Chapter 19:

2 0 0
                                    

Chapter 19:

Pao's POV

"Lyka"

"Let's talk.."

Umalis ito palayo sa kanya kaya sinundan niya ito. Tiningnan niya ang mga kaibigan ni Lyka.

Hi Pao! -Veron

Hello Pao, friend namin si Lyka. -Jess

Go Pao sundan mo siya!! -Shella

"Hi! Nice meeting you all. I gotta go." Ngumiti siya sa mga ito na lalong naging dahilan para umingay ang tatlong kaibigan ni Lyka.

"Lyka??!! Asan ka na???" Lakad-takbo niyang sabi. Bigla na lang kasi nawala si Lyka sa paningin niya. Ang bilis naman nito makatakas.

"Lyka! Asan ka na ba???"pumunta siya sa likod ng college of psychology. Nagbabakasaling baka doon pumunta si Lyka pero wala ito doon. Nagtaka pa siya nang may nakita siyang nakabukas na pinto. Kaya naman pumasok siya sa loob.

"Lyka??!! Andito ka ba???"

"Lyka???!!!"

"Lyka lumabas ka na dyan, mag-uusap lang naman tayo. Di kita kakainin."

Hahaha nakakatuwa naman yung sinasabi ko ngayon. Damn it.

"Awww!!!"

May narinig pa siyang kumalabog sa may dulo bandang kanan. Agad siyang tumakbo papunta doon at nakita niya si Lyka na nakaupo hawak ang paa nito.

"Lyka?! Anong nangyari??"

"Ang paa ko Pao.. ouch!" Naiiyak na sabi ni Lyka.

"Bakit kasi kaylangan magtago pa sakin? Kakausapin lang naman kita uh. Ayaw mo ba talaga sakin?? Dapat sinabi mo na lang para di mo na kaylangan pang mag-effort na umiwas. Napano ka pa tuloy." Sabi niya na naiinis at the same the nag-aalala din para dito.

"Hmm di naman sa ayaw Pao.. sorry talaga.." nahihiya nitong sagot sa kanya.

Tiningnan niya ito sa mata pero agad din itong umiwas. "Lyka come over here." Seryoso niyang sabi.

"B-bakit??"

"Come over here..."

"Bakit n-nga??"

"Can you just come over here? Bubuhatin kita para magamot yang paa mo."

Sa huli lumapit nalang ito sa kanya at binuhat niya ito palabas sa lugar na iyon. Di ito umiimik kaya di narin siya nag-salita pa.

Lyka's POV

Nasan ako???

Inilibot niya ang sarili. Saka niya lang na na-realize na andun pala siya sa sarili niyang kwarto.

Hala???!! Paano nangyari iyon eh ang huling natatandaan niya ay binuhat siya ni Pao palabas sa likod ng college of psychology.

Kainis kasi eh. Bakit natapilok pa ko. Ayan tuloy kinailangan ko ng tulong niya.

Sa totoo lang kaya ko kasi iniiwasan si Pao kasi di ko pa sigurado kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Oo alam ko gusto niya ako pero sa sarili ko di ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya.

Natutuwa ako kasi sa mga oras na kaylangan ko ng tulong laging andyan si Pao sa akin. Lagi niya ako tinutulungan. And im used to it. Pero di ko akalain na magugustuhan niya ako.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon