Chapter 25:

4 0 0
                                    

Chapter 25:

Monday na ngayon............

Maaga siyang gumising para hindi na siya sigaw-sigawan ng mama niya. Hehehe kakaibago ituuu

Pagkatapos niyang maligo at mag-ayos ay agad siyang bumaba saka sumabay na kumain sa almusal.

"Oh ang aga mo ata gumising uh? Himala" -Mama

Hay! Si mama talaga, bakit hindi nalang siya maging masaya kasi maaga akong nagising?? Hehehe

"Minsan minsan lang to ma. Kaya pagbigyan mo na ko." Sabay kindat ko sa kanya.

"Oh san ang punta mo niyan Lyka?" -Papa

Uminom na ko ng tubig. "Ah pa dyan lang malapit sa park. Jogging lang sa umaga you know. Si kuya kasi tawag padin sakin tabachingching." Sabay pout niya.

Natawa naman si papa habang si mama nakataas kilay lang. Ano problema no madir? Porke bagong ahit lang kilay? Hehe

"Oh sya, ma, pa jogging lang ako saglit..." Paalam niya bigla. Saka agad lumabas ng bahay nila.

Masarap mag-jogging lalo na kapag maaga pa. Hindi pa ganun kaingay sa paligid saka tahimik lang. Palibhasa kasi subdivision yung lugar namin kaya bibihira yung may papasok na sasakyan. Kung meron man malalaman namin agad yun lalo na may guard na bantay.

Kung saan saan siya dinala ng paa niya kaka-jogging. Hindi niya alam na lumagpas na siya sa park. Nagpahinga kasi siya matapos ang ilang oras na jogging tapos nung lumingon siya nakita niya yung park na nilagpasan niya pala.

Aalis na sana siya sa may pwesto niya may upuan kasi doon na katabi lang ng puno.

Teka............kilala ko yung bike.........

"Jaypee Chan..............." mahinang usal niya.

Si Jaypee Chan, nakasakay ito sa bike nito at nakita niyang may kinakausap itong babae. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng babae kasi mahaba ang buhok nito pero parang kasing-tangkad lang ito no Roseanne yun nga lang morena yung babae ee si Roseanne maputi.

Mukha pang seryoso ang pinag-uusapan nila kasi napansin niyang nakakunot-noo na si Jaypee Chan. Tapos mamaya-maya ay bigla itong umalis saka naiwan ang babae.

"Sino naman kaya yung babae............"

Hindi kaya.........

"Nagbago na si Jaypee Chan no! Kaya di niya magagawa iyon...."

Nakita niyang sumakay na ang babae sa isang white na bmw na naka-park sa di kalayuan kung saan nag-usap ang dalawa saka umalis.

"Sana naman wala lang iyon ibig sabihin Jaypee Chan..."

Concern siya. Syempre sino ba namang hindi di ba?? Alam kong nagbago na si Jaypee Chan kaya di nun magagawang lokohin si Roseanne.

"Hayyy ewan ko ba. Ah basta bahala na."

Pao's POV

Maaga siyang nagising. Malapit na siya sa bahay nila Lyka nung makita siya ng papa nito.

"Pao??? Oh ang aga mo uh...."

"Good morning po tito... Si Lyka po ba gising na?"

"Ah oo kanina pa gising si Lyka nag-jogging siya, akala ko nga kasama ka eh." Inilagay pa nito ang case sa passenger seat.

"Oh sya, papasok na ko Pao uh. Baka ma-late pa ko eh." Tapos sumakay na ito sa kotse nito. Ngumiti naman siya saka kinawayan ito habang papalayo na ang sasakyan nito.

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon