chan gets na gets ko?
"Thanks for the day Jaypee Chan. Nag-enjoy ako..... Saka natuto din.." nakangiti niyang sabi habang inaayos ang gamit niya.
"You're always welcome lyka. Just make sure maiintindihan mo na yung pagcompute ng Pythagorean." Nakangiti ding sagot nito.
Oh! Those smiles! Di niya maiwasang mastarstruck pag nakikita niyang ngumingiti ng matamis sa kanya si Jaypee! Lagi ba siyang mai-starstruck dito??
Pagkatapos niyang maayos ang gamit sa bag at akmang tatayo na siya pero nakita niya na nakalahad ang kamay ni Jaypee. Nagulat pa siya pero walang pasubaling inabot niya ito.
Kill me now! 😍😍😍😍
Kinikilig ako ngayong araw! Sana lagi kaming ganito ni Jaypee! Kaylan niya ba kasi ako mapapansin???
"T-thank you.."
"You're welcome..." Tapos nauna itong maglakad.
Hapon na iyon at wala nang masyadong tao. Klase na kasi nung mga panghapon kaya tahimik ang buong field.
Binilisan niya ang lakad at sumunod agad kay Jaypee. Nilingon naman siya nito habang nagta-type sa phone nito.
"Jaypee???" Tawag niya dito
"What, lyka?" Huminto ito ng lakad kaya napahinto din siya.
Hindi niya makuhang mag-salita. Ganun ang epekto sa kanya ni Jaypee. Lagi siyang nai-starstruck pag tumitingin ito sa kanya.
Nagulat siya nang bigla siyang niyakap ni Jaypee Chan. Sa lakas ng impact pareho silang napahiga sa sahig.
"Jaypee Chan???"
"Lyka....."
"Oh bro, sorry natamaan kayo ng bola. Si Pao kasi di nai-shoot ng maayos." Sabi ni Jas na nasa gilid na pala nila.
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...