Chapter 27:
"okay so guys ito ang pinagmamalaki naming resort. ang ganda diba??"
Tama si Jessie ang ganda ng ng resort nila dito sa Romblon. White sand beach and blue waters ideal para mag-enjoy ka mag-swimming, snorkeling, at surfing.
Pasimple padin ako tumingin kila Jaypee Chan at Roseanne. Bumalik na naman sa pagiging civil unlike kanina na nagsisigawan na sila. That's good uh sana lang ma-enjoy nila ang summer vacation namin dito.
Madami pang sinabi si Jess siya ang personal na nag-tour samin sa resort. Ang kagandahan dito bukod sa malapit sa dagat ay may mga bars at iba pa na pwedeng pagkalibangan dito.
"Okay lahat nalang ng girls magkakasama sa isang unit tapos ganun din ang boys. okay lang naman iyon sa inyo diba?" may pagka-bossy na sabi ni Jess. She always act like superior kaya wala tuloy naglalakas ng loob na manligaw sa kanya eh.
Wala naman umangal ni isa sa amin. Siguro ay dahil sa pagod sa byahe saka isa pa sa pagka-amaze sa lugar ni Jess. Agad kaming tumungo sa unit namin. Nakita kong pasimple na humihikbi si Roseanne. Buti nalang abala si Jess sa pag-aayos ng gamot habang si Shella ay nag-shower ay si Veron ay humilata naman sa kama.
"Im fine Lyka.. dont worry.." sagot nito na nag-aayos naman ng damit nito na ilalagay sa closet.
Malaki ang unit na iyon para sa kanilang lima. Kaya naman kahit marami sola sa kwarto ay di naman sila nasisikipan.
"hmm... i know your not fine Roseanne.. both of you are not fine.. gusto mo bang kausapin ko si Jaypee Chan about that?" Ayaw ko sana manghimasok but i think kaylangan ko din manghimasok lalo na may alam din ako sa nangyari.
"are you sure about that? kung sa akin nga di nagsabi si Jaypee Chan sayo pa kaya???"
Oo na, ako na yung di girlfriend. Di mo naman kaylangan ipamukha sakin yun Roseanne. I just really want to help. Pero naiintindihan ko din naman siya kasi nga relasyon nila yun. Di maganda kung manghihimasok pa ako.
"Girls! Bilisan na natin. Para makapag-lunch na tayo saka makapag-swimming na din." sabi ni Jess na agad lumabas sa unit namin. Nakita ko pa na naghihintay pala dito si Chavez. okay.....
"lika na Roseanne, lets take our lunch na.." yaya niya dito. pero di ito umimik at patagilid na humiga lang sa kam nito. wala na tuloy siyang nagawa kung hindi ang mapabuntong-hininga nalang.
Tiningnan ko pa kung anong oras na sa phone ko at nakita ko na may nagtext pala sakin.
Pao: Sabay na tayo mag-lunch?
me: alright. wait me at the dining hall. ☺
Pao: okay. I'll wait. ☺
Agad na siyang lumabas ng unit at tinahak ang papunta sa dining hall. Medyo may kalayuan lang kasi malapit yung unit na kinuha ni Jess sa kanila sa may tabing dagat. Pagliko niya pa, ay nakita niyang papunta si Jaypee Chan.
"si Roseanne?"
"ah nasa kwarto eh. ayaw lumabas mamaya nalang daw siya kakain.."
Di na ito agad nagsalita pa at akmang maglalakad na ito.
"Jaypee Chan, can we talk for a while??"
Pinag-isipan pa nito kung papayag pero sa huli pumayag na din ito na mag-usap sila.
"okay sige."
BINABASA MO ANG
Lost in Love
RomanceKung sino pa yung hindi mo inaasahan... Yun pa yung kusang darating sayo. At kahit anong gawin mo para layuan siya ay sa kanya at sa kanya ka padin mahuhulog. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ALL RIGHTS RESERVED 2016 Another story of mine. Enjoy read...