Chapter 26:

3 0 0
                                    

Chapter 26:

"yes! Friday na!!! Im sooo excited!"

Yeah friday na. Mabilis lang lumipas ang araw niya nitong thursday. Masyadong sinamantala ni mama na andito ako sa bahay at kung ano-ano ang pinapagawa sakin. Panay utos kaya wala na sa isip ko ang i-check kung sino-sino ang nakaalala sa kanya sa phone.

Jessie's calling............

"Oh hello jess girlfriend!"

"At last! I thought tulog ka pa katulad ni Veron na ilang beses ko pang tinawagan!!!"

Natawa naman siya sa kaibigan. Sa totoo lang kasi saming apat si Veron talaga ang parating late. Ewan ko ba sa babaeng iyon.

"Im preparing now. Nasabi ko kay Pao na sabay kami pupunta dyan sa house niyo."

"Okay be early okay? Tulungan mo na din ako i-contact yung iba pa. Andito na yung driver namin na magdadala satin sa private plane papunta sa resort. Hay nako! Ang babagal niyo!"

"Hey calm down okay? Umagang umaga ang init ng ulo mo eh."

"Ugh! Oh basta pumunta ka na din dito agad okay?? Bye for now!"

Agad nitong pinatay ang tawag. Nag-suot siya ng komportableng damit. Ripped shorts, v-neck na shirt saka step in na sandals. Nagpaalam na siya sa mama at papa niya na inaantok pa kasi madaling araw pa nun. Sinabihan pa siya na mag-iingat siya sa byahe.

Palabas na siya sa bahay at nakita niya na andun na si Pao at dala nito ang kotse nito. Buti nalang at kotse ang dala nito at hindi motor. Kasi hindi niya alam kung paano dadalhin yung maleta niya. Hahahaha

"Good morning Pao!" Masaya niya pang sabi. Ngumiti lang ito at tinulungan siya nito sa gamit niya na ipasok sa compartment.
Matapos ilagay ay agad silang pumasok sa kotse. Sa passenger seat siya sumakay.

"Nag-breakfast ka na?"

"Hindi pa. Pero okay lang naman jasi busog pa ako eh."

"No, its not okay. Daan muna tayo sa drive thru para umorder ng almusal natin." Nagulat pa siya nang ngumiti ito, eh samantalang kanina ang sungit nito sa kanya.

Mood swings. Di ba babae lang may ganun?

Pagkatapis nila dumaan sa drive thru ay dumiretso na sila sa bahay nila Jess. Ang laki ng bahay nito at parang mansion na. Well ganun talaga kasi mayaman ito eh. May -ari pa ng resort.

"At last! Andito ka na din Lyka!!" Stressed na lumapit sa kanya si Jess. Kasunod naman nito si Steve.

Nandoon na din si Roseanne kasama si Jaypee Chan. Medyo seryoso ang dalawa sa pinag-uusapan. Ano naman kaya pinag-uusapan nila???

Ano ba yan??? Yeah i know im on the process of moving on. Kainis lang bakit kaylangan ko pang usisain yung pag-uusap nila. Pero sana naman wala lang ung nakita niya nung nakaraan na may kausap si Jaypee Chan na babae.

"Asan na daw si Veron at Shella??" Agad niyang sabi kay Jess.

"As usual si Shella on the way na daw at si Veron ay late na naman! Kainis!"

Natawa naman si Steve. May nakakatawa ba doon?

"Hay ewan ko sayo Jess masyado kang nai-stress. Di mo ako gayahin na cool lang." Sabi ni steve

Nilingon ko naman si Pao na tahimik lang na umiinom ng kape.

"You okay?" Tumango lang ito sa kanya. Di naman siya kumbinsido kaya pinakita niya sa mukha niya na di siya kumbinsido. Ngumiti lang ito sa kanya.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon