Chapter 20:

4 0 0
                                    

Chapter 20:

Lyka's POV

Abala siya sa pagre-review dahil final exams na nila. Ang daming subjects ang dapat niyang reviewhin lalo na't sa darating na wednesday na ang umpisa ng exam nila.

"Hey, girlfriend mag-kwento ka naman sa nangyari sa pag-uusap niyo ni Pafa Pao!" Maarteng sabi ni Jess

Natawa naman siya dito. Alam niya namang maarte yung mga kaibigan niya. Minsan nahahawa na nga rin siya eh.

"Eh wala naman masyadong nangyari girlfriends.." nakangiti niya lang sagot.

"Anong wala?! Halata ka girlfriend! Lokohin mo na lahat wag lang kaming mga baliw mong kaibigan!" Sabi naman ni Shella

"Oo nga girlfriend magsalita ka naman kasi na. Supportive naman kami sa inyong dalawa eh. Biruin mo uh si Pafa Pao iyon ang sikat na heartrob sa college of doctors. Well i guess sa buong school natin." Sabi naman ni Veron.

Panay ngiti lang niya sa mga kaibigan at nagpatuloy sa pagre-review.

Nasa waiting shed kasi sila ng college of psych at dun sila nagre-review. Puno na kasi masyado sa library nila eh.

"Lyka?! Magku-kwento ka ba o pipilitin ka namin??" Nagbabantang tanong ni Shella.

Hay. Ang hirap talaga pag may makukulit at baliw kang kaibigan. Di ka talaga titigilan eh.

Hindi pa din siya nagsalita kaya sumenyas si Shella kila Veron at Jess na hinawakan siya sa magkabila niyang kamay.

"Hoy! Ano ba? Di to nakakatuwa." Kunwa'y galit siya.

"Magsasalita ka o magsasalita ka??" Ngumisi pa si Shella at humakbang papalapit sa kanya. Kiniliti siya nito pati nila Jess at Veron.

Halos di na siya makahinga sa kakakiliti nito. "Tama na.........!!!! Tama na......!! Magsasalita na ako!!!" Hinihingal niyang sabi.

Tumigil naman ang tatlo at nakatingin sa kanya.

"Bilis!" -Jess

"Ang tagal naman!" -Shella

"We're waiting lyka!" -sabi ni Veron ang pinaka-maarteng magsalita

"Oo na! Oo na! Nagpapahinga pa ko oh. Pinagod niyo kaya ako!" Palusot ko. Ayaw ko pa talaga muna sabihin sa kanila kasi baka kung ano din isipin nila.

"Lyka?!!!!" Sigaw nilang tatlo na ikinagulat ko. Mga seryoso ang mukha nilang tatlo.

"Oo na! Oo na! Nanliligaw sakin si Pao. Ano masaya na kayo!" Naiinis niyang sabi.

Nagtatatalon naman sa tuwa ang tatlo at kinikilig pa. My Ghad! Ano bang nakakatuwa dun? Na nanliligaw sakin si Pao o dahil isa akong maswerteng nilalang na nililigawan ni Pao?? Hehehe

"Ohhhh im so proud for you Lyka!" Maiyak iyak na sabi ni Veron.

"Remember huh. Dont be easy to get okay?? Let him know your worth." Seryoso namang sabi ni Jess.

Kahit maarte kasi si Jess may pagka-conservative ito. Ewan niya siguro ganun kinalakihan nito eh.

"Jess is right. And always remember its good to be inlove but always do not lose the love for yourself. Para di ka masyadong masasaktan. Okay?" Pangaral naman ni Shella.

Tumango naman siya at parang maiiyak iyak na siya sa sinabi ng mga supportive niyang friends. Nag-group hug pa silang apat.

Pao's POV

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon