Chapter 28:
"Attention to all passengers please be ready as the plane go down. Remain in your seats so we can land safely."
Nagising na siya sa boses ng piloto. Pagkatapos mag-landong ng erolanong lulan nila ay pinababa naman sila ng stewardees. In-on niya na ang phone at agad nag-ring iyon dahil sa isang tawag.
"Babeeeee!!! im here! nasaan na kayo??
"malapit na ako sa exit. nandyan na ba kayo babe?"
"okay sige sige im here na babe. i hart you! mwuaps!" Binaba niya na ang tawag at nangingiti.
Five years..
"hay!!! at last after 5 hours ng pag-aantay namin ay dumating ka na girlfriend!!!!??" sigaw ni Veron at patakbo pa siyang niyakap.
"ikaw talaga Veron! Hindi ka pa din nagbabago, ang ingay-ingay mo padin!" natatawa niyang sabi.
Nakita niya naman si Jessie na naka-formal attire pa, nginitian niya ito ero tinarayan lang siya. "oh ayan huh. kahit na sobrang busy ako i manage to be here at hintayin ka ng 5 hours!" tumawa rin ito at agad din siyang niyakap. "you okay right??" tumango naman siya.
Nakita niya na si Shella na may katawagan sa sobrang busy nito ay di siya napansin na dumating na pala. "oo! bilisan niyo na kasi pagpunta! mamaya dumating na si Lyka, wala padin kayo!"
Tahimik siyang lumapit dito at tinakpan ang mata. "hey! ano to?! Jess! Veron! wag nga kayong papansin dyan! alisin niyo tong kamay niyo!" inis na sabi nito dahil hindi nito alam na kamay niya pala iyon."at bakit naman ako magpapapansin huh?" sagot niya. Saglit itong natahimik at nakiramdam ata. Agad nitong inalis ang kamay niya at nakita na siya nito. "oh my God! Lyka! Lyka! ikaw ba yan?! ang laki ng pinag-bago mo! oh my! Lyka!!!!!! i miss youuuuuuu!!" niyakap pa siya nitl at umiyak pa.
kahit kaylan talaga si Shella di nagbabago eh. napaka-emosyonal pa din. hehe Lumapit naman ang dalawa at niyakap siya ng mga ito.
"hep, hep, hep. Tama na nga ang dramahan na yan andito na ako oh." Agad siyang napakakalas sa pagyayakapan nilang apat at hinarap ang taong may-ari ng boses na iyon. Ngumiti siy ng pagkatamis-tamis at walang sabi sabi na tumungo dito at niyakap.
"Namiss kita..babe." at niyakap niya pa ito ng mahigpit. Nakita niya naman si Jas na nakangiti sa kanya at nginitian niya naman ito.
"I miss you too. Namiss ka naming lahat. kung bakit kasi mas pinili mong sumama sa kuya mo at doon nagpatuloy mag-aral eh." sagot nito at kinuha nito ang gamit niya. Si Jas naman nagdala nung ibang malate niya.
"eh choice ko yun eh. sayang opportunity kung papalampasin ko pa." nakangiti niyang sabi at nakahawak pa sa braso nito. Ginulo naman nito ang buhok niya na, nainis pa siya kasi may suot pa siyang sumbrero nun. "opportunity, opportunity ka dyan! ewan ko sayo lyka! kung ano-anong kabaliwan ang iniisip mo."
"eh kainis ka naman babe eh! Ginulo mo yung hair style ko! tch! pinaghirapan ko yan no,! para pag makita ako ng mga girlfriends ko maganda ako!"
"dream on Lyka! im still the gooddes of beauty." sagot ni Jess at nag-wink pa. Nagtawanan naman sila at sumakay na sila sa mustang na sasakyan nito.
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...